Chapter 3...

46 2 2
                                    

After an hour of intense training, nakuha ko na din yung tamang posisyon, saka nakakapag serve na rin ako ng maayos. oh dba, improving! haha \(^_^)/ Sumayaw ako ng victory dance ko tapos nakita ko si coach Kevin. (Coach Kevin ang tawag ko sakanya kasi gusto nya yon, hindi nya daw ako tuturuan kung hindi ko sya tatawagin ng ganon. -_-) Nakatingin sya sakin tapos nangiti sya ng konti. Awkward!

"So ano? Hindi ba pwedeng magcelebrate ang isang babae?" sabi ko. tapos lalo syang nangiti, kitang kita tuloy yung mga ngipin nyang pwedeng gawing model ng colgate sa sobrang puti. Edi sya na maganda yung ngipin! haha Sinasabon nya kaya yun ng bleach araw araw? :-/ Lumakad sya papalapit saakin, hanggang makarating na sya sa harapan ko.

"Of course, But I'd very much prefer if you would share this moment with me, Jenny." Sabi nya in a seductive way sabay taas ng isang kilay nya, yung totoo, bakla ba to? Tapos dahan dahan nyang nilagay yung kamay nya papunta sa waist ko, pinigilan ko sya agad, binabawi ko na pala yung sinabi ko kanina, hindi sya bakla, bwisit na to, tyatyansing pa! (>.<)

"Hep hep hep! Hoy Mister! Hindi ko matandaang sinabi ko sayong ibibigay ko sayo tong katawan ko as a part of the deal!" sigaw ko sakanya. Lumayo ako sakanya tapos tinignan ko sya ng masama.

"Anong deal?" tanong nya na painosente pa tapos unti unti syang lumapit sakin. Nanlaki yung mga mata ko, natatakot na ko. Ang tanga ko para mahulog sa trap nya ng ganon! Nakita nya yung reaction ko tapos tumawa sya ng tumawa, habang nakatingin ako sakanya, nagtataka ako kung bakit sya tumatawa.

"Hahahahahahaha! You, hahahaha You should have seen your face! Hahahahahaha!" sabi nya habang tumatawa ng malakas. Grabe mamatay na sana syang katatawa don! I rolled my eyes. *sigh* kala ko marerape na ako! Buti nalang! Ginulo ni Kevin yung buhok ko, tapos yumuko sya ng konti para maging magkatapat yung mukha namin, napaupo kasi ako kanina sa takot.

"I was just messing with you, Jen." Tapos umakto sya na parang ikikiss nya ako sa cheeks, pero bago nya magawa yon, sinuntok ko sya sa tiyan nya! (malakas na suntok yun para sa ginawa nyang pananakot sakin!) "hmp! serves you right!"

----------

The following days, puro bahay, school, at practice mg volley ball lang ang gnagawa ko.. Sobra kong pinagbubutihan yung pagtetraining ko ng volley ball para naman magkaroon kami ng chance na manalo, at para makuha ko din yung medal na inaasam asam ni Larrence. Effort diba? Haha!

Kelangan ko talagang pagbutihan para manalo kami kasi kung sakali, eto palang yung unang medal na maipagmamalaki ni Larrence at dahil pa yun sakin.. Kaya dapat talagang makuha ko yun!

Kapag nasa bahay kami, minsan nakikita kong nakatingin sakin si Larrence pero halata sa expression ng mukha nya na nasasaktan at nag aalala sya. Marami na kasi akong pasa sa katawan at palagi rin akong pagod dahil palagi kaming natetraining ni Kevin twing uwian ng hapon tapos minsan aabutin pa kami hanggang alas otso ng gabi.

Minsan tinatanong din ako ni Larrence kung kami lang daw bang dalawa ni Kevin yung magkasama magpractice, sinasabi kong oo, pero hindi ko alam kung imagination ko lang, kasi parang nalulungkot sya kapag nalalaman nya na magkasama kaming dalawa ni Coach Kevin, pero ayoko namang mag assume na nagseselos sya, kasi pinakasalan nya lang naman ako dahil gusto nya kaming tulungan diba?

-----------

Sa wakas, dumating na yung araw ng tournament na pinakahihintay ng lahat, lalo na ni Queenie. Bakas na bakas talaga sa mukha nya ang excitement. Syempre excited na rin ako kasi masusubukan ko na yung bagong skills ko sa volley ball, siguro kasing galing na rin ako ni Queenie maglaro kasi sobrang hirap ng training sessions namin ni Kevin eh, pero feeling ko lang naman. Hahaha

Madali lang nakapasok yung klase namin sa priliminaries, lumipas na yung kalahating araw and before we knew it, lumalaban na kami para sa finals, kalaban namin yung first section ng mga fourth years o star section kung tawagin, nasa third section ako.

Kaninang umaga palang mejo nahihilo na ako pero hindi ko yun pinansin, naglaro pa rin ako dahil desidido talaga akong makuha yung first place para makuha din ng section namin yung mga medals, saka ayaw ko din kasing madisappoint si Queenie dahil sa totoo lang malaki talaga ang naitutulong nya sa section namin. Ten minutes nalang bago mag umpisa yung finals pero umiikot na yung paningin ko, feeling ko binibiyak yung ulo ko at nilalamig na din ako.

Kukunin ko sana yung tubig ko sa bag para uminom ng tubig, baka sakaling bumuti yung pakiramdam ko pero bigla akong napaupo sa sobrang pagkahilo, nakita ako ni Larrence at nagmadali syang puntahan ako, hindi na sya nag abalang itago pa yung pag aalalang nararamdaman nya kahit nasa harapan kami ng maraming tao.

"Jen, okay ka lang?" Tanong nya sakin sabay hawak nya sa noo ko. "Sh.t! Ang init mo! Bakit hindi mo sinabi kanina na masama pala yung pakiramdam mo? Edi sana hindi ka nalang muna naglaro!" Sabi nya sakin pero hindi na ako nakasagot, tapos pumwesto sya sa harapan ko, sumesenyas sya na sumakay na ako. "Tara, dadalhin na kita sa clinic."

Pero imbis na magpabuhat ako sakanya, hindi ko na lang sya pinansin at naglakad na ako papunta sa court, tinatawag na kasi yung mga players na maglalaro. Pero nung malapit na ako sa court, bigla akong hinawakan ni Larrence sa kamay, pinipigilan nya akong makapasok sa court.

"You're not going in there, missy!" Sigaw nya saakin pero tinignan ko lang sya ng masama. "Bitawan nyo po ako sir, finals na, kailangan ko pong maglaro!" Sabi ko.

Bumuntong hininga sya tapos binitawan nya na ako. "This is the last match. Last match na kaya kailangang manalo kami." Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko yan habang papasok ako ng court. Kailangang maipanalo ko to para maibigay ko sakanya yung medal na gusto nya.

Pumwesto si Larrence sa white line, sa mismong likuran ko habang nakatingin sakin, inaalalayan siguro yung kondisyon ko. After 2 minutes pumito na yung umpire, meaning mag uumpisa na yung game. Huminga ako ng malalim saka sumigaw. "This is it guys, last game na, kaya natin to!" Tapos nagserve na yung kalaban.

Habang tumatagal yung game, mas nararamdaman ko na yung pagod at pagkahilo ko, minsan rin automatic na napipikit yung mga mata ko. Bigla akong may narinig na sumigaw sa bench, pamilyar na boses ng isang lalaki, ang lalaking nagturo sakin mag volley ball, walang iba kundi si coach Kevin.

"Come on Jen! Nanalo na yung boys team nyo, kayo naman ngayon! Kaya mo yan, may tiwala si coach Kevin sayo! Basta alalahanin mo lang yung mga pinractice natin!" Sabi nya. Humugot ako ng lakas ng loob dun sa mga sinabi nya pero mukhang hindi rin gumana.

Papunta na saakin yung bola, at alam kong nakasalalay sa magiging tira ko ang magigng panalo ng game namin, pero nanlalambot na talaga ako kaya bumagsak ako, pero bago pa man ako tuluyang mapahiga, may nakasalo na saakin, si Larrence. Binuhat nya ako palabas ng court tapos nung dumadaan na kami sa may pwesto ni Kevin, nagsalita sya ng mahina pero sigurado akong maririnig yun ni Kevin.

"Next time na magtetrain ka ng studyante mo, siguraduhin mong kaya nila, "Coach Kevin"." binigyang diin nya pa yung pagkakasabi ng coach Kevin tapos bigla na akong nakatulog..

---

Faster Than A kissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon