Chapter IV - Magandang Ugnayan

406 9 0
                                    

Franz

Excited akong pumasok ngayon, maraming dahilan. Masisilayan ko nanaman siya at may lakas na ako ng loob para kausapin sya kasi nagkachat na kami at susulitin ko to dahil bukas ay sabado walang pasok kaya walang silay. Malakas din ang loob ko dahil suportado ako ng mga kasamahan kong sakristan at tinutulungan pa nila ako at alam ko naman sa sarili ko na gwapo talaga ako. Oh? May angal? Aba teka! Gusto mo ng away? Pasalamat ka maganda araw ko. Haaay... dapat ko na sigurong baguhin ang lagi kong pakikipag away baka ayaw nya ng ganon eh.

Oh my ghad! Ayan na sya padaan na! Naka upo lang ako sa aking upuan na nakaharap sa aming bintana sa hallway, kunyari nagbabasa ako pero na katingin ako sa labas. Pusang gala nakangiti sya! Ang ganda talaga ng mga mata nya lalo na kapag naka-ngiti. Tapos nakakaakit pa ang mapupula at manipis nyang mga labi. Di ko namamalayan na nakatitig na ako sa kanya at pinagtatawanan na ako ng mga kulokoy kong tropa. Nang makaalis sila at nang magbalik ako sa aking diwa, pinaghahampas ko ng hawak kong libro ang mga tropa ko na wala parin tigil sa kakatawa.

"Mga sira ulo kayo ha! Bakit nyo ko tinatawanan?" Sabi ko.

"Aba eh parang nakakita ka ng liwanag eh parang kukunin ka na!" Sagot si Michael sabay tawa nanaman.

"Patulo na nga laway mo eh!" Lalo pang lumakas tawa nila nang idagdag ito ni Edison na may nang aasar na tono.

"Napapano kayo dyan? Eh nagbabasa ako dito!" Painosenteng sagot ko, "may quiz mamaya ah!"

"Wag kami hoy!" Ani ni Nico, "eh nakabaliktad kaya yang libro mong hawak!" Tuloy parin ang tawanan nila. Habang ako ay nagmamatigas na di nila mapapaamin.

"Tol, wag mo nang itago pa, huling huli ka na eh!" Seryosong sabi ni Edison.

"Tutulungan ka pa namin" - Nico

"Di ko kailangan ng tulong nyo no at isa pa, wala akong balak okay?" Sagot ko.

Bahala ka

Ikaw rin

Pashowbizz ang koya mo

Ikaw na tinutulungan


Ilan lang yan sa mga patamang reaksyon nila, habang ako naka yuko lang at halos di na sila marinig dahil sya parin lamang ng isip ko.

Ito na ang oras na pinaka hihintay ko na pinaka-kinatatamaran ko dati, ang fitness practice ng red team ang grade 9.

Parating na ang grupo nila. Nangyari na ang inaasahan ko. Nakasilay ako ng matindi-tindi. Sinulit ko talaga abay 2 days walang pasok eh.

Maya-maya pa eh break time na! Nakakapagod aba, pero konting lingon lang eh recharged na ulit agad ako. Dahil uhaw na ako eh bumili na ako ng tubig sa canteen.

"Mukhang uhaw na uhaw ka ah?" Sabi ni Leonard sabay akbay sakin, "dalawa agad ang tubig na binili mo eh!"

"Nakakapagod kasi eh" palusot ko pero sa totoo lang eh hindi para sakin to.

Bumalik agad ako sa field at nakita ko sya na di umalis sa pwesto nya. Bakit kaya sya di umalis? Siguro nasa paligid lang mga friends nya... well wala na akong pake chance ko na 'to!  Kaya agad ko syang nilapitan at ipinatong sa tabi nya ang tubig habang nag-tatali ata sya ng buhok. Dahan-dahang napatingala sya sa akin tapos nginitian ko lang sya sabay balik sa pwesto ko.

"Salamat Mr. Gentleman!" Sabi nya.

Wala akong ginawa kundi tumango lang ng nakatalikod sa kanya kasi kinakabahan ako. Di ko alam ang gagawin ko eh. Lakas na ng kabog ng dibdib ko.

M.U.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon