Chapter 15: Ostentatious Tita

1 0 0
                                    

Amber's POV

"Oh my gosh!" Ani ni Mary ng makita nya na ang mga litratong pinadala ko. Agad syang pumasok sa loob ng mansion para ipakita ang mga litrato at video ni Rodrigo kung saan nakagapos sa isang bilog na kahoy at pinaiikot ikot ng mga tauhan ko natila isang roleta habang pinagpupustahan nila kung sino ang makakatama sa kaniya habang pinaiikot ang roleta.

Nakita kong plinay na iyon ni Mary dahil di nya mahanap si Megan. Tanging silanina Tita Maita at ang iba pa ang nasa living room dahil nagpaiwan si Chron sa kwarto ni Amber, samantalang ayaw naman bumaba ni Amber. Agad na napaiyak si Mary ng makita ang kanyang ama sa video clip. Halos mapaiyak naman si Tita Maita nang mapanood nila ng buo ang video at nakita kung paano ko pinatay si Rodrigo. Tsk, yan ang nangyayari sa hayop na katulad nya. Binaboy nya ako noon, kaya bababuyin ko ang kamatayan nya ngayon.

Nang makutento na ako sa nakita ko, dumaan ako sa dirty kitchen upang muling makapasok sa bahay ng walang nakakapansin na may pinuntahan ako saglit. Tahimik kong isinara ang pintuan at tumalikod na ako dito. Nagulat ako ng makita ko si Amber sa likuran ko.

"Ikaw ang pumatay sa kanya, hindi ba?"

"A-ano namang ibig mong sabihin? Sino naman ang papatayin ko. Tsaka di ko magagawa yun no. Masyado akong busy para gumawa ng ganoong klaseng bagay. At saka-"

"Relax, Blessie. Mas lalo kang nahahalata eh. Ligtas sa akin ang sikreto mo kaya wala kang dapat ipag-alala." Wika nya matapos putulin ang sinasabi ko.

Paano nya nalaman na may pinatay ako. Sigurado akong malinis ang pagkakagawa ko ng plano kaya paano nya nalaman. Hindi mahilig magbiro si Amber kaya alam kong seryoso sya sa sinabi nya.

"Ano ba? Wag mo nga akong pagbintangan ng gan-"Pagalit ko pang wika sa kanya ngunit muli nyang pinutol ang sinasabi ko.

"Wag ka magkaila, nakita ko kung paano ka ngumisi nang makita mong umiiyak si Mary." Paninigurado nito ngunitmaslalo akong kinabahan.Pero teka, Megan? Bakit hindi nya tinatawag na Tita si Megan?

"Wag ka na magtanong. Pakilagay na lang ito dun sa mailbox tapos pumasok ka na ulit sa loob. Makikipagplastikan ka pa sa kanila, remember?" Sabi nya na parang wala lang ang nalaman nya. Binuksan nya ang ref at naghanap ng makakain habang nakaextend pa rin ang kamay nyang may hawak ng envelope.

Nag-aalangan kong inabot yung envelope na ibinigay nya at humarap na ulit sa pinto. Pipihitin konasana ang doorknob ng makarinig ako ng mga tumatakbong yabag mula sa mayhagdan.

Amber's POV

Nakahiga pa rin ako hanggang ngayon sa kama ko habang nakaupo naman si Chron sa sofa. Nasa baba na ang lahat. Maliban sa aming dalawa. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril at pag-ikot ng roleta. Itinakip ko sa aking tenga ang dalawa pang unan na nandito sa kama ko. Tila ang tunog ay mula sa isang video.

"Amber, are you okay?" Tanong sa akin ni Chron habang tinatapik ako sa braso.

"Can't you hear it? San galling iyon?"

"Huh? Ang alin?"

"Yung mga putok ng baril.Yung tunog ng roleta?"

"Amber, wala akong ibang naririnig bukod sa ating dalawa.Tsaka san naman manggagaling ang mga ganoong tunog?"

"H-ha?Pero sigurado ako. Baka andito lang yun." Bumaba ako sa kama at naghanap-hanap. Tinignan ko kahit ang ilalim ng kama at kahit ang mga sulok ng kwarto ko pero wala akong makita.

"Amber, look wala akong narinig ni isang putok ng baril kahit tunog ng roleta. Okay? Baka naghahallucinate ka lang dala ng stress." Wika ni Chron habang hawak-hawak ako sa balikat.

"No, sigurado ako sa mga narinig ko. Baka andito lang yun." Sabi ko pa sa kanya at nagpatuloy muli sa paghahanap.

"Amber! Amber! "

Hindi ko pinakinggan si Chron bagkus ay lumabas ako ng kwarto at sinundan ang tunog. Tumakbo ako pababa dahil sa tingin ko doon nagmumula ang tunog at hinabol ako ni Troy. Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko silang lahat. Tahimik na umiiyak si Mary samantalang naluluha naman si Mama.

"Ma, bakit po?"Tanong ko kay Mama.

Walang sumagot sa tanong ko kung kaya't lumapit ako sa kanila. Nakarinig ako ng malakas na tawanan ngunit ni isa man lang sa kanila ay walang tumatawa. Tinignan ko kung saan sila nakatingin at napatakip ako sa aking bibig.

Pinapanood nila ang isang video kung saan pinapakita kung paano pinatay si Tito. Nakita ko si Blessie palapit at may hawak syang envelope. Masama ang pakiramdam ko sa hawak nyang envelope kung kaya't muli ko syang tinignan.

"Ano yan?"

"Nakita doon sa mail box." Sagot nya at saka iniabot ang envelope. Kinuha ito ni Mary at halos mawalan sya ng balance ng makita nya ang laman nito. Nabitawan nya rin ang mga pictures na galling sa loob ng envelope at tumambad sa akin ang hubo't hubad na bangkay ni Tita Megan sa picture na puno ng nakatarak na kutsilyo sa katawan."

Nahugot ko ang hininga ko dahil sa nakita at naramdaman ko na lang ang yakap ni Chron sa'kin.

"C-Chron?"

"Ssshh, alam kong hindi mo magagawa ang mga bagay na iyon."

Someone's POV

Tss. Bagay lang sa kanya yan. She likes to show off what she got, then better to show my Ostentatious Tita's body full of knives.


Remember #UnidentifiedAuthorAwards2018 #Proud2PH #MeteorAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon