Chapter 19: Sorry?..

1 0 0
                                    

Mary's POV

Sanguine to gloomy. That's how Amber's aura changed. From being always positive to down in the dumps. She hadn't talk to anyone even to Chron. She's too low-spirited to make even the smallest conversation. Me, on the other corner, is also the same. I even took a 3-month leave from work. I even wish that I could do the same from this disconsolate life.

Wala na si Mommy, si Daddy, at sa Ate Eliza. I can't talk to Amber even we're on the same situation.yPareho kami nawalang ng taong importante sa'min ngunit andyan pa si Tito para sa kanya, pero ako, wala na sa'kin ang lahat. Wala na ang pamilya ko.

Muli akong napaiyak dahilan upang mapatingin sa akin si Tito Danny. Nilapitan nya ako at saka tinap ang likod ko.

"Tatagan mo lang ang loob mo Mary, mahuhuli din ang may kasalanan. Pagbabayaran nya ang ginawa nya sa pamilya natin." Sabi pa ni Tito habang nakatingin sa anim na kabaong na nasa harapan namin.

Mahuhuli talaga ang may kasalanan dahil hahanapin ko sya. Ako ang maghahanap sa kanya at sisiguraduhin kong magbabayad sya sa lahat ng ginawa nya sa pamilya ko.

Third Person's POV

Inihatid ni Chron si Amber sa kwarto nito at binantayan hanggang sa makatulog na ito. Nalaman nilang nasagasaan si Blessie ng isang 10 wheeler truck at mas lalo lamang napaiyak si Amber dahil doon. Mas lalong lumala ang sitwasyon ni Amber kaya't minabuti nya na lamang na pagpahingahin na ito. Ng masigurong mahimbing na itong natutulog ay iniwan nya na ito at pumunta na sa sarili nitong silid at natulog.

Samantala, isang tao naman ang lumabas sa kanyang silid at nagmanman sa paligid. Tahimik itong nagtatago sa dilim sa tuwing may dumadaan na pulis na nagroronda sa buong mansion. Hinigpitan na rin kasi ang seguridad ng buong mansion dahil napansin nila na madalas kumilos ang kalaban tuwing gabi at nagbabakasakali silang mahuli ito kung may mapansin silang kakaiba sa paligid.

Nagtungo ito sa lugar na plinano nya at saka inihanda ang mga gagamitin para mamaya. Naglabas muna sya ng isang ballpen na wala ng tinta at papel. Nang mailabas ang papel ay pumunit sya rito ng isa, sinulatan ito sa loob at ginawang eroplanong papel. Pinalipad nya ito at kung sinuswerte nga naman sya ay sumakto ito sa kwarto ng target at kanina pa lumabas ang asawa nito. Agad lumabas ag target at pumunta sa lugar na pinagtataguan ngayon ng taong naghagis ng eroplanong papael.

Tahimik na naghintay ang taong iyon hanggang sa bumukas ang pinto ng silid at pumasok na ang inaasahang bisita. Agad nyang tinakpang ang bibig nito at dahandahang isinara ang pinto. Pinakawalan nya ang bisita at hinarap ito. Magtatanong sana ang bisita nya kung sino sya ngunit tinanggal nya na ang maskarang nakatakip sa bibig nito.

"Ikaw? Teka, ano bang kailangan mo sa'kin. Asan ang asawa ko. Bakit-" Napatigil ang babae sa pagsasalita ng sampalin sya ng nito ng sobrang lakas sa mukha.

"Tahimik. Hindi kita pinapunta ditto para bungangaan ako, naiintindihan mo? Kung sana ginamit mo yang kadaladalan mo noon para isiwalat ang totoong mga nangyayari sa akin noon edi sana wala ka dito ngayon."

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong nya ng makabawi na sa pagkakasampal nito sa kanya.

"Do you still remember what happened to me 7 years ago, Beatrice? Naaalala mo pa ba kung paano ka nagbulagbulagan sa mga ginawa ng asawa mo noon? Naaalala mo pa ba kung paano ka nagsawalang kibo kahit nakikita mo ng harapharapan ang kawalanghiyaan ng asawa mo?" Ganting tanong nito sa kanya habang nakangisi.

"W-walang ginagawang mali ang asawa ko." Kinkabahanag sagot nito sa kaharap.

"Talaga lang ha? Tss, hangang ngayon pala'y nagbubulagbulagan ka pa rin. Bakit Beatrice? Bakit mo hinahayaan na lokohin ka lang ng asawa mo? Bakit pilit mo pa ring tinatanggap ang mga kawalang hiyaang ginagawa ng asawa mo? Bakit nagbubulagbulagan ka sa bawat bagy na ginagawa nya kahit nasasaktan ka na?"

Remember #UnidentifiedAuthorAwards2018 #Proud2PH #MeteorAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon