Nakaupo si Drizella sa sulok ng kanilang classroom. Breaktime nila. Pero wala siya sa mood lumabas kahit kanina pa siya kinukulit ng kaniyang mga kaibigan. Nakatanaw siya sa labas.Tinted ang bintana sa classroom nila, kung nasa labas ka ay hindi mo makikita ang nasa loob.Kaya malaya siyang nakatanaw sa labas ng walang nakakakita sa kaniya. May mangilan ngilang estudiyante siyang nakikita. Nagtatawanan, kumakain at may iba na naglalandian. Urgh! I hate PDA. Hind niya makayang tingnan ang mga ito.Yuyuko na sana siya ng biglang naghiyawan ang mga estudiyanteng babae mula sa labas.
"Omg! Ang gwapo nila!" narinig niyang tili ng isang babaeng nakatapat sa na bintana ng classroom nila.
"My future husband!! I love you Ken!" malakas na sigaw ng isa.
"Ang hot ni Niko. Gosh! Mahihimatay na yata ako." parang nangingisay na sabi ng isang babae.
Napakunot noo siya. Sinundan niya ng tingin ang tinitilian ng mga ito. Napansin niya ang dalawang lalakeng naglalakad palapit sa mga babaeng halos mahimatay ng makita sila. Well, mga gwapo sila. But they are not my type. Inalis niya ang tingin mula sa labas. Ilang saglit pa'y muling nag-ingay ang mga babae.
Shit! Ang ingay!
"My Vlad! Why so handsome oppa! kahit di ka ngumingiti!" narinig niyang sigaw ng babaeng nasa tapat ng bintana. "Please, kahit isang gabi lang. Promise I'll make you happy." sigaw ulit nito na kumuha sa atensiyon niya. Napatingin siya sa labas.
At hindi niya inaasahan ang makikita...
Paano ba niya ilalarawan ang nakikita niya? Yes, gwapo ang dalawang lalake kanina, but this one. Oh! Kahit kailan ay hindi siya humanga sa itsura ng lalake, o dahil wala talaga sa isip niya ang bagay na 'yon.Hindi matanggal ang mata niya binata, parang naging slow motion ang lahat. Is this love at first sight? Napalunok siya ng biglang tumigil ito at tumingin ito sa direksyon niya. Gosh! Tinted ba talaga ang bintanang ito? Bakit parang tagos na tagos ang tingin nito. Parang nakatingin ito sa akin! Seryoso ang itsura nito na lalong nakadadagdag sa kagwapuhan ng binata. Those devil's eyes, ang matangos nitong ilong at ang ma..masarap nitong labi?
Gosh! Drizella, paano mo nasabing masarap, natikman mo na ba? "Oh! how I wish, matikman ko." wala sa loob niyang nasabi.
"Matikman ang?" nagulat siya ng biglang may nagsalita sa tabi niya. Si Moly. Pero hindi pa sioya nakakasagot ay bigla ulit itong nagsalita."O, gosh si Vlad ba 'yong dumaan?" nanlaki ang mata nito habang nakatingin sa labas. Wala na ang binata.
"Ha? Vlad who?" parang balewala niyang tanong. Pero ang totoo ay interesado siya sa malalaman tungkol sa binatang nakakuha sa atensiyon niya sa unang pagkakataon sa kaniyang buhay.
"Well, ano bang nakakapagtaka kung hindi mo kilala si Vlad. Kahit pa siguro ilang Vlad ang ipaharap sa 'yo ay hindi mo bibigyang pansin. Kasi nga isa kang dakilang man-hater." wika naman ni Minchie sa kaniya.
You're wrong. Or maybe I'm not really a man hater. Hindi ko lang talaga type ang mga lalakeng nagapapalipad hangin sa akin. Gusto niyang sabihin sa kaibigan.
"Tama ka." umupo si Moly sa upuang nasa harap niya. "Wala ka ng mahahanap na katulad ng isang Al Vladimir Crimson, dahil nakakabit na sa pangalan niya kung ano siya. "The Handsome Prince"." tila nangagarap na wika nito.
"Yes, iyon nga ang ibig sabihin ng pangalan niya." segunda ni Minchie. "Balita ko last week lang siya nagtransfer dito sa school natin, dahil sa hindi ko malamang dahilan. Ang alam ko lang ay hindi naging maganda ang record niya sa pinanggalingang school." kwento ng kaibigan.
Hindi niya alam iyon dahil isang linggo siyang hindi pumasok. Nag-isip-isip siya. At napagdesisyonan niyang mag-stay nalang sa dorm ng unibersidad nila dahil hindi niya maatim na makita at makasama sa iisang bubong ang step-sister niya. Kalilipat lang niya kahapon sa dorm, at siyempre roomate niya sina Moly at Minchie.
"Yes dear. At alam niyo ba kung ano ang nalaman ko?" nakangiting tanong ni Moly sa kanila."Sa dorm din siya nag-i-stay ngayon.. well sa pang VIP na dorm nga lang, kasama nito ang dalawa pa niyang gwapong kaibigan."
"I don't care." sabi niya lang upang hindi mapansin ng mga kaibigan na all-ears siya siya sa mga sinasabi ng mga ito.
"I know right, because if you do...baka magpaparty ako mamaya sa dorm." maarteng sabi ni Moly.
Hindi na niya pinansin ang mga sinasabi ng kaibigan.
Paghanga lang itong nararamdaman ko. Yes! Crush ko lang siya. At ang nararamdaman kong ito'y walang dapat makaalam pa, dahil imposibleng magkrus ang landas naming dalawa...at kung mangyayari man iyon alam kong hindi ang tipo ko ang papansinin niya.
I'm not a princess afterall....
..... and my life is not a fairytale.
_iamtamz
Halllooowwwwwwwwww!
YOU ARE READING
DRIZELLA and Her Black Slipper
Teen Fiction"Sa fairytale, Ikaw at si Cinderella ang may happily ever after.....at hindi tayo" -Drizella