Chapter 5:Stuck on You

32 2 0
                                    

Yess! Sa wakas nahalikan ko na si Iza! Matagal ko siya hinalikan, pero parang ok lang sa kanya.

Pero pagkatapos ko siya halikan,medyo naging awkward. Nahiya ako at nag-blush, at pati siya nag-blush. 

"Uhmm... Iza... a..." -me

"Uhmm. Tara merienda na tayo :>" -Iza

"Uhh... SIge :)"

"Tara kahit fishball nalang, ayun o"

Kumain kami at, natuwa ako sa kanya. Hindi naman pala siya ganun kaarte. Kumakain rin pala siya ng street foods.

"Pati rin pala sa street food matakaw ka" -me

"Grabe ka! Matakaw talaga. E ikaw nga, ang dami mo nang nakain na fishball at kwek-kwek" -Iza

"Sorry naman. Kagutom e" 

"Hahaha! Kumain ka na nga lang"

Ang ingay namin sa may stall ng fishball. Parang kami lang tao doon, pero yung totoo maraming tao na nandoon. Medyo nakakahiya, pinagtitinginan na kami, pero wala akong paki kasi si Iza kasama ko kaya nawawala hiya ko.

"Uy Iza ang ingay natin...Hehehe" -me

"Ay oo nga. Kulit mo kasi e" -Iza

"Tara uwi na tayo. Sabi ng mama mo wag mag pagabi. Anong oras na o mag-gagabi na"

"Ang sunurin mo a. Sige na nga. Tara"

Umuwi na kami at sumakay kami ng bus. Medyo napa layo na kami e. At habang nasa bus, nakatulog siya. Napasandal siya sa balikat ko. Ako pilit kong di makatulog kasi baka lumampas kami. E wala e, pagod din ako kaya nakatulog din ako. Buti nalang sumigaw yung driver.

"O may baba ba dito?" -Driver

Sakto doon na kami baba.

"Boss saglit lang boss"- me

"Iza gising na dito na tayo"- me

"uhh sige" -Iza

Bumaba na kami at talagang antok na siya, pero malapit na kami sa bahay niya.

"Dan antok na talaga ako" -Iza

"Uhmm... sakay ka sa likod ko. Tulog ka muna" -Dan

"Sige salamat"

Dumating kami sa bahay niya at hinatid ko nanaman siya sa kwarto niya. Naglagay ako ulit ng paper rose.  At pagkatapos nun umuwi narin ako.

Iza's POV

I woke up and another paper rose was at my table. I'm really getting curious about this paper rose. Sino ba naglalagay neto.  Ay bahala na mag breakfast nalang muna ako. 

Pagkatapos ko mag breakfast, bumalik ako sa kwarto ko. Wala ako magawa ngayon, hindi ako sanay ng ganito. Hindi naman nag-yaya si Dan o kahit sino sa tropa niya. Naisip ko na ako naman magyaya. Pero san naman kami punta? Hayys... Dito na lang kaya sa bahay. Oo nga dito nalang. Ano naman gagawin namin? Ay bahala na, makakaisip naman kami ng gagawin pag nandito na sila. So tinawagan ko si Rae.

"Hello Rae?" -Iza

"O Iza, ano meron?"-me

"Uhmm... may gagawin ka ba ngayon?"

"Uhhhmm... Wala naman. Nakaktamad nga dito sa bahay e"

"Ano kasi e, boring dito sa bahay. Walang magawa dito. Yayain ko sana kayo dito sa bahay e."

"Ano gagawin natin diyan?"

"Yun nga e"

"Sige yayain ko na lang yung iba, baka pag nandiyan na kami makaisip tayo ng gagawin"

Paper RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon