"May gana ka pa talagang kumain ha? Matapos mo nanamang saktan yung isa sa schoolmates mo kahapon? Grabe ka talaga Lana. Ewan ko kung san mo nakukuha yang kapal ng mukha mo." - litanya ng kapatid ko pagkapasok niya sa dining.
"Hindi na pala pwedeng kumain ang mga taong ipinagtanggol ang sarili ngayon? Wow, that's new. Sorry sis, hindi ako na inform eh." - I sarcastically replied as I continued to eat my breakfast para mas lalo siyang mainis.
"Ipinagtanggol ang sarili?" - she scoffed.
"Nasan yung sinasabi mo? Eh wala namang ginawa sayo yung lalake. Bigla mo na lang siyang hinampas ng upuan!" - dagdag pa niya.
As expected, mali nanaman ang impression niya. Napaka close-minded talaga. Minsan matatawa ka na lang sa katangahan niya.
"San mo ba nakuha yang impormasyon na yan?" - natatawa kong sabi.
"Well does it matter?"
"Yes it does."
"What the hell Lana! You are not using that game on me again!" - she said, clearly frustrated.
I sooo love this day. 😂
"What game?"
"Ugh, stop being sarcastic!" -she shouted, indignant.
"I'm not."
"Well, if you're going to play then so am I." - she smirked as she started to sit in the chair near me at nagsimula na ring kumuha ng pagkain.
And I smirked as well. Akala niya papatalo ako? Haha, nuh uh. Not this day, sis.
"Mom's disappointed in you, you know?" - she started as she played with her food.
"Don't care."
"She said you're a disgrace to our family."
"I know."
"So? What are you going to do about it?"
Tumayo nako sa upuan. Klase ko na eh.
"I'll continue being one. Bye sis 😏" - I finally said as I stood and walked away.
Papasok nako sa sasakyan ng biglang tumunog yung telepono ko.
"Hoy asan kana? Bilisan mo nga! Wala akong pake kung palagi kang late basta ngayon, pagwala ka pa dito sa harap ng classroom, ibabaon kita ng buhay sa lupa! Bwisit ka!" - sabay putol nya ng linya.
Tss, bwisit ka rin. 😒
Yung tuwawag ay si Kristin. Kaibigan ko. Oh? Gulat kayo at may kaibigan ang katulad kong masama ang ugali? Well, ganon talaga. Katulad ko, kilala rin si Kristin na walang sinasanto. Mapa teacher o student, basta nagawan mo sya ng mali, patay ka. Hindi ko masasabing matalik na kaibigan ko sya dahil madalas ay matalik ko rin syang kaaway. Di ko alam, pero minsan hindi kami nagkakasundo to the point na gulong gulo na yung isipan ng mga kaklase namin kung magkaibigan talaga kami dahil sa ginagawa naming pagsasagutan ng mga harsh words tapos ilang oras lang, kaibigan nanaman ulit ang turingan namin sa isa't-isa. Gulo diba? Kasing gulo ng pagmumukha ng driver ko ngayon.
"Hoy Limuel! Bilisan mo nga! Sayang ang pinapasweldo sayo kung hinahatid mokong late palagi!" - sabi ko na inip na inip na dahil kanina pa kami hindi gumagalaw dahil sa traffic.
"Traffic ho talaga ganitong oras maam. Sana po mas maaga po tayong umalis para hindi tayo naabutan ng traffic" - pagpapaliwanag nya.
"So kasalanan ko pa ngayon kung bakit stuck tayo? Wala akong pakealam sa traffic! Kung kailangan mong sagasaan lahat ng humaharang gawin mo!" - bulyaw ko nanaman sakanya.
BINABASA MO ANG
Beneath her Mask
Teen FictionIn almost all stories, villains are just described as the 'bad ones'. But have you ever thought about their back stories? The reason behind their behaviour? I guess not. Meet Lana Demetria-- the not so typical mean girl whose hobby is simply to make...