"Ate dali! Bilisan mo! pauwi na yun!" sigaw ng kapatid kong si Jayvee. 4 years old. "Kelangan pa ba?" tanong ko sakanya. Ang cute talaga nya at mas lalo pa syang naging cute sa costume nya na pusa. Yung costume ko naman, pusa din pero sexy ang dating. Mature kung baga.
Natawa si Jayvee, "oo naman ate! Alam mo naman ung rule diba? Ayaw ko kayang kaninin ng isang linggo ang luto mo. blee!" sabi nya, a-u-ti pa nyang sinabi yan kasi bata pa. (The rule is, dapat magsuot kame ni Jayvee ng themed costume every Monday tapos sasalubungin namin sya sa pintuan, kapag hindi namin ginawa, hindi nya kame ipagluluto ng pagkain sa loob ng isang linggo.) Nilagay ko yung kanang kamay ko sa dibdib ko, basta yung pormang parang aatakihin sa puso,hindi yung magkakanta ng lupang hinirang. haha tapos kunwari nasaktan ako. "Jay, ate mo k-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko sakanya kasi narinig na naming bumukas yung gate. Nagtatakbo na agad kame ni Jayvee sa sala since nandun yung pintuan papasok ng bahay.
Umupo ako sa harapan ng pinto at pagkabukas na pagkabukas nito,Isang mukhang pagod pero masaya at gwapong gwapong nilalang ang bumungad sakin at hindi ako makapaniwalang asawa ko sya. "I'mmmmmmmmmm Hoooooommmmeee!" sigaw ni Larrence. (Oo, Larrence lang dahil wala naman kami sa school.)
"Ayens!" sigaw ni Jayvee, Ayens ang tawag nya kay Larrence dahil nahihirapan syang bigkasin ang pangalan nito. tapos patakbong yumakap kay Larrence. Kala mo naman ang tagal na nung huli nilang pagkikita eh samantalang kaninang umaga lang naman yon. Nasabi ko na ba? Kahit mukhang masungit at suplado ang asawa ko, softie parin sya, not to mention na he is clumsy, kaya kayang kaya nyang magmukhang tanga.
"Jaaaaaaay! Namiss kita!" ginantihan nya din ng yakap ang kapatid ko, nagkunwari pang malungkot ang tono ng boses nya, habang ako, nakaupo lang at pinapanood ko sila. Naalala ko nanaman tuloy ang mga nangyari.
Nagsimula ang lahat last year, nung sabay na namatay ang parents ko dahil sa isang car accident. Mahirap para sakin yon dahil 17 pa lang ako noon pero sa palagay ko mas mahirap yun para sa bunso kong kapatid na si Jayvee, 3 yrs old pa lang sya noon. Pero tiniis ko lahat ng yun para sa kapatid ko, kasi alam ko na ang isa't-isa na lang ang meron kami. Simula non nagpalipat lipat kami ng bahay, nakikitira kami sa kung sinong kamag anak ang pwedeng kumupkop samin. Alam ko na mahal nila kami pero alam ko din naman na malaking pabigat kami sakanila kaya nagpasya akong wag na lang makitira sa kahit na sino sakanila, napagod at nagsawa na dn kasi akong magpalipat lipat ng bahay. Ginamit ko ang natitira naming pera galing sa mga magulang namin para magrent sa mga motel, pambili ng pagkain at mga damit naming magkapatid.Umabot lang ng isang linggo ang pera namin. Noong maubos na ang mga ito, wala na akong nagawa kundi umiyak at maupo nalang sa bench sa isang park. Naaalala ko pa non na umiiyak din ang kapatid ko, tinanong nya ko kung bakit ganun na lang kadali para sa mga kamag anak namin na hayaan kaming umalis. Hindi ako nakasagot.
