Behind the Mask

302 6 1
                                    

"Wala ka na bang magawang tama?!" narinig niyang sigaw ng Tita Magda niya pagpasok palang niya sa loob ng bahay. Sigurado siyang si Cinderella nanaman ang pinapagalitan nito. Poor Ella.

"Sorry po tita." narinig niyang turan ni Cinderella.

"Naku! Nasisira ang beauty ko sayo. Bilisan mong linisan 'yan." utos nito.Nang napansin siya nito. "Oh, darling! Nandito ka na pala. Magbihis ka na at kakain na tayo mamaya." ang bilis nagbago ang mood nito. Kanina lang ang parang gusto niyang ingud-ngud si Ella sa sahig, pero ng nakita siya nito'y biglang nagliwanag ang mukha nito.

"I'm full. Matutulog na ako. Night Tita." hinalikan niya ang pisngi ng kaniyang tiyahin. Bago umakyat sa hagdan ay pinasadahan niya ng tingin si Ella na nililinis kung anuman iyong naitapon nito sa sahig.

"Pero nagluto pa naman ako ng favorite mo, darling." pigil nito sa kaniya.

"Bukas na po. I'm tired." at tuluyan na siyang umakyat sa kwarto niya.

Agad siyang napahiga sa kama niya.Nakatingin siya sa kisame. Bigla nanaman siyang nalungkot. Ganoon lagi ang nararamdaman niya tuwing nag-iisa siya. She is not strong, tulad ng pag-aakala ng karamihan. Isang pagbabalatkayo lang ang lahat ng ngiti at tapang na ipinapakita niya. Ang totoo ay mahina siya. Mahinang- mahina. Namimiss na niya ang Mommy niya. Ang buhay niya ay nagbago simula ng namatay ang Mommy niya.Biglang bumuhos ang luha niya ng maalala ang lahat....

"Mommy! Nasaan na kayo? Mag-i-start na eh!" kanina pa siya pabalik-balik sa may gate ng school nila. Graduation niya ng highschool. At kanina pa niya hinihintay ang mama niya at ang step-sister niyang si Cinderella.

"Hi ate. May dinaanan lang kami ni Mommy, we're coming!" masayang sabi ni Ella sa kabilang linya.

"Oh, bilisan niyo baby girl. Para makita mo si Ate na mag-martsa." excited niyang turan.

"Oo anak, malapit na kami." sigaw ng mommy niya sa kabilang linya.

"Mommy. Look! Tara dooon. Bilhin natin iyon para-." tinig iyon ni Ella.

"Cinderella!!!" sigaw ng kaniyang ina. Iyon ang huli niyang narinig sa kabilang linya bago ang isang malakas na tunog.

"Mommy? Anong nangyari? Mom?!" bigla siyang kinabahan ng wala na siyang marinig sa kabilang linya. "Mom! You still there?" pero walang sumasagot. Hindi niya maioaliwanag ang kabang bigla nalang bumangon sa dibdib niya. No! Please! Wala sanang nangyari sa kanila.

Ilang minuto siyang nakatingin sa kawalan ng biglang nag-ring ang cellphone niya. Ang Mommy niya ang tumatawag.Agad niya itong sinagot.

"Mom? What happened?" iyak ng nasa kabilang linya ang kaniyang naririnig.

"Ate!!" si Cinderella. Umiiyak ito.

"Baby, what happened? Nasaan si Mommy?" tanong niya dito.

"Ate si Mommy!! Nabangga si Mommy!" pumalahaw ito ng iyak sa kabilang linya.

"A-anong ibig mong sabihin? Linawin mo please!" lumakas ang kabog ng dibdib niya.

"Sabi nila ate, patay na daw si Mommy!" para siyang nanghina sa narinig. Hindi niya namalayang nabitiwan niya ang kaniyang cellphone. Nawasak ito dahil sa pagkabagsak.

"No!" halos hindi sumingaw ang boses niya. "No! No!" alam niyang nakatawag na siya ng pansin sa mga nagdaraang tao.

