Franz
Sa mga sumunod na araw, bilang paghahanda ng fitness showdown namin o mas kilalang field demo. kami ay nagpapractice muna by class. Pagkatapos namin maturuan by class at nang masaulo na namin ang mga steps ay nagpatawag na ng practice para sa buong year level namin.
"Tinatawagan ang lahat ng grade 9 students na pumunta sa field para sa inyong fitness practice. Dalhin nyo na ang mga damit pamalit ninyo. Salamat!" Anunsyo ng guro namin sa P.E.
Kaya kaming lahat ng mga gr. 9 ay lumabas, sa totoo lang nakakatamad yun pero dahil kailangan pumunta dahil mayayare kami ng teachers namin eh, kaya nagpunta na kami. Cornie man para sa amin eh okay lang marami namang sexy na chicks kaming nakikita. Ewan ko ba nagbago pakiramdam ko nang makita ko syang muli. Oo, sya... si... si ano... Oo na si Joyce. Parang kinabahan ako bigla na parang ewan. Di ako makatingin sa kanya ng matagal kasi baka may makahalata sa akin na natingin ako, pero di ko rin alam kung bakit ako napapatingin sa kanya. Baka kasi nahihiya ako dahil sa sinabi ng kaibigan ko o kaya ay ... ewan di ko alam! Bahala na pipigilan ko nalang tumingin sa kanya.
At oras na nga ipinatawag na ng P.E. teacher namin kami at inilagay na kami sa aming mga pwesto. Syempre ang mga magagaling ay nasa unahan, di naman ako magaling pero madali ko lang nasa-ulo ang steps kaya nasa second line ako, katabi ko rin ang iba kong kaklase. At nang matapos nang mag-ayos ay inikot ko ang aking mga mata para hanapin ang iba kong tropa, oo na pati narin sya. Pero dahil rambol nga eh di ko sya makita, este sila pala, ngunit sa di ko inaasahan na pagkakataon, paglingon ko sa aking likuran ay sya ang aking nakita! Di ko alam ang magiging reaction ko! Di ko alam parang nanlaki ata mata ko nang makita sya, tapos di alo makapagsalita, nanakit leeg ko kasi nakatalikod parin ako sa kanya pero nakalingon ang ulo ko tapos di ako makagalaw ansaket diba? Ito pa matinde nagsalita sya!
"Hi! Mr. Escort, ikaw pala sa harap ko. Pa-kopya ko ng mga steps ha di ko pa masyadong saulo eh." Sabi nya habang siya any nakakapit sa tuhod niya at nakabaling ang ulo sa pwesto ko. Ang malma pa eh ngumiti! Aba naman combo ako ah.
Ang nasabi ko nalang ay, "Sure" ang haba diba... end of conversation.
Pero buti nalang araw-araw ang practice namin, kaya araw-araw din akong may vitamin silay mula sa kanya. Kahit ang hirap na sumilay ng patago tapos nasa likod ko pa sya. Mapamaraan naman ako eh kaya lern from me. Style no. 1 magstreaching kuntare, babatakin ko kanang braso ko pakaliwa tapos kaliwang braso pakanan mailingon ko lang ang mga mata ko sa kanya. Style no. 2 kapag pahinga at bawal umalis sa pwesto eh tatagilid ako ng konte sa banda kanan ko ako haharap para kita ko sya. Style no. 3 ito matinde, kakausapin ko yung katabi nya, bakit naging matinde? Kasi di ko naman kilala 'yung katabi nya, kakausapin ko lang masilayan lang sya. Ang hirap ng buhay kong ito ha!
Ang di ko alam ay nahahalata na pala ng mga kaibigan ko ang ginagawa ko.
"Tol, kung ako sayo para di ka bagnanakaw ng tingin eh kausapin mo na!" Malokong sabi bi Edison.
Ako naman patay malisya, "Ha? Anong sinasabi mo dyan?"
"Tol, wag kami iba nalang! Mga ganyang galawan? Aba naman!" Dadag ni Kel.
"Huling huli na sa pag-silay itinatanggi pa! Kamista naman leeg mo? Sakit diba?" Dadag pa ni lokong Leonard.
"Ewan ko ba mga chong, di ko naman sya gusto, gusto ko lang syang tignan."
"Eh busog ka na ba?" Tanong ni Nico.
"Busog kakatitig?" Tanong ko.
"Hindi, busog kasi kinain mo na lahat ng mga sinabi mo. Sabi mo di ka magbibigay kahit piso? Aba... 100 pesos ata binigay mo kay bestie Malou mo para ipirma kay Joyce."
"Tol, para sa year naman natin yon"
"Nabasa ko na yan sa Wattpad kaya wag ako! Nasa sulat yan ng gwapong writer na si Piololo P. Hahaha! Kaya please wag ako!" - Kel.
Nahuli na nga nila ako pero kahit anong enterogate nila sa akin di nila ako mapapaamin.
Nagtuloy-tuloy nga ang aming practices at improving, kasi di lang ako ang tumitingin. Pati sya natingin narin sa akin. May bonus na ngiti pa! Nang mga naunang pagkakataon ay mga 0.1 second lang... pero ng mga tumagal na aba naman point di ko na mabilang secondsss. Grabe naman tong babaeng to pa-fall! Wag ka namang ganyan mahuna ako!Oo nga no? Ba't di ko i-try? I-chat ko kaya?

BINABASA MO ANG
M.U.
RomanceIto ay base sa totoong pangyayari. Ayon sa buhay ng isang teenager na nakaranas ng maraming M.U. sa buhay. Kelan kaya matatapos ang napakaraming M.U. nya sa buhay? Noong luma-lovelife pa ako (noong di pa ako masyadong bitter at naniniwala pa sa fore...