Chapter 26

683 25 4
                                    


RICCI

"Mahirap ba mag reply ha!?"

"Nagsasalita ka naman mag-isa, Cci. Bakit mo kinakausap yang phone mo?"

"Brent, gaano ba ako kahirap replyan?"

"Feel ko pre dapat may pa-hashtag ka muna na #ReplyToRicci." Hinagisan ko siya ng unan.

"Siraulo ka!"

"Hahahaha! Pikon! Sino ba kasi yang hinihintay mo."

"Wala."

"Sus! Lumalandi ka na naman noh." Lumapit siya sa akin at akmang kukunin ang phone ko. "Patingin!"

"Sabihin mo muna #IbigayMoNaRicci." Natawa siya sa sinabi ko.

"Ayan! Ang dami mo talagang alam! Pogi ka sana eh." Napa-iling pa si Brent.

"Bro, love mo naman ako diba?"

"Anong love love ka dyan?? Wag ako. Hindi ka kasi love ng love mo!" Eh may love kasi na iba. "Balita ko nga...they are back together."

Hindi ko alam pero hindi na ako nabigla. Siguro kasi alam ko na ang gusto niya lang ay si

"Kaya siguro, hindi ka nirereplyan." Dagdag pa ni Brent.

*insert kdrama ost para feelstrip*

"Maligo ka na nga Brent. Amoy badjao ka na!" Tinulak ko na siya palayo.

Nang makapasok na si Brent sa cr, lumabas na lang ako para manood sa tv.

"Serving for Ateneo, Pauline Gaston!"

Ponggay...

I hope you're doing great and I guess you are.

"Bro! Volleyball ba yan? Maganda yan!" Narinig kong nag tanong si Aljun pero hindi ko na sinagot, obvious naman. "Ayy oo, shakey's v-league! Si Pong—" Napatigil siya nang mapansin niya kung sino yung nasa screen.

"Pre, lipat natin sa ibang channel! Sure win na yung ano dyan eh yung ano." Kinuha niya agad yung remote.

"Ikaw na lang manood. Lalabas lang ako."

Naglakad lakad lang muna ako sa labas.

Hindi ko alam pero parang minamalas ako ngayong araw. Bakit ba ganito? Bakit sa dinadami dami nang makikita ko sa tv si Ponggay pa???

--

ARA

"Ito na lang kaya?" Tanong ko kay Thomas.

Kanina pa ako hindi makapili kung anong susuotin kong dress for graduation. Magaganda naman lahat ng mga tinitignan ko pero itong kasama ko kasi.

"Maganda naman. Pero mas maganda ka." Ayan. Walang matinong sagot.

Kung hindi naman ganyan ang sinasagot, ganito "Lahat yan bagay sayo kasi maganda ka."

"Alam mo, sasapakin na kita Thomas! Ano!"

"Baby, wag ganon."

Hindi ko na lang siya inintindi. Pumunta na lang ako ng fitting room ulit. Hindi ako rin ako sanay manamit ng mga ganito eh. Lagi lang naman akong shirt and shorts.

Yung kinuha kong dress ay white at bodycon. Oh diba ang papansin ko sa suot ko hahaha!

Medyo okay naman yung fitting sa akin. Okay na to. Hindi ko na lang ipapakita kay Thomas dahil ayaw ko nang makarinig ng ka-cheesyhan niya.

Paglabas ko ng fitting room, dumiretso na ako agad sa counter para bayaran yung garment.

"Good after—omg! Fan niyo po ako ma'am Ara." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Thank you po." Inabot ko naman yung bill na hawak ko at baka makalimutan ko pa mag bayad.

"Baby gutom ka na?" Napalingon naman ako kay Thomas na pinatong pa ang baba niya sa kaliwang balikat ko. Dahilan para mas mag fangirl si ate na nasa cashier.

"Sabi na magiging kayo eh.." Bulong ni ate.

Hindi ko pinansin si Thomas dahil masyado akong naaaliw kay ate. Pulang pula na nga yung pisngi niya dahil sa blush-on mas pumula pa pag dating ni Thomas.

"Thank you for shopping ma'am!" Kinuha ko na yung paper bag.

"Victonara... where do you want to eat?"

"Balik na tayo sa taft. Gusto ko sa Samgyupsalamat!" Natawa naman si Thomas. Naisip niya siguro na kakain na naman ako nang madami.

Saglit lang naman yung travel time naming pabalik.

Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang mapangiti.

Ang sarap kasi nung pagkain!

OH AKALA NIYO

DAHIL KAY THOMAS?

ALAM KONG POGI SIYA

MATAGAL NA

PERO

MAS POGI

TALAGA

AKO SA KANYA

"Haha."

"Anong tinatawa mo dyan?" Napa-tigil ako sa pag gugunting ng samgyupsal at tumingin kay Thom.

"Ako?"

"Oo! Baliw ka na ba?"

"Baliw sa—"

"Sa akin."

"Kay Ricci." Nagbago agad yung mood niya. AMP HAHAHAHAHA! "Nagseselos ka pa rin ba? Hahaha!"

"Hindi! Hindi ako nagseselos! Bakit naman ako magseselos dun? Eh panay hashtag lang alam non!"

Mas natawa naman ako sa sinabi niya. HAHAHAHA!

#HayNakoRicci

"Baby..." Lambing ko kay Thom.

"Hindi mo ako madadaan sa ganyan mo. Baka kay Ricci gumana."

"Eh di kay Ricci o sige." Nilabas ko yung phone ko at akmang tatawagan si Cci. "Ano nga bang name ni Ricci sa contacts ko? Uhmm...."

"Tssss..."

"Ayun. Baby Boy Ricci."

HAHAHAHA!

"Victonara, gago ka ha." Hindi ko alam pero natawa ako lalo kasi medyo kinikilig ako pag minumura ako ni Thomas.

"Oh hindi na. Itetext ko na lang si Baby Boy mamaya."

"Hayop ka. Umuwi ka mag-isa."

Tumayo na siya at kinuha yung gamit niya.

ANG CUTE HAHAHAHA!



--------

How To Be Yours PoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon