Mr. Assumingero

98 3 0
                                    


Part I

T.O.P List number one - Dean Rale

"Huy ano tinitignan mo jan?!!"

"Kadiri may lumulutang bwiset! Tignan mo oh!" Sagot ko sa bestfriend ko na si Aya Carlos. Kasi naman nasa CR kami ngayon ng school nagtatago. Dito pa kami napadpad nakakaasar. Ang masaklap na parte, yung napasukan namin na cubicle e may lumulutang sa inidoro! Napakabaho bwiset yung gumamit hindi marunong mag flush! Inangyan!

"Edi kainin mo! Hahaha!" Banat netong kaibigan ko.

"Ikaw kainin mo! Yuck babuy mo magsalita!"

"Mamaya na kasi yan teh! Maya maya kapag lumitaw yang Mr. Assumingero mo mas malala ka pa sa lumulutang jan! Nako sinasabi ko sayo teh! Pasalamat ka saken nahatak pa kita."  Sabay irap niya sakin. Hindi ba siya nandidiri dito. Gaano ba kaimportante yung sasabihin niya para tiisin mag stay dito sa CR hays.

"Hahatakin mo na nga lang ako dito pa! Ano ba kasi yun?!" Hindi ko na matiis ang baho talaga! Itong kaibigan ko kasi bigla nalang nanghahatak! Ayaw naman magexplain. "At the first place bakit ba kasi natin tinataguan yang lalakeng yan ha?!"

"Teh kasi naman may binabalak siya sayo narinig ko!" Sabay sulyap si Aya sa labas ng CR. Pasimpleng binubuksan yung pinto. Akala mo undercover spy kuno.

"Ano ba yuunn ano ba yun ha?!! Matatapos na lunch break malilipasan nako ng gutom! Hindi mo pa kasi diretsuhin sabihin mo na kung ayaw mo aalis nako. Mukha tayong tanga dito oh!!! Tayo pa pagkakamalan umebs dito ituturo talaga kita sige ka!" Natatawa ako na naiinis.

Palagi kasi ganito itong bestfriend ko, palaging may naririnig na chismis tapos idadamay ako. This time hindi ko alam for what reason pero i think its not that important kaya binalewala ko.

Tinulak ko siya, tinulak niya din ako. Nagtawanan muna kami pero sabay din ako sumimangot sakanya dahil iniisip ko lokohan nalang 'to. Ayoko na magpaawat sakanya kaya naman naglakad nako palabas tuloy-tuloy patungong canteen. Inaasar niya lang siguro ako parang naglolokohan lang kami dun. Wala naman sigurong papatay sakin noh para magtago kami ng ganon. E hindi ko na matiis e. Masisisi mo ba ako.

"HOY TEH TEKA KASI--" Haynako ang labo netong kaibigan ko. Bla bla bla wala ako naririnig basta di ko na siya pinansin tinakpan ko nalang tenga ko. Gutom nako e nakasimangot nako e.

Naglakad ako patungo sa mga estudyanteng nagkakagulo sa hallway papuntang canteen. Hindi ko na narinig mga sunod na sinabi ni Aya ang tagal niya magexplain e. Mas mabagal pa sa math teacher namin na matanda na. Hays ginutom niya talaga ako pero ano ba meron? Bakit bigla nalang dumami ang mga estudyante sa paligid suspended na ba lahat ng klase or may artista? Artista shet!

Sasabihin ko sana kay Aya kaso pag lingon ko sa likod ko wala siya di ko na siya namalayan bigla kasing dumami mga estudyante e ittext ko na nga lang siya bahala na bibili muna ako ng pagkain mukhang may event na gaganapin sa school. Nakakainis hindi pa siya sumunod sakin titiisin niya talaga yung tae dun e. Napakamot nalang ako ng ulo.

"A-Aziel.."

"Huy si Aziel Remos yun diba?"

"Oo siya nga.."

Bulongan here. Bulongan there.

That One PersonWhere stories live. Discover now