Please read, enjoy, vote and share!!! Thank you!!!
***
Franz
Maingay na Umaga ang sumalubong sa'kin, muntik ko nang makaligtaan na ito na pala ang unang araw ng Intrams namin, well aaminin ko ito ang highlights ng high school life ko taun-taon, dahil wala laging klase at enjoy pa sa nga laro at bonding ng tropa. Pero iba ang taon na ito. May iba akong inaabangan.
Nag-umpisa ang intrams program sa isang parade, kung saan ay naka-P.E. uniform ang lahat kaya naman lutang na lutang ang kagandahan ng binibini na nakasakay sa likod ng kulay pulang pick-up. Nakasuot siya ng simpleng pulang fitted dress.
"Hoy! Naglalakad na tara!" Sigaw sakin ni Nico na may kasamang batok.
"Sa unahan daw tayo ng sasakyan" dagdag pa ni Leonard.
"Patay, di makakasilay si Franz nan!" Kantyaw ni Edison.
At naghagalpakan ng tawa ang lahat. Madaling nagsipuntahan din kami dahil baka mayari kami sa kalbong negro namin na si sir Manrico na nanlilisik nanaman ang mata. Kaya to napapanot eh... mainit nanaman ang ulo... kya nangingitim eh.
Ang hirap ng kalagayan ko ngayon, hirap kayang sumilay patalikod na di makikita ng mga kolokoy kong tropa. Lilingon palang ako eh nagsisigawan na sila. Siguro nakakahalata na ang mga kayear level namin at siguro naririnig narin sila ni Joyce. Hay! Bahala na! Loko kasi tong mga ito.
Matapos ang nakakapagod at napakainit na parade ay diretso ay diretso kami sa quadrangle para sa pageant. Kanya kanyang hiyawan ang bawat year level bilang suporta sa kani-kanilang representante. Di nagpatalo ang year namin aba! Malakas na sigawan at palakpakan ang umalingawngaw ng lumabas at ipakilala ang muse at escort namin. Isa ako sa mga malakas ang sigaw pero ng mapatingin ako sa kanya, parang may pumigil sakin mapasigaw at bumagal ang lahat sa paligid at wala akong ibang marinig kundi ang kabog ng dibdib ko. Ano ba tong nangyayari sakin, iba ang dating sakin ng kanyang ngiti habang suot niya ang kanyang sports wear na sadya namang bumagay sa kanya ang kulay pulang fitted na volleyball uniform habang may dalang bola.
Di ko maipaliwanag ang nangyari sakin para kong timang. Gutom lang ata ako. Kaya nagyaya muna ako bumili ng pagkain. Hinayaan namin na matapos na ang pageant bago kami bumalik.
"And the second runner up goes to... the juniors! Ms. Maria Thania Joyce Pamplona ng Gr. 9 pilot." Masayang anunsyo ng m.c. ng programa na sinundan ng hiyawan at palakpakan.
Maraming nagsasabing sya dapat ang nanalo, well kahit kasi simple lang ang damit na suot nya ay nagawa nya itong gawing kahanga-hanga ngunit siguro nga mamahalin at magagarbo ang damit ng iba at gaya ng sabi ng iba ay "pera daw lang ang labanan"
Joyce
Nakakapagod ang sumali talaga ng pageant, kaya pagkatapos na pagkatapos ng pageant ay nagpalit agad ako ng p.e. uniform ko pero di pa ko nag-alis ng make-up dahil mahirap mamaya nalang lunch break.
Paglabas ko ng room namin na ngayon ay head quarters ng gr. 9 or juniors. Kaya lahat ng section ay nandito. May isang pamilyar ako na naririnig sa may pintuan namin. Sabi ko na kilala ko yun eh, si Franz kasama ang mga tropa nya."Oy! Tabi kayo dyan dadaan ang muse natin" sigaw nito sa mga nasa pinto, parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Para king prinsesa na dumadaan.
"Ayan miss muse okay na po" malokong sabi nito sakin.
"Para tong timang, kapag yang mga yan napikon sayo baka mabugbog ka dyan"
"Ako pa? Huh? Baka sila bugbugin ko" medyo mahanging sagot nito pero ang cute ng dating nya na may pag flex pa ng kanyang arm muscle kahit payatot.
Nagulat ako ng alukin nya ko "pwede bang papicture? Remembrance lang?"
Kaya naman sumagot agad akon "Sure! Why not?" Iniabot nya yung cellphone sakin akala ko selfie sabay sabi.
"Anong gagawin mo? Picturan mo na ko!" Maloko nyang sabi sabay tawa. "Joke lang, to naman, tol picturan mo naman kami ng miss muse." Sabay abot nya ng cellphone sa kaibigan nya na natatawang picturan kami.
Pagkatapos namin magpapicture ay patuloy lang sya sa pagpapaalis ng mga natabi sakin at di nya pinapadaan sa malapit sakin ang mga ka-year namin. Nakatayo kasi ako sa may pinto dahil kitang-kita ang activities sa quadrangle. Ang kulit kulit nya, walang minuto na di ako napapangiti sa kanya.
Kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na maobserbahan at matitigan ang kanyang mukha. Mukhang maamo pero sobrang kulit at maloko.
"Miss muse, okay na maluwag na dito." Nginitian ko lang sya bilang pasasalamat. Cute din pala sya... makulit pa.Franz
Ito na! Papalabas na sya... lalakasan ko na loob ko, pagod na kong lokohin ng mga lokong to kaya ilalabas ko na ang kulit ko. Bahala na. Ayan na sya papalabas na!
"Oy! Tabi kayo dyan dadaan ang muse natin" bigla kong nasabi habang papalabas sya para mapansin nya agad ako.
"Ayan miss muse okay na po" Kinabahan ako ng bigla syang tumingin sakin, pero napawi ng napangiti sya sabay sabing.
"Para tong timang, kapag yang mga yan napikon sayo baka mabugbog ka dyan"
Syempre may pagkamayabang ako eh kaya sumagot agad ako na baka ako pa bumugbog sa mga yan. Kasi kaya ko naman eh, kaya kong pangatawanan ang sinabi ko kasi handa ako lagi makipag basag ulo.
Nilakasan ko na ang loob ko magpapicture sa kanya. Dinaan ko lahat sa biro sa kanya para di ako boring at para mapansin nya ko. Well sa tingin ko naman ay effective dahil di nawawala ang ngiti nya na nakakapag pasaya naman sakin. Minuminuto nag iisip ako ng banat para lang di patay ang ere, enjoy din ako sa ginagawa ko kasi nakikita kong masaya sya ... ewan ko ba na-eenergize ako kapag nakikita ko ang ngiti nya at naririnig ko ang tawa nya.
Parang ayaw ko na matapos ang araw na ito, gusto kong pigilan ang paglobog ng araw, ang paglipas ng oras para mas matagal ko pang masilayan ang ngiti nya sa labi at marinig ang mala musika niyang tawa.
Parang magiging maaga ang pag pasok ko bukas, ikalawang araw ng intrams, araw na ng fitness dance competition.
***
Author's note:
Pasensya na sa napakatagal na update ko! Promise sisipagan ko na lalo na ngayon mas marami na akong time! At mas marami nang readers!
Please read, enjoy, vote and share!!! Thank you!!!
BINABASA MO ANG
M.U.
Roman d'amourIto ay base sa totoong pangyayari. Ayon sa buhay ng isang teenager na nakaranas ng maraming M.U. sa buhay. Kelan kaya matatapos ang napakaraming M.U. nya sa buhay? Noong luma-lovelife pa ako (noong di pa ako masyadong bitter at naniniwala pa sa fore...