Chapter 2

4.7K 233 13
                                    

Chapter 2


"Yvarra..."

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid.

Walang hanggang kadiliman ang nakapaligid sa akin. Tanging ang katawan ko lang na nagliliwanag ang nakikita ko.

At laking gulat ko nang mapagtanto kong lumulutang ako.

Nasaan ako?

"Yvarra..."

"Sino ka?!"

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang tinig pero hindi ko matukoy kung saan. Nag-i-echo lang ito. Isa pa, wala pa rin akong makita kundi purong kadiliman.

"Sa akin ka na, Yvarra..."

Biglang gumapang ang kilabot sa akin nang may maramdaman akong malamig na gumagapang sa binti ko. Napansin akong may kung anong itim na bagay na kasinglamig ng yelo na unti-unting bumabalot sa akin, mula sa paa ko...paitaas. Sinubukan ko itong alisin pero tumatagos lang ang kamay ko roon. Para itong usok pero mukhang likido kung titingnan dahil sa tingkad ng pagkaitim nito. Hindi ako makawala rito hanggang sa hindi ko na maigalaw ang parte ng katawan kong nababalutan ng itim na bagay na 'yon.

"Pakawalan mo 'ko!" sigaw ko.

Lalo pa akong binalot ng matinding takot nang umabot na ang itim na bagay sa leeg ko.

"Nabibilang ka na sa akin, Yvarra. Akin ka na!" Halos mabingi ako nang mapuno ng boses nito ang lugar lalo na nang umalingawngaw ang halakhak nito.

Napahagulgol na ako at nagpakawala ng isang malakas na sigaw. "P-Pakawalan mo 'ko! Parang awa mo na!"

Ilang beses pa akong nagmakaawa pero tila bingi ito.

Ramdam ko na ang malamig na itim na bagay sa pisngi ko. Unti-unti na akong nilalamon nito.

No! No! No!

Bigla na lang nagdilim ang paningin ko kasabay ng paghigit ko ng hininga nang maramdaman ang itim na bagay na pumasok sa bibig ko.

Agh—!

Gusto kong maduwal nang umabot na ito sa lalamunan ko.

Agh—gh!

Wala na akong makita.

Wala na akong marinig.

Wala na akong maramdaman.

At hindi na ako makahinga.

'Akin ka na, Yvarra...'

At sa huling segundo ng kamalayan ko ay isang imahe ang nakita ko sa isip ko.

'Isang madilim na lugar na mukhang hindi nasisikatan ng araw. Walang ibang makikita kundi mga guhong gusali na nilalamon ng naglalagablab na apoy at walang ibang maririnig kundi tanging panaghoy ng mga nilalang na 'di ko matukoy kung saan nanggagaling...'

***


"Ahhhhh!!! Oh my gosh! Oh my gosh!"

Tiningnan ko ang mga kamay ko at inunat ang mga braso ko at sinipat ang mga 'yon. Tinanggal ko rin ang kumot na tumatakip sa ibabang bahagi ng katawan ko at sinipat ang mga paa ko. Inangat ko rin ang pajama na suot ko para makita ang mga binti ko.

I'm normal!

Nagmadali akong bumangon at humarap sa salamin. Kinapa ko ang mukha ko at tinitigan ang sarili ko sa salamin.

Nang makita ko at maramdaman kong wala talagang kakaiba sa akin ay nakahinga ako nang maluwag.

Panaginip lang pala! Isang bangungot!

Prisoners of BastilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon