Chapter 10
Third Person's POV
"P-Paanong—?!"
Nakangisi si Yvarra habang nakatingin sa lalaking gumagapang at pilit na inaabot mula sa kanya ang isang bagay na mabilis niyang dinukot mula rito kanina. Bakas ang 'di pagkapaniwala at takot sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
Bahagya niyang iniangat ang kamay na mistulang kamay ng isang halimaw. Hawak ng kanyang kulay itim na kamay na may matatalas na kuko ang isang bagay na pumipintig-pintig pa—ang puso nito.
"A-kin n—"
Muli niya itong nginisihan at mariing nilamukos ang puso nito sa mga palad niya. Itinapat pa niya sa mukha ang kamay para pagmasdan ang tumutulong dugo mula roon. Hindi rin niya alintana ang masangsang na amoy ng dugo lalo't nasisiyahan siya sa sandaling 'yon.
Samantala ay dilat at tirik ang mga matang binawian ng buhay ang lalaki matapos ang ginawa niya.
Humakbang siya papalapit dito at walang pagdadalawang-isip na pinugot ang ulo nito gamit lamang ang mga matatalas na kuko. Nilagay niya 'yon sa pinakagitna ng silid upang 'yon kaagad ang bumungad sa kung sinumang gwardiya ng Bastille ang pumarito.
'Let go of the power, Yvarra!' sigaw ni Freak sa isip niya. 'Malapit na sa limitasyon ang katawan mo kaya hindi ko na rin kaya pang panatilihin ang harang sa kwartong 'to. 'Pag nangyari 'yon, mararamdaman ng mga Saints ang kapangyarihan ko at tiyak na katapusan na natin!'
'Just a little bit more, Freak,' sagot niya na binalewala ang babala nito sa kanya. Nasisiyahan siya sa nangyayari ngayon habang pinagmamasdan niya ang sarili sa salamin na nasa kwartong 'yon. Idagdag pa ang nag-uumapaw na kapangyarihan nito. Napakasarap sa pakiramdam.
'Dapat kanina pa pala natin ginamit ang kapangyarihan mo para napaslang na rin natin si Mildred—Ahhhh!' napahiyaw siya nang biglang magkaroon ng mga hiwa ang katawan niya at sumirit ang kaunting dugo mula roon.
Ang mga kamay niya ay tila nagbabaga sa sobrang hapdi. Ang buong katawan niya ay parang sinisilaban.
'Yvarra! Let go! Hindi ko kaya kung ako lang ang magsasara ng kapangyarihan ko! Your body is already at its limit!'
'H-How?—Ahhh!'
Bumagsak siya sa sahig dahil sa sobrang sakit. Halos mapuno na ang katawan niya ng mga hiwa. Para 'yong mga hataw ng nag-aapoy na latigo sa katawan niya.
Naririnig niya ang pagsisigaw ni Freak sa isipan niya pero hindi na niya ito maintindihan. Mas nangingibabaw ang sobrang sakit na nararamdaman niya higit sa anupaman.
Napakalmot siya sa semento at halos mabali o matanggal ang kuko niya dahil doon.
Namimilipit siya sa sobrag sakit at hirap na dinaranas hanggang sa hindi na niya nakayanan at nagpakawala siya ng isang malakas na sigaw at halos mawasak ang silid na kinaroroonan niya dahil sa malakas na puwersang galing sa kanya.
***
Kahit namimigat ang mga talukap ay pilit niyang iminulat ang mga mata para lamang salubungin ng kadiliman. Ni katiting na liwanag ay wala siyang makita.
Hindi niya rin maigalaw ang mga nananakit na mga kamay at paa dahil sa mga bakal na nakagapos sa kanya.
"Fuck!"
Pilit siyang kumilos pero lalo lamang 'yon nagdulot ng matinding sakit sa buong katawan niya.
Inisip niyang panaginip lamang ang lahat pero hindi. Tunay ang nangyayari sa kanya ngayon.
BINABASA MO ANG
Prisoners of Bastille
FantasiaBastille. Is this a home? No. A haven? Never. The Bastille is earth's hell. A pit of damnation for every human who committed heinous crime. The Bastille is also where some creatures are imprisoned only for one reason... . . . ...their existence. ©...