Chapter 6: Farewell, Troy

1 0 0
                                    

Amber's POV

"Fuchsia? Violet? Or yellow?" Sabi ko sa sarili ko habang namimili sa brochure kung anong kulay ng brassiere ang bibilhin ko.

Nandito ako ngayon sa sala ng mansion habang nakikinig ng music at namimili. Nakaupo ako ngayon dito sa maliit na mese na katapat ng couch since ito yung trip kong gawin ngayon.Nakaramdam ako ng biglang uhaw kaya kinuha ko ang baso ng juice sa kabilang dulo ng mesa.


♪ "Amber!Amber!Amber!♪


 Naantala ang pag inom ko ng bigla kong marinig ang ringtone ng phone ko. Lumipat ako ng upo dito sa sofa na kapantay nitong maliit na mesa sa sala. Ipinatong ko muna sa lap ko yung brochure.

"Hello? Who's this?" Tanong ko sa tumawag sa'kin. Unknown number ang lumabas sa phone ko at nakapagtataka naman na may nakaalam na agad ng number na ito gayong kabibili ko pa lang nito.

Hindi ko masyadong maintindihan yung sinasabi nung caller dahil medyo choppy at mukhang maingay ang background.


♪"G-g-ge-get r-r-re-read-ready A-am-b-ber" ♪   Nanindig ang balahibo ko sa batok ng maintindihan ko ang sinabi ng tumawag sakin.

"Sino ka?Anong ibig mong sabihin?"


♪  "*Toot*toot*toot*"  ♪ Naibagsak ko ang cellphone ko dahil sa kaba. Napatulala din ako ng ilang segundo sa pagtatanong sa aking sarili kung sino kaya ang may-ari ng boses na iyon. Naalala ko na hawak ko pa pala yung baso nung juice kaya naisip ko na inumin na lang ito.

"Alam mo, mas bagay sayo yung red. Mas sexy kang tingnan."

Napabalikwas ako ng tayo dahilan para matapon sa damit ko ang juice na iinumin ko na sana dahil sa boses ng lalaki sa likuran ko na kanina pa pala nakatingin dun sa brochure at dahil na rin sa biglang pagpatong ng dalawang kamay nya sa balikat ko.

"Ooooh, mas hot ka palang tignan kapag basa ka." Sabi sakin ni Troy habang nakangisi.

Pinsan ko si Troy, anak sya ni Tita Terry. Kalaro pa namin sya ni Mary nung mga bata pa kami pero balita ko, nagloko daw ito simula ng malaman nyang anak sya sa labas.

Hindi ko na lang inintindi yung mga pinagsasabi nya.

"Kanina ka pa ba dyan?Asan sina Mama at Tita?" Pagalit kong tanong sa kanya.

"Woah, chill ka lang. Masyado kang hot eh, hahaha! Kakadating ko lang. Sina Tita? May pinuntahan lang."

"Ganun ba? Sige pasok na ko sa kwarto ko." Inayos ko na yung brochure na dadalhin ko at yung phone ko na naibagsak ko kanina.

"Nga pala, bagay sayo yung red. Ang hot mo dun tingnan.!"Pahabol nya pang sigaw pero tinakpan ko na lang ang tenga ko sa sobrang inis.


~_~_~

Andito ako ngayon sa terrace ng kwarto ko habang naglalaro ng Candy crush. Nagpalit na rin ako ng ng damit. Nakasuot ako ngayon ng violet v-neck t-shirt at maong shorts na 1 inch above the knee lang naman.

Prenteng-prente akong nakaupo habang naka- cross legs pa dito sa inflatable chair na nakaharap sa labas ng terrace ng bigla na lang may sumipol. Nag angat ako ng tingin at isang naka ngising mukha ng lalaki na naman ang bumungad sa akin.

Remember #UnidentifiedAuthorAwards2018 #Proud2PH #MeteorAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon