Chapter I - Magandang Umaga

1K 24 2
                                    

Franz

    Pangkaraniwan na sa akin ang 'di ko abutin ang flag ceremony dahil sa traffic na tinatahak ko mula Los Baños tapos daraanan ko pa ang traffic capital ng Laguna ang Pansol bago makarating sa bayan ng Calamba. Kaya naman umaga palang pinuputakte na ako ng inis sa katawan ko.

    Nalalapit na ang intrams namin noon kaya naman nakaka-boring na talaga sa school dahil puro practices at preparations para dito. Di ko inabutan ang pagpapakilala ng mga muse ng bawat year levels kaya walang nakapagpaganda ng araw ko. Kaya naman nang makapasok ako ng classroom namin - gaya ng sabi ko late ako - nakatingin nanaman ang lahat sa akin, ako nama'y naupo na sa tabi ng mga tropa ko na agang aga palang eh puro kalokohan na. At dahil busy nga ang nga teachers namin edi walang klase kaya ang iba naglalaro habang kami nama'y kwentuhan nalang. Habang kausap ko sila Edison, Miguel at Nico may biglang pumasok sa classroom namin.

"Excuse po... Magandang Umaga po! Ako nga po pala si Maria Thania Joyce Pamplona ng grade 9 pilot ang magiging representative ng ating level sa Ms. Intrams..."

    Habang nagsasalita palamang sya ay tinanong ko na kala Nico, "Sinong pumili sa kanya? Ambobo naman mamili eh"

"Pinag-pilian na kanina sa flag ceremony mula sa bawat muse ng klase, wala ka kasi eh" sagot naman agad ni Nico.

"Okay naman sya ah... di man katangkaran katulad mo eh okay naman" pang aasar naman ni Michael.

"Maganda naman sya mapungay ang mata, maputi naman simple lang talaga sya" dagdag pa ni Edison.

"Basta pustahan tayo talo nanaman ang year natin d'yan. Walang laban yan." Tugon ko.

"Bakit? Sino bang gusto mong lumaban? Ah... ang dati mong ka-M.U.? Si Jenny?" Sabi ni Nico sabay tawa ng tatlong loko.

"Basta ako di ako magbibigay ng pirma ko d'yan baka masayang lang ang piso ko."

"Maraming salamat po sa mga pumirma para naman po sa mga hindi pa nasa classroom lang po ako namin. Maraming salamat ulit." Pamamaalam ng mahinhin na dalagita.

"May escort ka na ba? Andito na si Franz wiling na maging escort mo." Malakas na sabi ni Edison kaya narinig ng lahat ng nasa classroom. Kaya naman ang mga ito ay nag-uyukan at naghiyawan.

"Tutal bagay naman kayo halos magkasing tanggad lamang, moreno 'tong si Franz mistiza ka. Matipuno naman 'tong kaibigan namin gentleman pa yan ikaw ay sexy at mahinhin. Aba'y bagay na bagay!" Sabat naman ng isa pang epal, si Leonard.

"Umayos nga kayo! Mga panusot 'tong mga to eh!" Inis na talaga ako kaya yan na ang sagot ko sa kanila buti nalamang ay sumagot sya na...

"Ay, meron na pong escort kaso absent lang bukas makikilala nyo po sya."

"Ouch! Sakit non!"

"Wala pa eh busted na agad"

"Tambak ng isang buwan! Haha"


    Mga iba't-ibang reaction nila. Umalis na nga sila para makapaglibot pa sa iba pang sections ng grade 9.

     Maya maya pa ay break time na namin, syempre di na uso ang nagbabaon pa ng sandwich o biscuits kapag high school na kaya ako ay nabili nalang lagi sa canteen. Sa di inaasahang pagkakataon eh nakita ko nanaman siya. Ewan ko kung bakit pero parang naiilang ako sa kanya o di kaya'y nahihiya lang ako dahil sa sinabi ng mga tropa ko kanina baka seryosohin nya eh di ko naman talaga sya gusto. Pero baka kasi narinig nya ang sinabi ko. Bahala na di ko nalang sya papansinin didiretso na ako sa paninda tapos sa room nalang ako kakain. Kaya pagkabili palang namin ay niyaya ko na agad ang mga kaibigan ko na umalis na baka asarin lang ulit nila ako kapag nakita rin nila si Joyce na nakaupong nakain kasama ng mga kaibigan nya. Kaya pagkabili ko ng Cream O na aking paborito ang ng isang C2 ay agad ko nang sinabi.

"Tara na sa room na tayo kumain nakakatamad naman tumambay dito makakasapak lang ako dito eh."

"Mamaya na! Nakita mo lang si Joyce eh gusto mo nang umalis." - agad na sagot ni Michael na may pabirong tono.

"De boy nakita nya kasing dumaan si Jenny!" Sabat naman ni Nico.

"Una, wala na akong pake kay Jenny. Pangalawa, mas lalong wala akong pake kay Joyce. Okay?"

"Sya! Sya! Tara na baka kung saan pa mapunta ang usapan na yan. Sa classroom na tayo." Yakag ni Edison.

     KINAHAPUNAN oras na ng practice ng mga candidates ng pageant. Syempre may magaganda kaya nagkayayaang manood muna. Nagsimula na ang practice, nag-umpisa narin ang usapang puro kalokohan ng mga kasama ko. Pinagtatalunan nila kung sino ang pinakamaganda at sino ang mananalo. Habang ako ay nakatingin lang sa mga kasali na lalaki ay nasabi ko sa sarili ko na 'kung sumali pala ako eh panalo ako, lamang na lamang ako sa mga lalaking ito' at nang makita ko ang ibang kandedatang babae nasabi ko na maganda rin pala talaga sya. 

M.U.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon