Kakatapos lang ng part-time job ko at palabas na ko ngayon sa restaurant. Alas onse na at hindi pa ko nakakauwi. Siguradong nag-aalala na sila nanay niyan.
Habang nag-aabang ng jeep ay umupo muna ako sa may bench malapit sa aking kinatatayuan. After 5 minutes ay dumaan na ito. Mabilis akong tumayo at sumakay.
Nagtaka ko nang lima lang ang sakay ng jeep. Umupo ako malapit sa babaan at umidlip.
Naalimpungatan ako nang maramdaman ko na hindi patag ang aming dinadaanan. Dahil doon ay napagtanto ko na hindi ito ang daan pauwi sa amin. Nagtaka rin ako kung bakit napunta ko sa pinakadulong pwesto ng jeep.
"Nasan tayo?" tanong ko pero walang sumagot sa kanila.
I started to feel scared kaya naman tumingin ako sa mga pasahero, tiningnan ko sila ng maiigi and then something crossed my mind...
"News report: May isang jeep na natagpuan sa isang liblib na lugar. Natagpuan ang anim na bangkay sa loob nito kabilang na ang driver. Wala pang leads kung sino ang may kagagawan ng krimen na ito pero narito ang mga pangalan ng mga biktima..."
Pagkatapos non ay isa-isang pinakita ang kanilang mga litrato.
Ang kanilang mga litrato ay katugma ng mga pasahero sa jeep na sinasakyan ko ngayon...
Bumilis ang tibok ng aking puso at nagulat ako nang may biglang sumampa sa loob nang jeep. Isa itong mama na may dalang baril.
"Ikaw pala ang magiging bagong pasahero"
******
Lenny's POV
It was 11:40 pm at naghihintay ako ng jeep pauwi. At exactly 11:45 pm, may dumating na jeep.
Mabilis akong sumakay sa loob dahil sa lamig. Nagtaka ko kung bakit pito lang ang pasahero na nakasakay.
BINABASA MO ANG
Short Horror Stories (Completed)
HorrorA compilation of short horror stories. *Be reminded that this story isn't edited yet* (TAGLISH)
