Chapter 19

1.5K 48 1
                                    

ARA

"Bells. Bisita. Baba na." Mabilis akong kumilos pagkatapos sabihin ni Carol ang mga salitang iyon. Nitong mga nakaraang araw, laging bumibisita si Thomas sa dorm. Minsan magdadala ng breakfast, kung hindi naman sa umaga, sa hapon o gabi na. Minsan hindi siya nakakapunta pero okay lang naman hindi naman obligado eh. Tska baka mapabayaan niya rin ang acads niya which is ayaw na ayaw kong mangyare. Hindi ako butihing kaibigan kapag nangyare yun.

Teka ano ba kami?

Sino ba ako para naman kasing pag aksayahan niya ng oras niya?

Napailing na lang ako sa harap ng salamin habang nag tu-toothbrush dito sa cr ng room namin. Hay nako Ara, overthinker talaga.

Narinig kong may pumasok sa kwarto namin kaya bumalik na ako sa pag tu-toothbrush at saka nag hilamos.

*tok tok*

"Ate, si kuya Thom nasa baba." Saad ni Aljan habang nakasilip sa pintuan ng cr.

"Ah, oo. Nasabi na ni Donkey. Salamat Aljan!" Tinanguan niya lang ako.

Ano kayang dala ni Thomas na pagkain? Lagi kasing nagdadala ng food, noong isang araw Lasagna. EWAN KO BA SA KANYA ANG HILIG GUMASTOS.


"Nandyan na ang feelingera." Narinig kong sabi ni Kimmy habang pababa ako ng hagdan.

"Inggitera." Bawi ko sa kanya. Hinanap kaagad ng mga mata ko si Thomas na nakaupo sa couch.

"Good morning idol." Bati niya. Lumapit naman ako sa kanya para bumeso.

"SHET! KILIG! OMG!" Hiyaw ni Des galing sa dining table.

"Buo na araw ko mygad!" Natawa naman ako kay Kianna, ganyang ganyan siya pag kinikilig kay Dudut niya.

"Good morning. Wala ka bang morning class?" Tumabi ako sa kanya at kinuha ang phone ko sa bulsa ko.

"Wala. I just have two classes for today and it's after lunch pa naman. Then training."  Ngumiti naman siya.

Napakunot ang noo ko nang makita kong ang dami ng notifications ko.


"@thomarafan : OMG! Ang aga aga kinikilig ako kainis! Thank you @reyesmikaaa for the ganap!

"@arathomasshipper : you da best! @reyesmikaaa THANKS QUEEN!!!"

"@aragthomast818: KABAHAN NA LIZQUEN, JADINE AT KATHNIEL! MABUBULOK NA KAYO! tnx @reyesmikaaa mwa!"


"@reyesmikaaa : UKG (Umagang Kinikilig si Galang) pic.twitter.com/fbyktnxvla"


HAY NAKO YEYE TALAGA! "Daks!" Tawag ko sa kanya napalingon naman siya sa akin habang lumalamon siya ng pancakes na dala ni Thomas.

"I know Daks! Sorry na! Kinikilig kami eh!" Depensa niya agad.

Binalik ko na lang ang atensyon ko sa phone ko.

Cute talaga nitong mga shippers na 'to.

"My twitter notifications are blowing up na rin. Thanks Mika!" Tinignan ko naman itong bansot sa tabi ko na nag s-scroll lang sa phone niya.

"Kumain ka na ba?" Nakakahiya naman kasi kung lumalapa na yung mga teammates ko tapos siya hindi pa pala.

"I was actually waiting for you. I'd love to have breakfast with you." Wala na, kinilig na ko.

How To Be Yours PoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon