Chapter 11: Amnesia

14 0 0
                                    

Dan's POV

After our last conversation, busy nanaman ang schedule ko sa school. Ang daming ginagawa. Nakaka tamad na nga e. 

At sa situation namin ni Kathleen, hindi na kami ganun ka close simula noong makita niya si Iza. Ok na rin yun para stick ako kay Iza.

Ngayong last year ko na ito for college, malapit na ako maka uwi sa Philippines. Mabilis lang naman ang years of study ko dito kasi naman yung course ko buisness management. 

Pagkatapos ng lahat ng paghihirap sa school...Summer na! Yehey! 

Plano kong pumunta muna sa pinas para bisitahin ko si Iza. Miss na miss ko na siya! Kay inayos ko na kaagad ang mga gamit ko at nag pa book na ng flight. After a day aalis na ako dito sa Canada. At baka pagka-graduate ko ng college, papakasalan ko na si Iza. Excited much? Hahaha!

Kinabukasan nagyaya mga roommates ko na mag party, aalis na kasi  ako e. At baka hindi na nila ako makita ulit. 

E ako naman medyo party pooper. Sila umiinom ako nuod lang sa kanila. Pero si Kathleen hindi siya nakikisali sa ibang roommates ko, kaya nilapitan ko siya.

" Hey." -me

"Oh... hey"

"Bakit parang ang tamlay mo? May sakit ka ba?"

"Wala... E kasi aalis ka na e"

"E ano naman kung aalis na ako. Dapat nga ikaw rin umuwi ka na rin sa Pilipinas e"

"E gusto ko na rin dito e. At mas lalo kong nagustuhan dito noong dumating ka"

"Aaahh... Ganun ba? E sa Pilipinas ang buhay ko e. At nanduon ang pinaka mamahal ko"

"Dan maaminin na ako sa'yo"

"Ano yun?"

"May gusto ako sa'yo"

"Aah... Talaga? E kasi Kath... Si Iza ang mahal ko talaga e. At pagnaka tapos na ako, plano kong pakasalan siya"

Hindi na umimik si Kath at bigla na lang siyang pumunta sa kwarto niya. Wala akong magagawa, si Iza na talaga e.

Maaga akong pumunta sa airport. Naiwan na muna sina Daddy at Mommy. Buti nalang pumapayag sila sa mga desisyon ko. 

Mga ilang oras ang lumipas... Hello Philippines! And Hello Iza!

Medyo may jetlag pa ako kaya nag-stay muna ako sa isang hotel. At bukas na ako pupunta sa bahay ng magulang ko. Wala naman nakatira doon kaya ako muna ang titira doon. At maghahanap pa ako ng trabaho dito sa Pilipinas. 

Hindi ko papala nasasabi kay Iza na nakauwi na ako. Pero pwede naman yun ipagpabukas. 

Kinabukasan plano kong puntahan si Iza. Kaya excited na akong makita siya ulit. Wala pa akong kotse ngayon pero may plano akong bumili, yung mura lang. Kaya nag taxi muna ako papunta sa kanila. 

Medyo mabilis magpatakbo yung driver, kaya sinabihan ko siya na dahan-dahan lang. Nakinig naman yung driver kaya medyo nakahinga ako kaonti. Tinawagan ko si Iza.

"Hello Iza"

"Dan?!"

"Babe dito na ako sa Pilipinas, papunta rin ako sa inyo" Napatili siya, kaya inalis ko muna sa tenga ko yung phone. Sakit sa tenga e.

"Talaga Babe?! Saan ka na ngayon. Aabangan kita"

"Kita nalang tayo diyan sa bahay mo. Para hindi ka mahirapan'

"Ok babe! Love you! Haayy grabe! Miss na talaga kita!"

