Lasagña Bolognese

48 0 3
                                    

Part II

"Gumising ka na sa bangungot moooo... Pero sorry nagyari talaga ang lahat kahapooon.."

Mga salitang nag e-echo sa utak ko.

Nananaginip ako at paulit-ulit padin nag re-replay sa panaginip ko ang mga nangyari kahapon. Bangungot talaga siya

Blink blink..

Haynako inaantok pako at ang sakit ng ulo ko. Anong oras na ba? Nasan na ba yung kumot ko? Bwiset sinubukan ko ikapa yung kama kaso may naramdaman akong gumalaw. May katabi yata ako? Hmmm.

May katabi ako?!

"Uyy ang ingay mo naman! Natutulog ako e!" Nakatakip siya ng kumot habang naiinis.

"Wow ah parang kwarto mo ah!" Sagot ko sakanya. Sa tono palang ng boses niya alam ko nang pinsan ko yun na si Neia Remos. Nakikitulog siya minsan dito kasi parang kapatid ko na din siya. Kaso hindi ko alam pano siya nakapasok dito ng hindi ko alam.
"Pano ka nakapasok dito huy?"

"Hmm.. Sa bintana.." Tinatamad niyang sabi. Oo nga pala may daanan siya sa bintana ko. Kulang nalang mag akyat bahay siya para magamit niya talent niya e. "Birthday ko ngayon insan. Regalo ko?" Dagdag niya.

"Wala akong regalo noh. Birthday mo kaya ililibre moko. Atsaka diba dapat nandun ka sa inyo. Hindi ka ba hinahanap."

"Sus! Hindi e. Kahapon kami nagcelebrate ng family kasi busy sila today. Tapos galing ako party may hangover pako. Kaya dito muna ako ah? At pwede ba, matutulog nako ulit." Sabay takip niya ng unan sa ulo niya kaya pala wala akong unan kanina badtrip. "Atsaka batiin mo naman ako."

"Happy Birthday sayo. Libre moko." Tumayo nako sa kama at nagayos ng gamit sa school. Napadaan ako sa salamin kaya tinitigan ko sarili ko. Naisip ko lang. Bakit kaya baliw na baliw sakin si Dean Rale? Hindi parin ako maka get over sa nangyari kahapon lang. Sakto lang naman yung itsura ko di naman ako ganon kaganda compared sa ibang babae sa school. Morena ako, matangkad, at simple lang magayos pero marunong naman pumorma. At isa pa, umayaw ako sakanya kahit ang pogi niya dahil pakiramdam ko hindi naman ako naffall sakanya at makakahanap naman kagad siya ng ibang babae. At the same time parang naaawa ako sakanya, dahil sa harap ng madaming studyante na turn down ko siya. Iniisip siguro ngayon ng iba na feelingera ako. Na ganun-ganun ko nalang tratuhin yung Dean Rale nila.

"Hays wag mo na titigan sarili mo sa salamin, mas maganda ako sayo hahaha!" Sabay banat netong pinsan kong nakatingin sakin habang nakangiti na parang kanina niya pa ako pinagmamasdan.

"Pagbibigyan kita ngayon kasi birthday mo." Banat ko sakanya.

"Thank you mamaya na yung piso mo." Nginitian ko lang siya sa sinabi niya tapos nagayos nako ng gamit sa school. Mahilig kami magasaran ng pinsan ko mas matanda lang ako sakanya ng isang taon. 19 nako at 18 na siya pero mas mahilig pa siya gumimik kesa sakin. Maputi rin siya at maganda. "Ate maganda ka naman pero sadyang mas maganda lang ako."

"Hindi ako nagagandahan sa sarili ko."

"Pero madaming nagagandahan sayo. Isa na dun si Dean aruuuuuuuuuuy!"

"Maliligo nako whatever haha."

"Magready kana kakain tayo sa labas nagugutom ako. Treat kita. May kapalit nga lang."

"Ano yun?"

"Marami kang ikekwento sakin at sasagutin mo lahat ng tanong ko."

"Oo na sige na dami mo alam." Pumasok nako sa CR at naligo. Si Neia palagi ang napagkwekwentuhan ko sa lahat ng bagay. Lalo na kapag may nagkakagusto sakin nalalaman niya kagad yun na para bang may extra sense siya. Ganun din ako sakanya. Kaya normal na sakin yun kung may mga tanong siya o pagdududa. Parehas din kami ng school na pinapasukan, sa Britton Academy. Madalang nga lang kami magkita dun dahil magkaiba naman kami ng batch at schedule.

That One PersonWhere stories live. Discover now