"Shit! Nandiyan na ang grupo ni Drizella. Umalis na tayo dito baka tayo pa ang pag-initan."
Dinig na dinig niya ang mga bulungan ng mga estudyante sa paligid. Papasok palang sila sa school canteen kasama niya ang dalawa niyang kaibigan.Lahat ay parang usok na biglang naglalaho kapag daraan siya. Bakit hindi? Ang isang Drizella Montañez ay kinakatakutan sa unibersidad na iyon, dahil sa pagka-bully at maldita niya. Nasa ikatlong taon na siya sa kolehiyo sa kursong Civil Engineering.
"Naku, halika na, nandiyan na si Lucifer's wife." napangiwi siya sa narinig, bago iyon sa pandinig niya. Sanay na siya sa mga ganoong tawag sa kaniya. Tinatawag din siyang, Evil witch, demonyita, bully princess at kung ano-ano pa.
Lucifer's wife? Asawa na rin pala ako ni Lucifer ngayon. Hindi niya alam kung paano nagsimula ang lahat. Kung paano naging masama ang tingin ng lahat sa kaniya, ang alam lang niya ay naging masaya siya na kinakatakutan siya ng iba.
"Look Drizel, you're sweet little step-sister is here." tawag pansin sa kaniya ng kaibigan niyang si Minchie. Napadako ang mga mata niya sa tinutukoy nito. Si Cinderella. Ang mabait na si Cinderella. Nakita niyang kasama nito si Jessa, bestfriend nito. Umasim ang mukha nito ng mapansin siya at nakita niyang binulungan nito ang step-sister niya.
"Do you want to join them, girl?" maarteng turan ni Moly. Ito ang kaibigan niyang ang talent ay mag-make-up. Well, talent para sa kaniya iyon dahil ito lang ang alam nitong gawin. Dahil ng nagsabog ang Diyos ng katalinuhan ay nag-me-make-up palang ito ng mga oras na iyon.
"Sure." mataray niyang sagot. Nauna na siyang naglakad patungo sa mesa nina Cinderella at sumunod din agad ang mga ito.
"Hello, my dear step-sister!" bati niya sa kapatid. Umupo siya sa harap nito at nag cross-legs."Care if we join you?" nahpaskil siya ng plastik na ngiti para dito pagkatapos ay sunod niyang tinapunan ng tingin ang kaibigan nito. Nakita niya ang pagsimangot ni Jessa.
"Sige ate. Dalawa lang naman kami ni Jessa." pagsang-ayon nito. Nakaupo narin ang dalawa niyang kaibigan.
"Bakit dito pa ang napili niyo, ang dami namang nabakanteng mesa diyan."napansin niyang binigyan nito ng diin ang salitang "nabakante".
" Why? Ayaw mo ba kaming kaharap? Baka nama gusto mo pati ang inuupuan mo ay mabakante." tinaasan niya ito ng kilay. Alam niyang hindi natatakot sa kaniya si Jessa, dahil naging magkaibigan din sila ng mga bata pa sila. Pero mas naging close lang ito at ang kapatid niya dahil narin siguro sa mag-edad ang mga ito.
"Nakakatakot." nagmistula itong natatakot sa kaniya. Lalo siyang nainis sa ginawa nito.
"Jessa, please." inawat ito ng kaniyang step-sister. Alam niyang magbabangayan sila ng kaibigan nito pag hindi pa niya ito pinatigil.
"Oh, my! Jessa kasi inaaway mo ako." nginitian niya ito. Alam niyang nagpipigil lang ito para saktan siya. Nang bigla niyang naalala."Guys, anong kakainin natin?" baling niya sa mga kaibigan.
"I want fries and burger, you know. Diet ako ngayon." maarteng turan ni Moly.
"Girl, sa akin ay fried chicken and macaroni salad." sunod namang sabi ni Michie.
"Okay. Narinig mo? Sa akin ay lasagna and icecream. " baling niya kay Ella. Iyon kasi ang tawag ng lahat sa step-sister niya. Nakamata lang sa kaniya ito."Oh! Ano pang ginagawa mo sis? Tumayo ka na and get our food.Bayaran mo muna sis. Nagutom kasi kami sa exam namin kanina." utos niya dito.
Tatayo na sana ito pero pinigilan siya ni Jessa.
"Ako na Ella." tumayo ito pagkatapos ay tiningnan siya nito."Hindi ko alam kung bakit wala ka ng hiya ngayon Drizella, pati ba naman ang kapatid mo ay pinapahirapan mo. Alam mong pinagpapaguran niya ang perang ipinangkakain niya ngayon. At ikaw? Wala ka na ngang alam gawin ay ang sama pa ng ugali mo!" mahabang sermon ni Jessa sa kaniya.
"Sa iyo ko ba ipinababayad ang kakainin namin? Kung makapag-sermon ka akala mo ikaw ang nanay ko. Kung naaawa ka sa kaniya, ikaw ang gumawa ng ipinapagawa ko. Ang dami monpang satsat diyan!" pagsusungit niya dito.
"Jessa ako nalang, may pera pa naman ako." as expected sa masyadong mabait niyang step-sister.
"No, Ella. Ako na, dahil palalagyan ko ng special ingredient ang mga kakainin nila.Iyong hindi na sila makatayo sa inuupuan nila pagkatapos nilang ubusin iyon." madilim ang mga mata nitong nakatitig sa kanila.
"Bakit pinapatagal mo pa? Gusto na naming matikman ang sinasabi mong special ingredients na 'yan. Diba girls?" sabay-sabay silang nagkatawanan. Halata ang inis sa mukha ni Jessa bago tumalikod sa kanila at dumeretso sa counter.
"Bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong niya kay Ella. Alam kasi niyang wala na itong pasok sa oras na iyon. Kumukuha ito ng kursong Business Ad., nasa ikalawang taon na ito. Isang taon lang ang agwat nila.
"May tinapos lang kasi kaming assignment ni Jessa ate." mahina nitong sagot.
"Ano bang klaseng assignment yan at di mo pwedengvgawin sa bahay? Alam mong walang kasama si Tita Magda doon tapos hindi ka pa uuwi ng maaga." sermon niya dito.
"Pe-pero Ate.."
"Stop calling me ate! Ilang beses ko bang sabihin sa iyo na hindi tayo totoong magkapatid." naiinis niyang turan dito. "You better pack your things at umuwi ka na, kung ayaw mong matulog sa labas ng bahay." rumalima naman ito agad at inilagay sa bag nito ang mga notebook niya na nakalapag sa mesa. Sakto naman ang pagdating ni Jessa. Pagkalapag nito sa tray na kinalalagyan ng orders nila ay agad siyang hinila ni Ella palabas ng canteen.
Sinundan niya ng tingin ang palabas na magkaibigan. Tumaas ang isang sulok ng labi niya. "You deserve it Cinderella! Kasalanan mo ang lahat! Kasalanan monkung bakit namatay ang Mommy ko! Kailangan mong maghirap para maramdaman mo ang kawalan nila. Siguro katulad mo rin si Cinderella sa fairytale. Pinapahirapan at kinakawawa. Ang pagkakaiba lang ay wala kang wicked step-mother. Ako lang, bilang witch step-sister mo ang gagawa nun.Hahahahah!"
________.iamtamz
YOU ARE READING
DRIZELLA and Her Black Slipper
Novela Juvenil"Sa fairytale, Ikaw at si Cinderella ang may happily ever after.....at hindi tayo" -Drizella