"Sige babe! Malapit na ako sa inyo"

"Sige babe aantayin kita"

Binaba ko na yung phone. Noong malapit na ako sa bahay nina Iza nakita ko na siya sa kabilang kalsada. Kaya bumaba na ako. Nang makita niya na ako, tinawid niya kaagad yung kalsada na hindi tumitingin kung may kotseng dadaan. Nang nasa gitna na siya, may kotseng humaharurot. Napaka bilis ng pangyayari. Nasagasaan si Iza! Pumunta ako kaagad kay Iza, yung ulo siya dumudugo. Binuhat ko siya kaagad at bumalik sa taxi. Dinala ko siya kaagad sa pinaka malapit na ospital. 

Kung kaylan naman bumalik pa ako doon pa may masamang pangyayari. 

Sa ospital, yung mga doktor hinarangan ako. Sila na daw bahala kay Iza; gagawin daw nila ang lahat.

Pagkatapos ng ilang mga minuto, lumabas na ulit ang doktor.

"Sir kaano-ano mo ba si Miss Iza Tan?" -Doctor

"Doc boyfriend niya po ako" kinakabahang sinabi ko.

"Ah ganun ba? Kailangan ma-inform ang kanyang mga magulang" 

"Doc, ano pong meron kay Iza?"

"Nagkaroon siya ng Amnesia. Sa lakas ng pagkabangga sa kanya bumagsak ang ulo niya rin sa sahig ng medyo malakas. At may kaonting damage siya sa katawan, maagapan rin naman ito"

"Doc yung amnesia po ba niya permanent?"

"Hindi naman, temporary lamang ito. Pwede mo siya matulungan na maalala ang mga memories niyo at pamilya niya"

"Doc pwede po ba siya makita?"

"Sure, pero hanggang ngayon tulog pa siya"

"Sige po Doc tatawagan ko na rin po ang magulang niya"

"Sige maiwan na kita"

"Salamat po Doc"

Pumasok na ako sa room ni Iza. Kawawa naman si Babe. Habang nasa room, tinawagan ko na yung parents niya.

" Hello Tita" -me

"Hello... Dan? Dan ikaw ba yan?"

"Opo tita"

"O kamusta ka? Kailan ka pa dumating?"

"Ok lang po ako, kahapon pa po ako dumating..."

"Aahh.. ganun ba? Kamusta si Iza. Sabi niya pupuntahan mo daw siya dito sa bahay"

"Yun nga po e. May problema po"

"Ano yun?" Medyo tumaas yung boses nit tita.

" Si Iza po kasi na aksidente"

"Ano?"

At yun kinuwento ko yung nangyari. Syempre nag-woworry si Tita. Kaya sinabi ko sa kanya kung saang ospital si Iza. 

"Sige Dan, punta na kami diyan. Salamat sa pagalaga kay Iza"

"Sige po tita ingat po kayo"

Lumapit ako kay Iza habang siya'y naka higa. Hinawakan ko ang kanyang kamay. Bakit naman kasi ang malas ng arawa na ito. Pero lilipas din yan. Magsisimula kami ulit. 

Dumating na sina tita, at nilapitan nila si Iza at niyakap nila ito. Tingin ko tuloy ako ang may kasalanan.

"Tita, tito... Sorry po"

"Dan... wala kang kasalanan" Niyakap ako ni Tita at nagpasalamat. Si tito naman ay tinap ako sa likod ko at nagpasalamat din.

 Masaya ako na, grateful sila sa aking kabaitan.

Hinatid ko sila sa bahay nila dahil pumayag na ang doktor na makauwi na si Iza at ako naman ay umuwi na sa bahay ko.

Lagi kong binibisita si Iza, para sure ang kanyang pag galing.

Lumipas ang mga araw, gumagaling na ang mga sugat at sakit sa katawan. Pero yung memories ni Iza, hindi pa masyado bumabalik. Ang maganda, unti-unti na ito bumabalik.

[sorry po sa late update. Wala akong idea e, ngayon lang nakaisip. Hehehe. Continue reading po at please vote. Thaaaanks

Paper RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon