I panted harshly, trying to catch my breath. "Holy shit! pw-pwede b-bang tu-tumigil na ta-tayo? Hi-Hindi ko na ka-kaya!" Masakit na ang katawan ko at nanghihina nako, pero sigurado akong iba ang iniisip ni Larrence.
"Hindi pa tayo pwedeng tumigil." binulong nya sa tenga ko, nakakakiliti ung hininga nya. I felt stupid kasi nararamdaman ko to kahit hindi naman dapat.
"One more baby, Just one more." He pleaded. Pinikit ko nalang ang mga mata ko. Nararamdaman kong tumutulo na yung pawis sa noo ko, saka ako tumango.
"Mark! Sabi nya kaya nya pa daw hanggang 20 serves!" nanlaki ang mata ko at gusto ko na talagang patayin ang asawa ko dahil sa sinabi nya na yun! Inumpisan na magserve ni Mark nung sumenyas si Larrence. Bago ko pa masabihan si Mark na tumigil na, naunahan na nya ako dahil napakarami ng bola ang sunod sunod na tumama sakin at wala na akong nagawa kundi humawak nalang sa ulo ko para hindi tamaan yung mukha ko.
"I'm done with this!" sigaw ko na ikinagulat ng lahat ng nasa gym. Palihim akong pinagtawanan ni Larrence, or rather Sir Larrence kaya binigyan ko sya ng isang death glare. Siguro kung nakakamatay lang ung tingin ko matagal na syang naiburol.
"I'm sorry Ms. Viray, Pero hindi ko naman inakalang hindi ka pala marunong magvolley ball." sabi nya. I just rolled my eyes and crossed my jelly like arms.
"It's not like I signed up for this voluntarily!" Galit na sigaw ko sakanya. Tapos biglang sumulpot si Queenie sa tabi nya. "Oo nga naman sir! It's not fair na compulsary ang pagparticipate sa darating na competion na yan diba?" Alam kong sinabi lang ni Queenie yun para ipagtanggol ako, dahil sa totoo lang, magaling sya sa voley ball.Nagtatakang tinignan ni Larrence si Queenie.
"Akala ko ba gusto mo ang volleyball?" pang-aasar ko sakanya. Binigyan nya lang ako ulit ng isang tiger look at alam ko na ang ibig sabihin non, gusto nya akong tumahimik. "Well... That doesn't mean that it isn't stupid." sabi nya.
I smiled to myself, loving the loyalty of Queenie. Mahilig na syang magvolley ball kahit nung nasa elementay pa lang kami, at alam ko din na excited na syang maglaro para sa competition. Sinabi nya lang yun kay sir kasi binaback'up'an nya lang ako.
Pagkauwi ko, dumiretso kaagad ako sa kwarto ko at nagpahinga. Oo, kwarto ko dahil hindi naman kami magkasama sa kwarto ni Larrence. Kahit napakakomportable ko nang nakahiga sa kama, feeling ko dinaanan ako ng isang 10-wheeler truck dahil sa sobrang sakit ng katawan ko. Biglang pumasok si Larrence sa kwarto ko na may dalang tsaa tapos umupo sya sa tabi ko. Nagkunwari akong galit sakanya at iniwasan ko sya and I heard him chuckle.
"Para ka talagang bata Jenny." sabi nya. Umupo lang ako at nag tss as a reply, nakatingin lang ako sa pants nya na nasa harapan ko lang. Tapos hinawakan nya ako sa kaliwang pisngi, saka nya pinaglaruan ang buhok ko.
"I'm sorry." he whispered. Hindi ko na talaga natiis na hindi tingnan ang napakagwapo nyang mukha kaya naman tinignan ko na sya. Nagtama ung mga mata namin. I instantly felt bad kasi makikita mo talaga sakanya na guilty sya. "Ui? Okay lang.. Hinidi naman ikaw mismo ang namilit saaming lahat para sumali hindi ba?" sabi ko para kahit papaano gumaan yung loob nya kaso hindi sya sumagot. Nagpahalumbaba ako sa mga paa nya tapos ngumiti ako ng konti.
"So, bakit ba desperado kang manalo? Anung meron??" tanong ko tapos nag isip muna sya bago sya sumagot. "Well..." naghehesitate pa sya kung sasabihin nya sakin kaya tumango lang ako para ituloy nya yung sasabihin nya. "Hindi naman kasi ako matalino nung highschool, hindi pa rin ako nagkakaron ng kahit anong medal sa buong buhay ko. So kung mananalo tayo sa competiton na to, siguradong makakakuha ang klase natin ng trophy saka mga medals diba? I just... You know. Iniisip ko pa lang na finally, magkakaron na ako ng medal ikinasasaya ko na, paano pa kaya kung meron na diba?" dugtong nya tapos tumingin sya sa ibang direksyon, iniwasan nya sigurong wag kong makita na namumula sya pero nakita ko pa rin.
Tinitigan ko sya at narealize ko na wala pala talaga akong kaalam alam tungkol sa sarili kong asawa. Gusto ko syang tanungin tungkol sa mga past nya, pero meron akong nakikita sa mga mata nya na nagsasabing ayaw nyang pag usapan namin yon kaya hindi ko maituloy.
Binigay nya sakin yung tea na dala dala nya kanina. "Inumin mo yan tapos matulog ka na. May practice pa tayo bukas." sabi nya. Kinuha ko yung tea tapos tumayo na sya. Ngumiti sya nung nakita nyang ininom ko na yung dinala nyang inumin para sakin tapos kinuha nya yung tasa at tinulungan nya akong humiga tapos kiniss nya ako sa noo para mag goodnight tapos bumalik na sya sa kwarto nya. Kahit halos gabi gabi nya namang ginagawa yun, kinikilig pa rin ako.
Hindi rin ako kaagad nakatulog dahil bukod sa masakit yung katawan ko, naiisip ko din yung confession na sinabi kanina ni Larrence kanina. Dahil don napagdesisyunan ko nang mananalo kami at makakakuha kami ng medal para sakanya. Wala na akong pakialam kung sumakit man ulit yung katawan ko kakapractice para lang manalo kami.
*
Yung determination ko na kagabi lang eh sobrang taas eh nawala pagkagising na pagkagising ko pa lang. Paano ba naman kasi sobrang sakit ng buong katawan ko! Dinaig ko pa ang may rayuma. Tumayo ako at nagstretch. In'ark ko yung balikat ko pakaliwa at pakanan para medyo mabawasan yung sakit. Narinig kong may tumunog na parang nagcrack tapos medyo guminhawa yung pakiramdam ko.
Yung kapitbahay ni Larrence na si Bryan na at the same time bestfriend nya din ay isang kindergarden teacher at teacher din ni Jayvee, sinusundo nya samin si Jayvee tapos sabay na silang pumapasok sa eskwelahan kaya hindi na kami naaabala ni Larrence kapag pumapasok sya.
Gwapo din si Bryan pero di hamak na mas gwapo ang asawa ko, black ang buhok nya tapos almost female-like ang features nya. Masayahin at mabait din sya.
"Good morning everyone!" bungad nya habang patakbong nagpunta sa sala kung nasan ako. Nakita nya akong nakabulagta sa sofa, nakahulog yung isa kong kamay tapos nakabukaka at naghikab pa ako. Awkward! Dali dali kong inayos ang pagkakahiga ko kahit masakit ang buong katawan ko. Tapos nakita ko syang nagtaas baba ng kilay kay Larrence.
"Mukhang pagod na pagod yung isa jan ah. Ano matindi ba ang labanan nyo kagabi kaya sya nagkaganyan?hahaha" mapang asar na sabi ni Bryan kay Larrence. Halos ibuga ko yung iniinom kong orange juice nung marinig ko yung sinabi nya tapos binigyan sya ni Larrence ng isang death glare. Sumipol lang si Bryan tapos binuhat nya na si Jayvee. "Tara na Jay, late na tayo." pagkasabi nya nyan umalis na sila, sumabay na din akong lumabas at pumasok na din ako sa school. HIndi kami pwedeng magsabay pumasok ni Larrence kahit iisa lang yung pinapasukan namin. Ayaw naming malaman ng iba na mag asawa kami. Kasi bukod sa bawal ang teacher-student relationship eh adviser ko pa sya.
*
Tumingin ako sa bolang papalapit sakin. pinusisyon ko na yung kamay ko para tirahin yung bola, binigay ko na lahat ng lakas ko para lang mapunta yung bola sa kabila, kaso, imbis na sa kamay ko tumama, sa mukha ko naglanding yung bola. Natumba ako tapos hinimas ko yung ilong ko. ang sakit!
"argggh! wala na yata akong pag-asang matuto nito!" sigaw ko. gusto ko ng sumuko pero hindi pwede.
"Mali kasi yung porma ng katawan mo kaya ka tinamaan sa mukha." sabi nung hindi ko kilalang boses. Tinignan ko sya, sya yung president ng volley ball club, si Kevin, kakambal sya ni Irish. Magaling sya magvolleyball, dahil kung hindi, hindi naman sya magiging president diba? haha At hindi lang sya magaling, gwapo din sya. Walang nagsalita samin hanggang sa nagdecide na akong magtanong.
"So, inaalok mo ba ako ng tulong o ano?" tanong ko, umaasa din akong tuturuan nya ako. Dahil magaling sya, sigurado akong mas mapapadali yung pagpapractice ko, at siguradong makakatulong ako ng malaki sa team namin, at pwede na rin kaming manalo. Nag-isip sya sandali tapos tumango sya saka pumayag.
"Really?!" masayang tanong ko. Hindi ako makapaniwalang tuturuan talaga ako ng president ng volleyball club namin. "Yeah." sabi nya tapos tumango sya ulit. Hindi na ako nag salita pagkatapos nun kasi baka bawiin nya pa, mahirap na.
"Okay, so...kelan tayo pwedeng magsimula?" sabi nya ng may kasamang devilish grin kaya naman medyo kinabahan ako. tapos nagpunta sya sa may bandang likuran ko.
"Ngayon na kung pwede." sabi ko.
~~~
BINABASA MO ANG
Faster Than A kiss
RomanceJenny Viray and John Larrence Calderon Nasa iisang school, nasa iisang klase. Alam nilang naroon ang isa't-isa Pero sa school, hindi sila nag-uusap o nagpapansinan kahit gustong-gusto na nila. Hindi sila pwedeng magpabaya kase... Nakatira sila sa ii...