And on that very same night, Si Larrence, ang bagong teacher sa skwelahang pinapausakan ko ay dumaan at nakita kami. Lumapit sya samin ng may pagtataka at nagtanong kung bakit kami nandon, ipinaliwanag ko sakanya kung ano ang mga nangyare samin nitong mga nakaraang bwan, kalmado lang akong nagkukwento na para bang wala lang para samin ang nangyari. Pagkatapos kong magkwento, inalok nya kami na sa bahay na lang nya tumuloy, nabigla ako at nasigawan ko sya, " Hindi naman kami mga pulubi para kaawaan mo! Hindi kami mga pulubi para tulungan at patirahin mo sa bahay mo at para maging proud ka sa sarili mo dahil sa pagtulong mo sa'amin! alam kong hindi naman talaga ganoon ang intensyon nya pero nadala na ako ng lungkot , galit at pagod ko kaya ganun ang mga nasabi ko. "Hindi naman ganon ang tingin ko sainyo, Ang gusto ka lang mangyari ay alagaan kayo hanggang sa makaya nyo na ng kayo lang dalawa." Kahit mejo kalmado na ako, ay nagawa parin akong pangunahan ng galit ko, "Eh ano?! Pakakasalan mo ba ako at aalagaan mo kaming dalawa ng kapatid ko na parang isang pamilya?! Oh come on! Don't be stupid!" pasigaw na sabi ko sakanya.
Siguro ay masyado na syang nadala sa sitwasyon namin kaya ang mga sumunod na sinabi nya ay hindi ko inasahang magmumula sakanya. " Yes! That's exactly what I'll do!" Pagkatapos non, hinawakan nya ang mga kamay ko, at ng kapatid ko at dinala nya kami sa bahay nya. Nagpupumiglas ako pero wala akong nagawa sa lakas nya. Ilang araw mula ng gabing yun ay nagpakasal kami.
"Ayens, hindi mo ba yayakapin ang ate ko?" Naputol ang pag-iisip ko dahil sa mga sinabi na yun ni Jayvee, at nung magegister sa utak ko ung mga sinabi nya, pakiramdam ko lahat ng dugo ko sa katawan eh umakyat na sa mukha ko dahilan para maging sobrang pula ko.
"Jay, hindi pw-" bago ko pa matapos yung sasabihin ko, Naramdaman ko ng yakap yakap ako ni Larrence, dahil dun napapikit ako at inamoy ko ang napakabango nyang damit. HIndi nagtagal, naramdaman kong dumampi ang labi nya sa noo ko. Sobrang kinilig ako sa ginawa nya. Hindi ako makagalaw kahit gustuhin ko, Pagkatanggal nya, dinilat ko ang mga mata ko, akala ko umalis na sya pero hindi pa pala, nakita ko syang nakatitig sa akin at syempre, nag blush ulit ang lola nyo. haha Alam kong mali pero hindi lang halik sa noo ang gusto ko. Hindi nyo naman ako masisisi dahil sobrang gwapo talaga ng napangasawa ko.
Kahit ikinasal na kami, never pa kaming nag s*x o nagkiss sa lips, puro mga panakaw lang na halik nya sa noo at sa pisngi, at ako? Hindi ko sya magawang nakawan ng halik dahil lang sa simpleng dahilan na nahihiya ako. haha
After what seemed like a million years, but was just probably a few seconds, nanlaki ang mga mata nya, na para bang nagulat at parang narealize nya kung ano ang ginagawa nya, dahil dun iniwas nya ang mata nya na kanina lang ay nakatitig sakin, na sya namang kinalungkot ko, feeling ko namimiss ko sya, gusto kong maramdaman yung yakap nya at yung init ng katawan nya sakin. Gusto kong mas mapalapit pa kami sa isa't isa. Ibinalik nya ang tingin nya sakin, tapos ibinaling nya kay Jayvee na tulala dahil nakita nya yung nangyari samin tapos hindi ko alam kung bakit sya pumalakpak. Siguro natuwa?
"Hon tara na, magluto na tayo ng dinner." sabi sakin ni Larrence at binuhat nya si Jayvee papuntang kusina, naiwan akong tulala sa kinatatayuan ko at pinaprocess ng utak ko yung mga nangyari.
After ng ilang sigundo..... "Wait, what!? Tinawag nya akong hon!" >.<" sigaw ko pero ako lang ang nakarinig at feeling ko para akong hihimatayin sa kilig at saya.
~~~
BINABASA MO ANG
Faster Than A kiss
RomanceJenny Viray and John Larrence Calderon Nasa iisang school, nasa iisang klase. Alam nilang naroon ang isa't-isa Pero sa school, hindi sila nag-uusap o nagpapansinan kahit gustong-gusto na nila. Hindi sila pwedeng magpabaya kase... Nakatira sila sa ii...