Prologue

961 11 0
                                    

"Baby, gusto mo bang magkaroon ng new Daddy?" napatingala ang anim na taong gulang na si Drizella sa kaniyang ina. Abala siya sa paglalaro.

"Yes Mom." nakangiti nitong sagot sa ina. "I want a new Dad and a sister too." masaya nitong turan.

"Ofcourse baby. Magkakaroon ka na ng kalaro. Hindi ka na malulungkot pag wala si Mommy dahil magkakaroon ka na rin ng little sister." niyakap siya ng ina at gumanti naman ang mga munting braso niya ng yakap dito.

"Really Mommy?" makikita ang kasiyahan sa magandang mukha nito."What's her name Mommy?"

"Her name is Cinderella. Malapit mo na siyang makilala baby. Dahil doon na tayo titira sa bahay nila."

"Yes! Ipapahiram ko sa kaniya ang mga laruan ko Mom, and also my dolls. And we are going to play everyday." masaya nitong turan.Mamaya ay bigla itong natigilan. "Wait Mom, Is she a princess? Pretty at mabait ba siya Mom?" inosente nitong tanong.

"Bakit mo naman natanong yan baby?"

"Kasi sabi niyo po na ang name niya is Cinderella. I know that Cinderella is pretty at napakabait niya kaya siya ginusto ng prince charming niya. Kaya siya naging princess at tumira siya sa castle." tumawa ang kaniyang ina.

"Oh, don't worry baby. Ikaw lang ang prinsesa ni Mommy." Pinugpog siya nito ng halik.

"Pero Mommy, saka lang ako maging princess kapag nakita ko na si prince charming ko at titira na kami sa castle." mataman siyang tiningnan ng ina at ngumiti ito.

"No baby. Ito ang tandaan mo. Lahat pwedeng maging prinsesa, kahit wala kang prince charming o hindi ka man nakatira sa castle. Isipin mo lang na isa kang prinsesa.Dahil magkakaroon ng magic at ang magic na iyon ay matatagpuan mo lang dito." itinuro nito ang puso niya. "Magtiwala ka sa puso mo anak. Gagawin ka nitong isang ganap na prinsesa."Ngumiti lang siya rito, makikita ang maraming katanungan sa mukha niya. "Someday sweetheart, maiintindihan mo rin ang lahat." at niyakap siya nito.

_________.iamtamz




DRIZELLA and Her Black SlipperWhere stories live. Discover now