Chapter 1: Always Remember Me

2 0 0
                                    

Amber's POV

Legend: Italized words means it is in the character's dream or a certain character's thought.


"Amber! Anak!Gising!"Sabi ng isang boses.

'Tss. Pakialamera' Sabinya.

'Itigil mo na ito, parang awa mo na.' Pagsusumamo ko sa babaeng nasa harap ko.

Tiningnan nya lang ako ng masama dahilan para manginig ako sa takot.

"Amber! Please! Gumising ka na!" Sabi ng isang pamilyar na boses na sa hinuha ko'y ang aking ina. Nararamdaman ko na rin ang pagyugyog nya sa mga balikat ko.

'Nakakatawang sobra syang nag-aalala sayopero nung mga panahong nagsumbong ako sa kanya ay hindi man lang nya ako pinakinggan at tila wala syang pakialam sa'kin.' Sabi nya ng muli nya akong harapin.

'Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo pero kung ano man yan ay patawarin mo na kami dahil matagal ng panahon iyon. Please, pakawalan mo na ako ditto.' Umiiyak kong pagsusumamo sa kanya.

'Bakit? Bakit ko naman kayo patatawarin? Ano nga bang ginawa mo sa akin, Amber?' Makahulugang wika nito sa akin.

Natigilan ako dahil sa sinabi nya. Pakiramdam ko ay tumigil pati ang paghinga ko. Tila may iba syang nais iparating at sa hindi malamang kadahilanan ay tila nagambala ako sa sinabi nya.

"Amber? Amber?!Gising!Gumising ka anak!" Kasabay ng pagyugyog ni Mama sa balikat ko ay ang pakiramdam na may tubig na ibinuhos sa mukha ko dahilan upang magbalik ang malay tao ko. Pero bago yun, narinig ko pa ang huling paalala ng babae sa bangungot kong ito.

'Babalik ako, Amber. At sa pagbabalik ko, please do me the honour, ALWAYS REMEMBER ME!'

Remember #UnidentifiedAuthorAwards2018 #Proud2PH #MeteorAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon