Napakagat ng labi si Drizella habang naglalakad sa koridor ng kanilang departamento. Kanina pa niya pinipigilan ang sakit na kaniyang nararamdaman. She's having a disminorhea. Normal sa kaniya ang pagsakit ng puson niya kapag unang araw ng dalaw niya. Pero hindi niya inaasahang dadatnan siya. Kinailangan niyang mag-excuse sa last subject niya dahil hindi uubrang nakaupo lang siya habang namimilipit siya sa sakit. Ang kailangan niya ay bed rest.
Shit! I can't take it anymore. Hiyaw niya sa kaniyang isip. Napahawak siya sa puson niya. Medyo may kalayuan pa naman ng dormitory mula sa department nila.
Sa pagmamadali niya ay hindi niya napansin ang kasalubong niya. Huli na para umiwas siya, nabunggo na niya ito.
"Ouch!" napa-upo siya. Masakit ang kaniyang puwitan pero mas masakit parin ang puson niya. Napahawak siya dito. Naiiyak na siya dahil sa pinaghalong sakit na mula sa pang-upo niya at sa kaniyang puson. Hindi niya kayang tumayo.
"Hey! Are you okay?" narinig niya ang isang baritonong boses na mula sa harap niya.
Iniangat niya ang kaniyang ulo upang tingnan ito. Nagulat siya ng mapag-sino ang nasa kaniyang harapan.
Al Vladimir Crimson? Hindi niya inaasahang makikita niya ang binata. Parang naglahong parang bula ang sakit na kanina pa niya iniinda. Namanhid na siya. Wala na siyang ibang nararamdaman kundi ang malakas na pagtibok ng puso niya.
"Hey, Miss. Are you okay?" nakakunot na ang noo ng binata. Hindi na siya nakasagot dahil muli itong nagsalita. "I need to go. Mukhang okay ka naman." sabi nito sabay alis sa harap niya.
What!? Ganoon nalang? That ungentleman jerk!! Nilingon niya ito pero wala na siyang nakitang Vladimir. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig ng ma-realize niya ang itsura niya. Nakasalampak pa rin siya sa sahig ng koridor habang pinagtitinginan siya ng mga estudiyanteng dumadaan doon. May iba pang tumambay na doon malapit sa kaniya at nag-eenjoy habang pinapanood siya.
"Buti nga sa kaniya. Nakahanap rin siya ng katapat niya." narinig niya ang bulungan ng mga babaeng estudiyante.
"Oo nga. Nakakahiya pa, imagine si Vladimir Crimson pa iyon.Gosh!" hagikhik naman ng isa.
"Kung ako siya, magpapakamatay nalang ako.'' narinig niya ang malanding pagtawa ng mga ito.
Nainis siya.
Parang nanumbalik ang mga sakit sa katawan niya. Shit! Ang walang modong lalakeng iyon! Napaka ungentleman! Tumayo siya pagkatapos ay binalingan ang mga babaeng nag-eenjoy na pag-tsismisan siya.
Isang nakakamatay na tingin ang binigay niya sa mga ito. Sabay taas sa isa niyang kilay.
"Baka gusto niyong ngayon na kayo mamatay. Sinong gusto niyong unahin ko sa inyo?" nakita niyang nahintakutan ang mga ito pero hindi pa rin umaalis sa harapan niya. "O baka gusto niyong kalbuhin ko muna kayo bago ko kayo patayin?" napahawak sa mga buhok ang mga ito sabay takbo ng mabilis.
"Stupid bitch! Bagay lang kayo doon kay Al Vladimir Crimson na hinahangaan niyo! Napaka walang modo! He's a bastard, mongoloid and a retarded!" pahabol niyang sigaw sa mga ito.
"Ako ba ang tinutukoy mo?"
Bigla siyang nanigas sa kaniyang kinakatayuan ng marinig ang isang matigas na boses mula sa kaniyang likuran.
Narinig na niya ang boses na 'yon kanina. Kaya kahit hindi siya lumingon dito ay alam na niya kung sino nag-mamay-ari doon.
Patay ka Drizella! Kung mahal mo ang buhay mo, tumakbo ka na ng mabilis.
Hindi siya makaharap dito. Lalong dumami ang estudiyanteng nakapaligid sa kanila.
Naramdaman niya ang paglapit nito sa kaniya.
Palapit ng palapit...
Omg! Sasakalin ba niya ako? Naikuyom niya ang kaniyang kamay upang ihanda ang kaniyang dipensa..
pero bago pa siya nakaharap dito ay naramdaman na niya ang bagay na pumulupot sa kaniyang bewang.
Nanigas siya. Hindi niya inaasahang gagawin ng binata 'yon. Hindi siya makagalaw sa pagkabigla.
"Don't be so careless sweetheart. They are looking at your butt...beacause of that red thing......they are wondering where it came from..lalong lalo na ang mga kalalakihan." bulong ng binata sa kaniyang teynga.
"An-ano-" pero bago pa siya nakapagsalita ay iniwan na ulit siya ng binata.
Bastard! Napaka- Hindi na niya naituloy ang pagmumura niya sa kaniyang isipan dahil bigla niyang narealize ang ginawa ng binata.
Nakita niya ang black leather jacket na nakapulupot sa kaniyang bewang na tumatakip sa kaniyang likuran.
Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang ipulupot ng binata 'yon sa bewang niya. Tinanggal niya ito at sinilip niya ang kaniyang likuran. Gosh! May tagos ako!
Mabilis niyang itinali ulit sa beywang niya ang jacket ng binata..at mabilis naglakad palayo.
"Oh! Lord! Nakakahiya na itong nangyayari sa akin! Hindi ka naman dating ganiyan Drizella! You are never been so careless before." pagalit niya sa kaniyang sarili.Napahawak siya ng mahigpit sa jacket ng binata.. "This is your fault Al Vladimir Crimson! Sa susunod na magkikita tayo, sisiguraduhin kong makakatikim ka na sa akin!?!....."
Nang ano?! Nang halik?? tanong ng malandi niyang isip.
_iamtamz
YOU ARE READING
DRIZELLA and Her Black Slipper
Teen Fiction"Sa fairytale, Ikaw at si Cinderella ang may happily ever after.....at hindi tayo" -Drizella