Chapter 5
"Hindi mo 'to maaring gawin sa 'kin Mildred!" sigaw ko nang igawad nito ang hatol sa akin, ang pagpapatapon sa Bastille.
Ako ang inaakusahan nilang pumatay kay Dad at sa mga miyembro ng konseho. Kahit anong sabihin ko at pagtatanggol sa sarili ko ay hindi pinapakinggan. Naging batas si Mildred at anumang sabihin nito ay pinaniniwalaan at sinusunod ng mga alipores nito.
Nagpupumiglas ako sa hawak ng mga Seraph.
Kanina ko pa tinatawag sa isip ko ang 'freak' na sumanib sa akin para tulungan ako pero hindi ito sumasagot.
Tss! Kasalanan niya ang lahat ng ito! Dahil sa kanya ay lalo akong nadidiin sa kasalanang inaakusa sa akin! Tapos ngayon ay aabandonahin niya 'ko!
Lumapit si Mildred sa akin at hinawakan ang mukha ko.
"Magpasalamat ka na lang na 'yon lang ang inihatol ko sa 'yo dahil kung tutuusin, pwede kong ipataw sa 'yo ang parusang kamatayan!"
"No! You set this up! Ikaw ang may gawa ng lahat ng 'to para makuha ang trono at kapangyarihan kay Dad!" sigaw ko.
"Whatever, Princess. Mapapagod ka lang kakasalita pero walang makikinig sa 'yo. Lahat ng mga nakikita mo sa palasyo ngayon ay kapanalig ko. Wala ka ng kakampi ngayon, Yvarra!"
Hindi naituloy ang sasabihin ko dahil bumukas ang pinto at pumasok si Arviel kasama ang pulutong ng mga tauhan nito.
"Arviel!" tawag ko pero hindi ako nito pinansin ni tinapunanan man lang ng tingin.
"Madame, the ship to Bastille is ready," wika nito kay Mildred.
BINABASA MO ANG
Prisoners of Bastille
FantasyBastille. Is this a home? No. A haven? Never. The Bastille is earth's hell. A pit of damnation for every human who committed heinous crime. The Bastille is also where some creatures are imprisoned only for one reason... . . . ...their existence. ©...