Chapter 8
Malalim na ang gabi at tulog na ang lahat pero nananatili akong gising. Hindi ako makatulog matapos ang mga nangyari ngayong araw na ito. Kahit pa sabihing hapong-hapo ako sa nangyaring hunt na 'yon!
'Why can't you sleep?'
'Where the hell have you been?' galit na sigaw ko sa freak sa isipan ko imbes na sagutin ang tanong nito.
Tsk. Galit ako rito dahil pagkatapos niyang maging dahilan ng pagpapatapon ko sa Bastille ay bigla na lang siyang hindi nagparamdam kaya naman wala akong nagawa nang ilugmok ako sa kulungang ito!
Tsk.
'Hell, as always...'
Tsk. Akala ko ay nawala na 'to sa katawan ko.
'Bahagi na ako ng katawan at katauhan mo kaya habang buhay na akong nasa loob mo...sa ayaw mo at sa gusto...'
Kung noon ay ayaw ko sa freak na 'to pero ngayon, sa sitwasyon ko ngayon sa Bastille, ay ipinagpapasalamat kong narito ito. Magagamit ko ang kapangyarihan nito para makatakas rito!
Narinig ko na naman ang nakakabinging halakhak nito sa isipan ko. Tch.
'Walang nakakatawa!'
Imbes na tumahimik ay lalo pa itong nanadya. Kung pwede ko lang sana itong sapakin ay ginawa ko na.
'Ano'ng nangyari at bigla kang nawala matapos 'yung gabing 'yon?!' tanong ko rito.
Sa wakas ay natigil rin ang halakhak nito.
'Sa totoo ay hindi ko rin alam. The witch Mildred maybe did something,' sagot nito na ang tinutukoy ay si Mildred Aragon, ang bruhang pumatay kay Dad, ang umagaw sa trono at nagpatapon sa akin dito sa Bastille. 'Maaring nagawa niyang isara ang kapangyarihan ko.'
'Makapangyarihan ka ngunit nagawa pa rin niya 'yon?'
'Hindi maikakailang makapangyarihan si Mildred, ramdam ko 'yon sa kapangyarihan niya kaya posible 'yon. Pagkatapos ay idagdag pa ang collar ng Bastille na kayang isara anuman ang kapangyarihan at mahikang taglay ng isang nilalang.'
'Pero bakit ko nagawang makapagpalabas ng kapangyarihan nang kinompronta ko ang bruhang dabyana? At bakit narito ka na muli? Ibig bang sabihin ay nagawa mong makawala sa kapangyarihan ni Mildred at sa collar?
'Hindi ba't sinabi ko na ang galit at matitinding emosyon mo ang nagpapalakas sa akin?'
'So dapat lagi akong galit para manatili ang kapangyarihan mo para matulungan mo akong makawala sa kulungang 'to?'
Bigla itong tumawa nang malakas.
Tsk!
'Sa totoo lang ay may isang bagay akong ipinagtataka...'
'At ano naman 'yon?'
'Kung isa ka nga bang normal na tao o hindi...'
The fuck?
'Ramdam kong espesyal ang dugong nananalaytay sa 'yo. Kung dahil ba sa ikaw ay isang dugong bughaw? Hindi ako sigurado. Kung ano ka at ano ang espesyal na 'yon sa 'yo? Hindi ko matukoy.'
'Are you suggesting na hindi ako tao at walang pinagkaiba sa 'yo at sa ibang mga kasumpa-sumpang nilalang na narito sa Bastille?!'
'Ganoon na nga,' sagot nito at muli na namang tumawa. Napakasaya ng nilalang na 'to! Tss!
BINABASA MO ANG
Prisoners of Bastille
FantasyBastille. Is this a home? No. A haven? Never. The Bastille is earth's hell. A pit of damnation for every human who committed heinous crime. The Bastille is also where some creatures are imprisoned only for one reason... . . . ...their existence. ©...