Madilim na at siguradong naliligaw na ako. Sabi na at hindi na dapat ako tumuloy sa party na yon, tiyak na maliligaw lang ako pauwi.
Asar na hinampas ko ang manibela dahil wala rin akong nakain. Hindi ko alam na vegetarian pala yung celebrant.
Napahinto ako sa pagda-drive nang bigla akong may nabangga. Napamura ako ng mahina at lumabas ng kotse. Wala man lang light posts dito, napakadilim. Napagtanto ko na sign board pala ang aking nabangga nang ilawan ko ito gamit ang aking cellphone.
Nang tumingin ako sa kabilang parte ng kalsada ay saka ko lang napansin na mayroong kalinderya.
I don't remember seeing it earlier, though.
Nang dahil sa pagod at gutom ay napagpasyahan kong pumasok dito. Napansin kong madaming abandonadong sasakyan na naka-park sa harap nito.
Hindi ko ito binigyan ng pansin at tumuloy sa loob. Sa aking pagpasok ay namataan ko agad ang isang matandang babae na naghihiwa ng mga karne.
"Manang" tawag ko sa kanya at lumingon siya saakin.
"Gutom kaba, hijo?" tanong agad nito kahit na wala pa akong sinasabi.
"Ah, opo, pero may banyo po ba dito?" tanong ko ulit at tumingin sa paligid.
Tinuro niya na nasa kanang bahagi daw ito kaya naman nagpunta ako doon. Habang papunta sa banyo ay napansin kong may isang kwartong nakabukas kaya naman lumapit ako dito at sumilip.
Ganon na lamang ang gulat ko nang ang makita ko sa loob ay hindi mga ordinaryong bagay ngunit mga bangkay. Madami...
Napatakip ako sa aking ilong dahil sa masangsang na amoy. Mabilis akong tumakbo palabas pero sa pagtalikod ko ay nandoon na ang matanda at may hawak na machete.
"Makakakain na naman ako ng masarap ngayon..."
BINABASA MO ANG
Short Horror Stories (Completed)
TerrorA compilation of short horror stories. *Be reminded that this story isn't edited yet* (TAGLISH)
