Limang magkakaibigan ang nagpunta sa isang lumang simenteryo dahil sa pagnanais na makita umano ang libingan ng isang mangkukulam.
Narinig nila ang kwento sa mga matatanda na naguusap sa harap ng tindahan isang araw at para sa katuwaan ay naisipan nilang puntahan ito.
Nang makarating sa nasabing sementeryo ay nakita nila ang hinahanap.
Ang libingan na iyon ay hindi maayos, mabaho at napapa-libutan ng maraming basura.
Si Jake, isa sa magka-kabarkada ay naupo sa ibabaw niyon at sinabi, “Ano kaya nangyari sa matanda na ito? Sinunog kaya siya dahil sa pagiging mangkukulam?” tanong nito sa mga kaibigan at dumura sa libingan.
Nagtawanan naman ang iba at sabi ni Hanna, “Baka, ang sabi kasi nila pag panget daw noon, sinusunog agad eh”
“Hay nako, siguradong maraming nakulam yang matanda na yan” sabi naman ni Jeffrey at sinipa ang libingan.
Habang nagkukuwentuhan ay nilalait rin nila ang inakalang mangkukulam.
Pagkatapos ay nangkwento si Kenneth, “Alam niyo ba, sabi ng lola ko na pumanaw last year na ang mangkukulam daw na ito ay madalas nagpapakita tuwing araw ng mga patay dahil mismong araw na iyon ang kanyang kamatayan. Sinasabing sa kanyang mga huling sandali ay mayroon siyang sumpang iniwan, na ang lahat ng makakarinig ng kwento na ito, na sinasabing siya ay mangkukulam, mamamatay.”
“Hay nako, bat magpa-paniwala ka sa mga ganyan” sabi naman ni Linda.
“Abnormal ka talaga” sabi naman ni Julia.
Pagkatapos noon ay umuwi na sila.
Makalipas ang ilang araw ay nabalitaan ng magka-kaibigan ang pagkamatay ni Jake. Napakabata pa nito at walang mag-aakala na mamatay ito agad.
Pagkatapos ng ilang araw ay sumunod na namatay si Hanna, pagkatapos ay si Jeffrey, si Kenneth, Linda at ang pinakahuli ay si Julia.
Walang nakakaalam kung ano ang dahilan ng kanilang pagkamatay pero iisa lamang ang maaring dahilan.
Ang kwento na kanilang narinig.
Ngayon… sino ang susunod?
BINABASA MO ANG
Short Horror Stories (Completed)
HorrorA compilation of short horror stories. *Be reminded that this story isn't edited yet* (TAGLISH)
