Chapter 7
"Is it really mandatory to all prisoners of the first tower to join that hunt?" tanong ko habang hinahatid kami ng mga Seraph papunta sa huli naming hantungan, I mean sa labas ng Bastille. Pasalamat ako at buo at walang nginig ang boses ko kahit sa loob-loob ko ay sobrang natatakot na ako.
Oras na mag-umpisa ang hunt na 'yan, tiyak na kamatayan ko na ang kasunod.
Oh my God! I don't want to be devoured by the werewolves and vampires!
I guess I would prefer the *Avada Kedavra of the witches. At least it'll give me a sophisticated way to die, I think.
Tanging si Tyga ang sumagot sa akin.
"Oo. Kahit sinong preso ay walang takas dito. Sinasabing ito ang paraan nila para linisin ang Bastille."
"Linisin?! Fuck that! Tanging mga normal na tao ang biktima rito! Ano'ng laban nila sa mga tulad ninyong nilalang?!"
"Wala. They're just mere food to us. Pero hindi lang mga tao ang biktima rito. Any creature can die in this bloodbath. You can kill any prisoners you disgust."
Mas malala pa pala ang Bastille kesa sa iniisip ko!
"Only the strong ones survive..."
Kinilabutan ako nang ngumisi ito sa akin. Tingin ko'y parang kumislap ang mga pangil nito. Pero mas lalo akong kinilabutan sa mga sunod nitong sinabi.
"Nasasabik na akong matikman ka, prinsesa..."
.
.
.
Nanatili akong tahimik hanggang sa marating namin ang bukana ng gubat kung saan naroon na ang ibang mga preso na titig na titig sa akin. Bakas sa mga mukha nito ang matinding pagkahayok sa akin. Lalong lumakas ang kabog ng puso ko dahil alam kong nalalapit na ang oras.
Kanina ay sinubukan kong tawagin si freak pero hindi pa rin ito sumasagot. Bakit ganoon? Naka-deactivate na ang mga norimantine ng collar pero bakit hindi ko pa rin ito makausap? O baka sadyang hindi lang talaga ako nito kinakausap?! Tsk!
Sinubukan kong palabasin ang lakas at kapangyarihan na 'di ko sinasadyang ipamalas kaninang umaga pero hindi ako nagtagumpay. Sinubukan kong magalit dahil baka ito ang dahilan kung bakit lumabas ang kapangyarihan kanina pero kinain lang ito ng napakalaking takot na nararamdaman ko ngayon...takot sa mga maaring madugong mangyari at higit sa lahat...takot sa nakaambang kamatayan.
Ayoko pang mamatay lalo pa't hindi pa ako nakakabalik sa Capitol para patunayang wala akong kasalanan lalo na't hindi ko pa napapagbayad ang mga Aragon!
"Yvarra!"
"Jeda!" Mabuti naman at mukhang ayos ang lagay nito.
Bigla itong yumakap sa akin.
"Ikaw ang target nilang lahat, Yvarra!" puno ng pangambang wika nito.
"Oh my God..." Kung ganoon hindi lang pala si Tyga ang kailangan kong takasan kundi lahat ng preso!
"But don't worry, 'di kita pababayaan! Mapapatay muna nila ako bago ka pa man nila magalaw!"
Kahit paano ay napangiti ako.
"Sana lang ay mapalabas kong muli ang kapangyarihang nagamit ko kanina."
"Sana nga dahil napakalakas ng nilalang na nasa loob mo..."
Natigil ang usapan namin nang marinig namin ang ugong ng trumpeta. Pagkatapos, mula sa ere ay may bumagsak na kung ano. Lumikha pa 'yon ng makapal na alikabok dahil sa lakas ng pagkakabagsak sa lupa.
BINABASA MO ANG
Prisoners of Bastille
FantasyBastille. Is this a home? No. A haven? Never. The Bastille is earth's hell. A pit of damnation for every human who committed heinous crime. The Bastille is also where some creatures are imprisoned only for one reason... . . . ...their existence. ©...