Parang wala na siyang maisip sa mga oras na iyon. Masagana ang luha niyang bumuhos sa pisngi niya.

Namalayan nalang niyang nasa hospital na siya. Dead on arrival daw ang kaniyang ina. Nalaman niyang nabangga ito ng truck, nang tangkang tatawid. No! Hindi iyon ang nangyari.

"Ate sorry!" umiiyak sa harap niya si Cinderella. Halos namanhid na ang pakiramdam niya. Hindi siya makapaniwalang ganoon kabilis nawala ang Mommy niya.

"Get out of my sight!" mahina pero matigas niyang utos kay Ella

"Ate, hindi ko alam na may paparating na sasakyan, kung alam ko lang hindi na sana ako tumawid. Ate, hindi ko sinasad-"


"Tumigil ka na!"malakas nitong sigaw. Pagkatapos ay sinampal niya ito." Enough! Hindi mo na maibabalik ang buhay ng Mommy ko!"

"Ate!" umiiyak ito habang sapo niya ang pisngi nitong nasampal.


"Alam mo sa sarili mong kasalanan mo ang lahat! So you better shut your mouth! Dahil kahit umiyak ka pa ng dugo sa harap ko, hindi kita mapapatawad!" itinulak niya ito. Napaaray ito sa sakit pero hindinjiya ito pinansin. Tinalikuran niya ito at pumunta sa labi ng kaniyang ina.

Tatlumpong minuto na siyang nakatayo sa tabi ng kaniyang ina. Ayaw niyang tingnan ang mukha nitong natatakpan ng puting kumot. Kinuha niya ang malamig nitong kamay at pinisil.

"Mom! Ang daya mo!" akala niya nailuha na niya lahat pero doble pa ngayon ang lumalabas sa mga mata niya. "Kanina pa kita hinihintay. Sabi mo darating ka. Pe-pero, wala ka naman na! Mom!" magkahalo na ang sipon at luha sa mukha niya. Wala na yang pakialam. "Alam mo ba My, ako ang Class Veledictorian. Gusto sana kitang surpresahin pero..pero ang daya mo Mommy!" inilihim niya ang pagiging valedictorian niya dahil gusto niyang ito ang gift niya sa Mommy niya sa nalalapit nitong kaarawan."Isama mo na ako Mom! I love you, please Mommy, kunin mo na ako!" parang gusto na rin niyang mamatay sa mga oras na iyon.

Inilibing ang Mommy niya sa araw ng kaarawan nito. Sobrang pighati at aakit ang naramdaman niya sa oras na iyon. Ilang buwan din siyang hindi nagsasalita at walang gustong kausapin.Nagkukulong lang siya sa kwarto niya. Wala siyang ibang ginawa kundi umiyak.

"Darling, kumain ka na. Magkakasakit ka niyan." si Tita Magda niya. Ito na ang tumayong guardian nila ni Ella simula ng namatay ang ina niya. Kapatid ito ng yumao niyang ina. Wala na silang ibang malalapitan kundi ito lang dahil matagal na ring yumao ang Daddy ni Ella. Tatlong taon palang nagsasama ang Mommy niya at Daddy ni Ella ay namatay ito dahil sa atake sa puso."Ang payat-payat mo na.Malulungkot ang Mommy monniyan pag nakita ka niya."hinaplos nito ang pisngi niya. Naramdaman niya ang pagbuhos ng luha niya.

"Tahan na. Nandito lang ako." hinaplos nito ang buhok niya at niyakap siya nito."Nandito lang kami ni Ella." naitulak niya bigla ang tiyahin niya.

"No! I don't want to see her face! Siya ang dahilan kung bakit namatay si Mommy!" sigaw niya.

Kahit kailan ay hindi niya mapapatawad ito! Gagawin din niyang miserable ang buhay nito kagaya ng buhay niya ngayon!

I will never give you my forgiveness! Never Cinderella!


________.iamtamz














DRIZELLA and Her Black SlipperWhere stories live. Discover now