Title: Lost in the Lost City
A/N: I am inspired by a reader.. so thank you talaga <3
Cara on the right side
like the official page at the right side ( external link )
---------------------------------------------------------------------------
"Yo! look what I found!" sigaw ni Takeshie papalapit samin
"Ano nanaman kaya ang nakita ng lalakeng iyan?" rinig kung sabi ni Hikaru
"Malay ko diyan. Nangungulekta ata ng kung ano ano eh.." sagot naman ni Andrea.
Oo nga.. everytime marinig namin ang ' look what I found ' iisa lang ibig sabihin nito.. meron nanaman siyang nakita.
Di niya pinalalampas ang lahat ng bagay na, ano nga tawag dun? yung mga bagay na nakaka intriga.. Last year may nakita siyang coin, well its not just a coin sabi nga ni Cara. Ang coin na iyon ay 100 na ang tanda. Iyon ay galing sa isang estudyante noon na nag aaral sa White Academy.
Lalong na intriga si Takeshie nang marinig iyon mula kay Cara. Tawag ko nga kay Cara ay walking historian. Kasi diba ang kapangyarihan ni Cara ay malaman ang mga impormasyon tungkol sa mga bagay na nahahawakan niya o di naman kaya tinitigan niya. Awesome right?
At sunod sunod nang nangungulekta si Takeshie ng mga bagay na nakikita niya kung saan saan. Pero bago pa man niya iyon dalhin sa bahay ay tinatanong muna niya ang mga impormasyon tungkol sa bagay na nakita niya mula kay Cara."Di na kayo nasanay.." napabuntong hiniga nalang si Cara.
Naglalakad kami ngayon papuntang Examination Building. Ito raw ang final exam for the school year na ito. Kailangan naming mag lakad kasi ipinagbawal na ang pag gamit ng portal baka raw mapunta nanaman kami sa kung saang lugar.
Malayo layo rin ang lalakarin namin. Kahit patuloy pa rin sa pagbuhos ng nyebe ay nakakalakad pa rin kami ng maayos dahil kasama namin si Shoichi. Hindi lang ako ang naiinitan maging ang lahat ng kasama ko.
"Ang ganda neto! maliit na kahon na gawa sa salamin!" Takeshie just stared at the thing he was holding.
Nilingon ni Cara si Takeshie at nanlaki ang mga mata nito nang malaman kung ano ang hinahawakan ng lalake.
"Do not open that--" huli na nang sabihin nito kay Takeshie dahil nabuksan na ito.
"Why did you opened it!?" galit na nilapitan ni Cara si Takeshie.
Nahinto kami sa paglalakad. Hay.. sa puntong iyon ay wala na kaming magagawa kundi ang maghintay hanggang sa matapos pagalitan ni Cara si Takeshie.
"Eh bumukas lang bigla. Anong magagawa ko?" depensa ni Takeshie.
"Give me that." at hinablot ni Cara ang maliit na kahon kay Takeshie at matamang pinag aralan.
"You shouldn't have opened it. San mo ba ito nakita?" tanong ni Cara
"Sa daan lang. Kumikinang kasi kaya kinuha ko." pinamulsa ni Takeshie ang dalawa nitong kamay.
"This is not good." bulong ni Cara
"Huh?" nilapitan ko si Cara
"Everyone RUN!!!" sigaw ni Cara at inihagis nito ang maliit na kahon. Hindi agad ako natakbo dahil na rin sa gulat, nilingon ko pa ang kahon. May ilaw na lumalabas sa maliit na kahon kaya natakot ako.
BINABASA MO ANG
Tick Tock ( on-going Chapter 20 part 3 )
Ficção AdolescenteNakatadhana na ang buhay namin para talikoran ng lahat, para iwan ng mga mahal namin sa buhay, para pandirihan ng mga taong nakapalibot samin, para iwasan ng mga kakilala namin, para ipagtabuyan ng mga tao at para katakotan ng nakakarami. Lahat ng m...