Part III.
Ngayon yata ang isa sa pinaka masayang araw ko dahil..
Unang una, fieldtrip namin! At pupunta kami sa beach whoo!
Pangalawa, goodbye bitches sa school dahil hindi ko sila makikita ngayong araw! Woohoooo! Day off ko muna sainyo mga kontrabida. Ang sarap sa feeling kasi nakakaumay mga mukha nila sa tuwing tititigan nila ako ng masama dahil naiinggit sila na si "Dean Rale my loves DAW" nila may gusto sakin. Ilang linggo na din kasi ang nakalipas at nakikita nilang kinukulit padin ako ni Dean and parang walang nangyari. Nagsorry na din ako sakanya at naintindihan naman daw niya. Kung nakakamatay lang ang mga tingin nila, wala na ako sa planet earth ngayon.
Pangatlo, no more dramas muna for Dean Rale! Dahil higher batch siya at wala silang fieldtrip ngayon. Nakasched sila for other days. Kaya focus muna siya sa bitches niya na nangungulit sakanya na sana isang araw mapansin sila ni Dean. At least matatahimik na muna ako. (Pero deep inside parang namimiss ko siya)
Bow, ang saya ko lang.
🎶 This is gonna be the best day of my liiiife! My l-l-liiife! 🎶
Yan ang kantang tumutugtog sa cellphone ni Luna Fortalejo (hashtag bestfriend number two) habang nakaupo kami sa bus at parang mga baliw kami na sumasayaw at sinasabayan yung tugtog. Nasa bandang malapit ako sa bintana nakaupo. Katabi ko si Aya Carlos. Tapos katabi niya sa dulo ay si Luna. Kung baliw kasama si Aya aba mas baliw pa 'tong isang to! Kaya kami naging close tatlo dahil kasali kami sa isang football club at hilig namin maglaro ng Soccer although nagaaral kami sa iisang school. Dun nagumpisa ang kabaliwan naming magkakaibigan. Si Luna nga lang ang pinaka active samin at masasabi mong athletic siya sa sobrang hilig niya sa sports lalo na sa soccer kaya minsan si Aya lang nakakasama ko kasi nga busy siya. Yun din ang rason kung bakit tanned ang skin niya.
"Hala ang liligalig nanaman ninyong tatlo eh!" Sita saamin ng president ng classroom namin na si Natalia Gorahe, isang napaka strikto at seryosong babae at parang iisa lang ang expression sa mukha niya all the time akala mo manika sa sobrang puti. Gusto niya kasi tahimik yung mga nakasakay sa bus kaso maingay talaga lahat.
"Hoy kung hindi dahil saming tatlo boring 'tong bus na to sa pagmumukha mo!" Sagot ni Luna sakanya. Usually silang dalawa ang palaging magkaaway. Hindi ko alam kung bakit. Pero hate at first sight sila since kinder palang. Palagi silang naiirita sa isa't isa.
"Aba akala mo naman kung sino ka, Fortalejo! Ako ang president ng classroom kaya dapat nirerespeto mo ako!" Namumulang sabi ni Natalia habang nagtitimpi ito ng galit pero nageenjoy lang itong kaibigan ko na asarin siya.
"Akala mo naman presidente ka ng buong pilipinas, Gorahe. Edi sayo na manigas ka dyan!" Sabay tawa netong baliw ko na kaibigan na si Luna.
Hanggang sa nagpatuloy pa ang alitan nila sa isa't isa. Napunta pa nga sa outer space yung topic nila eh kakaaway nila. Basta ako nageenjoy ako ngayon sa view, lalo na sa away nila. Lols! Mga ilang minuto dumating na kami sa venue at huminto na ang bus. Sa sobrang excited ko nag ayos na ako ng mga gamit ko.
"Nandito na tayo sa Bitch'o Paraiso."
Napasimangot nalang ako sa sinabi ng teacher namin nakakapagtaka anong klaseng dagat yan takte! "HAHAHA BITCH'O TALAGA?! As in BITCH?!" Sigaw ni Luna habang ineexaggerate ang salitang bitch sa bus at napatingin sakanya mga kaklase ko. "Huy teh ang ingay mo hahaha pero natawa ako dun ah! Hahaha!" Ang sagot naman ni Aya kay Luna tapos tumingin sila sa akin na parang nangaasar. Mukhang ayaw talaga ako tigilan ng salitang bitch na yan sinusundan ako kahit saan.
YOU ARE READING
That One Person
Teen FictionHave you ever wonder.. What it feels like living in a dream. Where you could just enjoy a person's company where you could talk about a lot of things not caring about the world cause its just between the two of you. Have nonstop conversations.. Fun...