Chapter III - Masayang Umpisa

423 10 0
                                        

Joyce

Mag-mula nang araw na ako ay ipakilala na magiging representative ng gr. 9 ay dumami ang kakilala ko sa totoo lang andami biglang nag-add sa akin sa fb well wag nyo nang itanong ang twitter kasi wala ako non. Dami nang bumabati sa akin at maraming umaamin na crush daw nila ako... nako naman mga lalaki talaga bolero no? Muse lang crush na agad?
Pero may isang lalaki na tumatak sa akin, si ano... ano ngang pangalan non? Fred? Fry? Ay franz! Oo franz! Yung section St. Francis. Di naman sya ganon ka gwapo para mapansin ko - kasi ang pamantayan ko ay P4, lalo na si Ranz - pero parang iba sya sa mga lalake dito sa school eh. Ewan ko ba kung bakit, siguro kasi doon ko lang siya nakilala at tulad ko ay isa lang syang simple. Oo, tama! Simple lang ang dating niya sakin.

Pero sa unang pagkikita namin ay napatuon narin ako sa simple at maamo nyang mukha. Una ko nang napansin ang kanyang nangal-aakit na mga mata na kay liit, di man gaanong katangos ang kanyang ilog ay bumagay naman ito sa kanyang maninipis na labi. Di naman sya maputi, moreno lang. Syempre, bilang babae di ako dapat magpakita ng motibo conservative ako kaya pa-simple lang. Kapag nakikita ko syang parating syempre kunyare patay malisya, tulad lang tuwing nasa canteen or maglalakad sa hall ways, madadaanan kasi namin ang room nila bago samin.

Pero mapagbiro talaga ang tadhana, pinaglapit ba naman kami sa fitness dance namin. Kaya binati ko agad siya. Tinawag ko syang Mr. Escort, pero mas bagay ang Mr. Snob, conversational killer sya! Haha! Kitang-kita ko naman sya kapag natingin sa 'kin. Naawa na nga rin ako kasi king ano ano na ginagawa eh pero ang cute ng dating. Ang kulit. Pero kapag matingin na sya sakin iiiwas ko na ang tingin ko, pero di ko talaga napipigilan kaya napapatitig narin ako sa nang-aakit na mga mata niya. Ang cute, meron pa kayang mga ganitong lalaki kapag pwede na akong mag-boyfriend? Sana naman.

Ow... wait! May friend request nanaman ako. Kawawa naman ang mga nag-aadd sakin kasi di naman ako masyadong active sa facebook o sa kahit anong social media. Ow... wait! Paul Theo Franz V. Sallo? Oh my ghad! Friend nya ang P4? At sakristan din pala sya! Kaya pala. Ow... wait! May chat pa. Iaaccept ko muna ang messege request nya.

 Iaaccept ko muna ang messege request nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hi!

Hindi ko alam ang isasagot ko. Hala kahapon pa pala tong chat na ito. Nakakahiya naman. Maya-maya pa ay may chat ulit. Sya nanaman, pero ito kakasend palang.

Ako nga pala si Franz,
yung nasa harapan
mo sa futness dance.

Kaya naman sumagot na ako. Ah, sya rin yung sa Gr. 9 - St. Francis na pwede ko dqw mahing escort.

Ah... si Mr. Snob? Haha!

Ha? Bakit naman snob?

Kasi naman 'sure' lang ang
nasabi mo noong una at
huli nating paguusap eh.

Oh? Wala yun kasi masama pakiramdam ko noon.


Tapos sa chat ang daldal mo

Madaldal naman talaga ako sa personal. Nahihiya lang akong kausapin ka kasi baka may magalit.

Sino naman magagalit?

Boyfriend mo...


Nakow! Mga galaaan mo ha! Walang magagalit kasi wala pa ako non at bawal pa!

Ah... ganoon ba! 😀


Oo, sya sige na pinapatulog
na ako ni mommy.


Sige good night!
Bukas nalang ulit.

I'll try, di kasi ako
masyadong nag-oonline eh.
Good night din.

Sabay off. Kahit na parang ayaw ko pang putulin, pero okay lang magkikita pa naman kami bukas eh. Kita nalang kami sa panaginip. Ay wait makapag-online ulit para maaccept ko muna friend request nya.

*

**

***

Franz

Di ko alam kung anong magiging reaction ko! Kasi sumagot na sya! Alam ko naman na maraming nagchachat at nag-aadd sa kanya pero nakita nya yung akin! Ayokong mag-asume baka masaktan nanaman ako. Pero ewan kinikilig ata ako! Oo, crush ko na nga ata sya!
May dahilan nanaman ako para umuwi ng maaga at mag-online. Pero dahil madalang daw syang mag-online kailangan kong maghintay at gabi-gabing umasa. Pero okay lang! Kasi sanay ako dyan! Masteral ko ata yan. Dahil sa dati kong ka-M.U. na si Jenny. Tagal kong naghintay tapos napunta sa wala.

Well mabalik kay miss beautiful muse, parang kakainin ko bga ang mga sinabi ko ah, pano ba naman na-fall na nga ako sa kanya. Handa naman akong umasa muli at maghintay wag lang sana ako muling sasaktan.

Di ko talaga makalimutan ang sinabi nyang "walang naman magagalit kasi wala naman ako non eh" kaso may pambawe "kasi bawal pa!" Medyo masakit sa tenga 'yun.

Ang aga naman nitong matulog, wala pa ngang 10 pm ah! Hay... okay lang sapat na naka-chat ko sya may dahilan na ako para pumasok bukas ng masaya. Teka lang wait! Ow! Aba naman inaccept nya na friend request ko! Nag-online ulit sya para lang iaccept ako!

Habang binabasa ko ang mga chat namin at inistalk ko ang profile nya napansin ko na 11:11 na pala mai-tweet kaya.

Habang binabasa ko ang mga chat namin at inistalk ko ang profile nya napansin ko na 11:11 na pala mai-tweet kaya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sana lang mag-work-out.

M.U.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon