Next day
Mystery parin para sa akin kung sino ba talaga yung nagtext kagabi. Miss niya na daw ako? Baka wrong send lang yun. Bahala na.
Nandito nanaman ako sa school library.
Define Library;
1. Ang tambayan ko tuwing cutting ako.
2. Nagsosolo tuwing absent si Aya at Luna.Pero nandito ako dahil pinaalis ako ng english teacher ko sa klase niya. Bait ko noh?
Yung isa ko kasing classmate na babae na si Chloe Matrez ang kupal kinukulit ako, hinihila-hila niya yung uniform ko sa bandang likuran tapos tumatawa-tawa pa sila ng mga kaibigan niyang mala-surot na nakakairita trip kasi nila akong i-bully. Sa sobrang pikon ko sa mga loka, tumayo ako at pumunit ako ng isang papel sa notebook ko at pinakain ko ito sakanya, kay Chloe. Madalas man ako ma-bully pero palaban din ako.
Sa ginawa kong iyon napagalitan ako ng teacher at nasigawan ako ng malakas. Buti nalang hindi ako pinapunta sa guidance office.
Nakakaasar lang talaga. Wala akong ibang mapuntahan kundi ang library. Ang library nalang ang siyang nakikiramay sakin.. Drama ampotek. Atleast dito aircon pa pero di ka pwede matulog kasi pag natulog ka, papalabasin ka. Ilan beses na din nangyari sakin na masita dito kasi paminsan nagdadala ako ng pagkain sa loob hahaha!
Anyway, naghahanap ako ng libro na pasamantalang babasahin ko para bumilis ang oras. Kumuha lang ako ng kahit anong mabunot ko sa shelf at umupo na.
Nakatitig lang ako sa isang page habang kunwaring nagbabasa kasi parang tinamad nako umpisahan yung kwento sa libro nang mapansin kong may mga nagtatawanan. Akala ko ako nanaman ang pinagchichismisan pero sa iba sila nakatingin.
May isang student sa harap ko na nakaupo sa kabilang table at nakatalikod siya sa akin. Mukhang may nirereview siya sa notebook niya habang nakasuot siya ng headset at pasimpleng nag h-head bang sa kung ano mang tugtog na pinapakinggan niya.
Pero napansin kong may nakadikit na note sa likod niya. Sinubukan ko itong basahin dahan-dahan.
Huwag tularan dahil pusher ako.
Medyo natawa ako sa nakasulat ang engot lang halatang may nangtrip sakanya at pinagtatawanan siya ng mga studyanteng dumadaan at nakakabasa nito hahaha! Sino ba namang hindi mangaasar sakanya e mga pormahan niya mala-emo. Naka uniform nga pero naka black leather jacket siya na may design na skull sa likod. Tapos yung bag niyang itim na may simbolo na hindi ko maintindihan illuminati yata yun e. Lahat itim pati headset. Ang hindi ko lang makita yung mukha niya kasi nakatalikod siya pero medyo long hair siya parang kpop style and may tattoo siya sa gilid ng neck niya sa ilalim ng tenga.
Pagkatapos ng ilang minuto kong pagmamasdan sa likod niya, may babaeng lumapit sakanya at may binigay na papel. Ano kaya nakasulat dun? Hmm. Tinanggap naman nito ni Mr. Pusher at binuklat niya yung papel na iyon at tinignan kung ano ang nakasulat doon.
Ilang segundo lang tumayo siya kagad at pasimpleng lumingon-lingon sa paligid habang nakasimangot.
Nakapa niya ng kanang kamay niya yung note na nakadikit sa likuran niya at tinanggal ito. Mukhang pinunit niya pa ito sa sobrang galit nung nabasa niya ano ang nakalagay dun na pusher daw siya. Sino kayang loko loko ang naglagay nun?
Sa nakikita ko palang sobrang natatawa na ako dahil hindi lang siya asar, sobrang galit pa! To the point na anytime parang makakapatay na siya ng tao haha! This time nakikita ko na ang mukha niya. Nakakatakot pala talaga siya tignan lalo na nakasuot pa siya ng itim na hoodie jacket na parang pang holdaper. Tas mala-emo yung side bangs niya. Kulang nalang mag eyeliner siya e para kamukha niya na si Adam Sandler hahaha masungit ang mukha ng lalakeng to! Pero inferness may itsura at malakas ang sex appeal.
YOU ARE READING
That One Person
Teen FictionHave you ever wonder.. What it feels like living in a dream. Where you could just enjoy a person's company where you could talk about a lot of things not caring about the world cause its just between the two of you. Have nonstop conversations.. Fun...