SRC FF 2: Chapter 1

8.7K 60 7
                                    

CHAPTER 1

"ANONG meron?"

Napatingin si Altair kay Lori na nakaupo sa tabihan ni Ji. He's wide brown eyes are staring in confusion at the three girls standing beside his cousin Frost.

Hindi na siya magtataka sa naging katanungan nito. Pagkatapos kasing sabihin ni Vergelyn ang plano nito sa kanila, nagpadala kaagad ng message si Frost sa iba pang members na naroon para magtipon ang mga ito sa music lounge.

"Ewan, basta ang sabi ni Frost magpunta dito...kaya andito ako."

Sagot ni Ji dito bago muling bumaling sa babaeng katabi nito at nagpa-cute. The girl shyly tucked a strand of her dyed blond hair behind her ears, her eyes never leaving Ji. And don't let him start at her way of speaking. Napailing na lang siya.

Ang mga pabebe nga naman.

"Huu!" pabagsak na ibinaba ni Jex ang plastic cup ng bubble tea na iniinom nito sa pagitan ng babae at ni Ji. "Ang sabihin mo may nakita kang maganda kaya nagmamadali kang pumasok dito. Pasalamat ka talaga at wala akong ka-date, dahil kung hindi..."

"Kung hindi ay ano?" naghahamong tanong ni Jong In.

"Eh di syempre sasama pa rin ako. Baka topakin pa si Frost kapag hindi ako sumipot."

Malakas na tumawa si Jex na sinabayan pa ni Ji na para bang isang biro ang sinabi nito. Napabuntong hininga ma lang siya, kahit kelan talaga hindi niya maabot ang wavelength ng utak ng mga ito. No matter how much he tried.

Before everyone arrived, nasa kalagitnaan ng isang importanteng pag-uusap sila ni Tito Shin. Lee Shin Yang is the founder and CEO of the entertainment agency that is handling their group. Kung may ibang tao man, bukod sa kanyang pamilya ang dapat makaalam ng kalagayan niya, si Tito Shin na iyon. So far, parents palang niya at si Tito Myco ang nakakaalam niyon. But he has this suspicion that Frost knew, being the son of the best information broker has its advantage afterall, and perhaps his brother Malcolm knew too.

He turned his attention in front, trying to find something that would help him forget his problem. At doon nakuha ni Vergelyn ang kanyang atensyon, she's still wearing that same purple tea dress from their dinner. Hinihiling niya sa kung sinumang nasa itaas na sana walang nakapansin, but during that dinner he really got so nervous that he couldn't even speak a word. At ng magtama ang kanilang mga mata, he felt breathless but not in a bad way. And since then, he couldn't take his eyes off her. He can't help but wonder why.

Maybe it's her eyes.

Vergelyn has this chocolate brown eyes, that one look from it just makes everything seems to stop. It looks kind and understanding but behind all that he saw loneliness and hurt in it. The eyes of a broken angel.

"And what's in it for us?"

After hearing those words nag-focus kaagad ang mga mata niya kay Hunter. Who is currently looking at his direction. And seeing him smiling like that alam na kaagad niya kung ano ang mga iniisip nito. And most of them were never good.

"I'm Hunter by the way. And these are Travis and Conner." dagdag pa nito sabay turo nito sa dalawang kapatid.

Hindi na niya magawang alisin ang kanyang tingin sa kinatatayuan ni Hunter especially when that smile is still plastered on his lips. Hanggang sa marinig niyang nag-salita si Vergelyn, kaya dito na naman nabaling ang kanyang atensiyon.

"Kailangan niyang may maipakilalang boyfriend sa parents niya."

"In exhange...we'll think of something," dagdag niya habang nakatingin pa rin sa tatlo. "That doesn't involve dating any of you."

STALLION RIDING CLUB FAN FICTION 2: Michael Alistair AllejeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon