Chapter 17

1.5K 56 4
                                    

MIKA

"Brader, paki tawag na sila. Kakain na kako." Utos ng sunog naming kapitana.

Pumunta naman ako sa bawat sulok ng minamahal naming dormitoryo para tawagin yung mga teammates namin.

"Julia, pakigising sila Joy kain na tayo." Sabi ko habang nakasilip sa pinto ng kwarto nila.

"Sige po." Bago ko pa man maisara ng tuluyan yung pinto, "Ay achi Ye, si ate Ara tska Carol tulog rin."

"Oh sige ako na bahala. Bumaba na kayo dun."

"Cars..." Una kong ginising si Carol dahil hindi naman to masyado beastmode pag ginigising. In other words, easy lang gisingin. "Kain na sa baba."

"Aaaaayy" Nag stretch siya ng katawan, mukhang nangalay to matulog. Umayos naman siya ng upo. "Grabe bully laki na ng bagahe ko." Turo niya sa mga eyebags niyang pwede ng pang halloween.

"Kailan ba lumiit yan?" Asar ko.

"Grabe siya oh!!!"

Ingay talaga nito.

"SHHH!! Kita mong tulog mantika pa tong isa dito napakaingay ng bunganga mo. Bumaba ka na nga!" Saway ko sa kanya.

Sumunod naman siya agad. Ayaw rin kasi ni Kim ng pinaghihintay ang pagkain.

Binaling ko na muli yung tingin ko kay Ara. Mukhang pagod na pagod na silang dalawa ni Carol.

Actually araw araw kong naiisip at nari-realize na graduate na pala ako at graduating na rin si Daks. Ang bilis. Parang kailan lang. Hay.

Napatingin naman ako sa mga gamit na nandito sa table nila.

Puro papel, malamang para sa thesis nila. Napansin ko na naiwan niyang nakabukas yung phone niya.

Gaga talaga.



1 New Message from Jeron Teng

We just ate dinner. Natulog na rin si Thomas agad.



Nag scroll din ako pataas ng mga past conversations nila ni Jeron.

Gaga talaga tong babaeng to.

Actually, hindi niya pa nakukwento ng buo kung anong nangyare nung lumabas sila ni Thomas.

Ewan ko ba dito sa babaeng ito. Napakagulo.

"Huy! Daks!" Medyo nagulat naman ako nung hinablot ni Ara sa akin yung phone niya. "Kanina ka pa?" Halatang kinakabahan siya. Sinilip niya naman yung phone niya.

Mukhang alam niya na kung ano yung nabasa ko.

"Kailan mo balak sabihin sa akin Daks?" Tanong ko.

"Anong sasabihin ko?" Jusko nag deny pa.

Binatukan ko naman siya. "Gaga ka talaga. Hirap na hirap ka na nga sa thesis mo tas aatupagin mo pa kalagayan ni Torres?!"

"Ano bang pinagsasabi mo Ye?" Nagkaila na naman.

"Victonara."

"Okay okay!!! Eh kasi naman hindi niya pa nga ako kinakausap eh!" Nagmaktol siya nang parang batang inagawan ng candy.

"Lintek ka. Pinapahirapan mo sarili mo eh. Eh kung saka mo na kaya intindihin si Thomas? Unahin mo muna acads mo buang!"

Sa totoo lang, gusto ko naman (ever since) si Thomas para sa kanya. Pero sa panahon ngayon baka hindi sila mag tugma ng time ni Thomas.

How To Be Yours PoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon