Chapter 11: Karma

1 0 0
                                    


Third Person's POV

"Kasalanan to ng babeng iyon! Kung hindi sana sya makiri ay hindi ka nya papatayin." Wika ni Terry habang hawak-hawak ang picture frame ng anak nyang si Troy.

"Hindi nyo ba namimiss ang anak nyo?" Tanong ng batang nakatayo sa tabi ni Terry na hindi nya naman alam kung saan nanggaling.

"Syempre- "Napatigil si Terry at biglang nilingon ang bata.

"Ikaw?"Sa loob ng ilang segundo ay nilukob sya ng takot ng makita at makilala ang bata ngunit ng maalala nya ang sinapit ng anak ay muling nangibabaw ang galit na nararamdaman.

"Ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit nya pinatay ang anak ko! Halika dito! Papatayin din kita gaya ng ginawa nya sa anak ko!" Hinabol ni Terry ang nahintakutang bata palabas ng funeral room.

"Huh? Naku!Hindi ko po alam ang sinasabi nyo!" Sigaw ng bata habang tumatakbo patungo sa mapunong bahagi palayo ng mansion.

Hinabol ito ni Terry hanggang sa macorner nya ang bata dahil napatid ito sa isang punong nakatumba. Mababakas ang kaba sa mukha nitong nasisinigan ng liwanag ng buwan.

"Ha! Wala ka ng kawala!Kasalanan mo ang lahat ng ito eh! Kung hindi mo sana nilandi pati ang anak ko noon, edi sana hindi si Troy ang sisisihin nya sa nangyari sayo!"

Lalapitan na sana nya ang bata nang biglang nagbago ang ekspresyon nito. Mula sa kinakabahang ekspresyon ay bigla itong ngumisi na tila alam na nya ang pangyayari at saka ito nilamon ng dilim.

Pinilit ni Terry aninagin ang bata kahit sa dilim ngunit isang dalaga ang tumambad sa kanya.

"Hi Tita! Pwede ko ba kayong kunan ng picture?" Sabi nito sa kanya habang iwinawasiwas nito ang cellphone na kanyang hawak.

"Gabing-gabi na tapos ngayon mo pa naisipang magpicture taking?Oh sya bilisan mo." Sabi nito pagkatapos ay ngumiti na tila nakalimutan nya na may hinahabol sya.

"Ahh, Tita, pwede nyo po bang itaas nyo ang dalawang braso nyo yung kalevel lang po ng balikat nyo tapos paglayuin nyo po ng ganito yung dalawang paa nyo?" Iminuwestra nya pa ang posisyong nais nyang gawin ni Terry at ginawa nga ito ni Terry ng huli.

"Oh, ayan bilis! May hinahabol pa akong bata- "Naputol ang nais nyang sabihin ng marealize kung sino ang kaharap nya ngayon.

"Teka, naguguluhan ako, ikaw yung-"

"Say cheese!" Pinutol ng babae ang sinasabi ni Terry at saka pinindot ang nag-iisang button sa gitna ng mala-cellphone na controller at isa-isang tumusok sa magkabilang braso, palapulsuhan, alak-alakan, paa, at balikat ang mga maliliit na mala-arrow na patalim. Isang patalim din ang tumusok sa ilalim ng baba ni Teryy dahilan upang umagos ang masaganang dugo mula sa bibig nya.

Naglakad palapit ang babae kay Terry at inayos ang mga taling nakabuhol sa dulo ng mga patalim. Itinali nya ang kabilang dulo ng tali sa mga lugar na plinano nyang pagtalian. Hinila nya ang taling nakakabit sa patalim na nasa kanang kamay ni Terry kung kaya't umangat ito.

"Say Hi." Utos pa nito kay Terry. Hindi ito agad nasunod ni Terry dahil sa sakit na nararamdaman kung kaya't hinila ng babae ang taling nakakabit sa ilalim ng baba ni Terry, na hindi tumagos sa dila nito, paibaba kung kaya't napanganga si Terry .

"Ahh!" Sigaw ni Terry sa sobrang sakit na nakapagpaiyak sa kanya.

"Say Hi." Muling utos ng babae ngunit sa mas matigas na tinig.

"H-hi" Ani ni Terry sa takot na baka hilahin ng babae ulit ang kahit alin sa mga taling nakakabit sa kanya.

"Good. Nagpakahirap akong tantyahin ang pagkakaayos ng lahat ng iyan kaya dapat lang na sundin mo ang lahat ng sasabihin ko." Wika nito at saka hinila ang isang upuan mula sa kung saan.

"You are now Terry, the Puppet. Hahaha! Look at yourself now, Terry. Baliktad na tayo ng sitwasyon ngayon. Ikaw na ngayon ang kinokontrol ko. Lahat ng gusto kong gawin mo ay gagawin mo dahil kung hindi," Tinapunan ng babae ng tingin si Terry na nagpapahiwatig na alam nya na kung ano ang sasapitin nito.

"Masaya ba? Masaya ba na ginagamit ka at kinokontrol ka ng iba para sa sarili nilang kasiyahan? Para sa sarili nilang kabutihan? Ha? Ganyan din ang naramdaman ko ng gamitin mo ako para makahuthot ng pera mula sa mga magulang ko. Para akong isang puppet na sunod-sunuran sa iyo dahil sa pangba-black mail mo. Ni hindi ka man lang nakinig sa akin. Pinaniwalaan mo kung ano lang ang nakita mo. Pero hindi mo inalam ang tunay na nangyari bagkus ay ginamit mo pa ito para sa sarili mong kabutihan." Mahabang pang-aakusa nito.

"You used me, I'll use you. My machine will use you to death" Ani ng babae at saka binuhay ang makinang pinagkakatalian ng mga taling nakadugsong sa mga nakabaong patalim sa katawan ni Terry.

Sinubukan pang humingi ni Terry ng tulong kahit nahihirapang magsalita ngunit tinawanan lang sya ng babae.

"Terry, Terry, Terry. Tsk, akala ko pa naman matalino ka. Hahaha! Nexttime kasi wag kang uto-uto. Yun ay kung may next time ka pa. Ginamit mo ako gagamitin ka ng makinang iyan para durugin ng pinong-pino ang punong iyan." At saka nito itinuro ang punong nakatumba sa sahig.

"Planado ang lahat Terry. Planadong-planado."


 ***Phant-On-Il's Note***

So, this is for now. wish me luck na sana makapagupdate ako ng mas mabilis. Thanks for, anjoy and keep reading. :)

________________________________________________________________________________

Remember #UnidentifiedAuthorAwards2018 #Proud2PH #MeteorAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon