Chapter 1

226 30 18
                                    

A/N: hello everyone! just want to remind you to vote and leave your comments after reading..

 and this is dedicated to someone who's willing :D

have fun

&

enjoy reading..

title: Natura meets the mind reader

Ito ang unang pagkakataon na nakatapak ang mga paa ni Natura sa lupa. Simula nung mamatay ang mga inaakala niyang mga magulang nya ay marami na ang nangyari at nagbago.

Hindi na siya katulad nung dati. Wala na siyang nararamdaman na kahit anong emosyon na dumadaloy sa kanya. Ni hindi na siya nagalit, natakot, naawa, at hindi na rin siya marunong ngumiti. Parang nabura lahat nang ano mang mga nasa isip niya. Kung tatawagin para na siyang ZOMBIE. Hindi na nga siya umiimik.

"Welcome miss Natura! ikinagagalak kitang makilala! ako nga pala si Fernando Radigos ang dean ng White Academy." ito ang unang narinig ni Natura kaya nalipat ang attensiyon niya sa lalaking naglahad ng kanyang palad.

Isang matangkad na matanda ang na nakasuot ng formal attire na puti, puti na puti pati ang pants, sapatos, sumbrero na mahaba at pati tungkod nito ay puti.

Tiningnan lang niya ito na parang walang pakiaalam.

Isang linggo simula nung pinatay ang mga umampon sa kanya ay nakatanggap siya ng isang sulat paanyaya sa kanya na pumasok siya sa Academiyang iyon. Nagdadalawang isip siya kung pauunlakan ba niya iyon o hindi pero sa huli ay napagdesisyonan niyang mas mabuti iyong mapalayo siya sa mga hindi niya kauri.

A/N: ang ibig sabihin ni Natura na kauri niya ay yung mga di ordinaryong tao, yung may mga kakayahan na di kaya ng mga NORMAL na nilalang.

At paglabas niya sa lagusan ay akala niya naligaw siya. Naglalakihang mga puno at mga halamang akala mo higante ang nagmemay ari dahil singtangkad niya ito---ang una niyang nakita. Pero nang mag salita si Radigos-san ay nag iba ang kapaligiran. Naglaho ang mga naglalakihang puno at mga damong singtangkad niya.

Pagod na talaga ako. San ba dito ang matitirhan ko? isip ni Natura at binaliwala nito ang sinabi ni Fernando.

"Oh I see, pagod kana. Sumunod ka nalang sakin. Bukas na kita ililibot sa White Academy." Tumalikod na si Fernando at nagsimulang maglakad.

Tick Tock ( on-going Chapter 20 part 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon