Chapter 10: Long Distance

9 0 0
                                    

Dan's POV

Grabe ang ganda dito sa Canada. Ang lamig at maraming magagandang pasyalan. 

Napaka bilis din ng araw, kasi mag third year college na ako. Malapit na ako makatapos ng pag-aaral. Pero hindi ko masyadong nakakausap si Iza. Minsan lang kami magkausap at mabilisan lang. Hindi rin ako maka uwi sa Pilipinas every summer kasi hindi pumapayag magulang ko. Namimiss ko na siya. 

Hindi ko maiwasang magisip na baka, nagte-take advantage na si Ian ulit sa kanya. Pero ayaw ko nang isipin 'yon. Dapat laging positive. 

Meron tinanatawag dito na spring break. Parang siyang sembreak sa Pilipinas. Medyo mas matagal lang ito dahil more than two weeks. Kaya free ako sa lahat ng ka-busyhan.

Sa dorm ako nagste-stay. May tatlo akong room mates. Isang Canadian, isang Filipino at yung isa Amerikano. Dalawa kaming lalaki dito at dalawa rin ang babae. Yung pangalan nung amerikano, Rex. Yung Canadian naman Dianne, at yung Filipina Kathleen.

Yung dalawang babae magaganda. Sobra! Crush ko nga sila e. Pero si Iza pa rin lalabs ko, Hehehe.. Si Rex parang si Franc, bestfriend ko siya dito. Yun lang medyo nose bleed kami ni Kathleen kapag kausap namin sila. Buti nalang medyo nase-save ako ni Kathleen.

Eto yung hindi ko maintindihan e. Medyo naiinlove ako kay Kathleen. Close na close kami as in. Parang kami na. Naiisip ko rin kung paano si Iza. Mahal ko rin siya. Naguguluhan talaga ako. Sa tagal ko dito sa Canada ang dami ko naring na kikilala at nagiging kaibigan. Yun lang hindi kasing dami nung nasa Pilipinas.

 Dahil spring break pa rin ngayon wala magawa. Naisip ko na baka online si Iza at baka pwede ko siya tawagin. Kaya binuksan ko yung laptop ko at nag-open ng facebook. Buti na lang online siya. Pero umaga ngayon at sa Pilipinas gabi. Baka matutulog na siya. Pero gusto ko siya makausap talaga kahit chat lang.

"Izaa!"

...

...

...

Matagal siya naka pag reply. At natawa ako sa sinabi niya, ewan ko lang kung bakit.

"UI DAAANN KO!!! HIMALA! Buti naman buhay ka pa. Ang tagal nating hindi nakapag usap a. At sabi mo every summer babalik ka dito sa Pilipinas! Asan ka ba?! Umaasa pa naman ako na magkikita tayo ulit, kahot sandali lang. Namimiss na kita Dj. Baka may iba ka na a. Maraming maganda diyan sa Canada"

"Sorry Iza a hindi ko natupad yung promise ko. Wala pa kaming pera para maka balik ako diyan. Namimiss na rin kita. Miss na miss na miss kita! Sorry talaga a. Pero wala akong iba ha. Ikaw pa rin!"

"Aaaahh... Ok lang Dj ko. Naiintindihan naman kita. Siguraduhin mo lang na wala a. E crush meron ka no?"

"Thaannks Iza! Uhhmmm... sasabihin ko lang yung totoo a"

"O ano yun?"

"Meron akong crush dito. Roommate ko rin siya. Pero promise crush lang wala pa masyadong love"

"Anong ibigsabihin ng 'wala PA masyadong love' bakit parang may plano kang mainlove sa kanya?"

"Ay wala a! Ikaw pa rin love ko. Siya crush lang naman e. E ikaw girlfriend pa rin naman kita di ba?"

"O sige. Ano ba pangalan nang babaeng yan?"

"Uhmm.. Kathleen"

"Sige sige Dj. Pag nalaman ko may kakaiba kayong pinag-gagagawa diyan, lagot ka talaga sa akin"

"Opo Babe!"

"Hmpp! Anong Babe?!!" 

"Yun nalang tawagan natin, 'Babe'"

"Sige bahala ka... Babe! :)"

"Hahaha. Skype tayo, gusto ko makita yung napaka ganda kong babe"

"Sige. Nambola pa. Wait sign-in lang ako" 

Hinintay ko siya mag online sa skype at habang hinihintay ko siya nag sign-in na rin ako.

Pagka-online ko agad siyang tumawag. Miss nga ako nito. 

"Hi Dj!" excited siya sa pagsabi nito, pa-wave wave pa siya. 

"Hi Iza. Matutulog ka na ba?"

"Dapat matutulog na ako. Pero dahil namimiss na kita usap muna tayo"

"Hehehe! Sige babe"

"Nandiyan ba si... Kathleen?"

"Oo bakit?"

"Wala... Gusto ko lang siya makakilala."

"Baka awayin mo e"

"Hindi nga! Kikilanin ko lang"

"Sige tatawagin ko lang. At uy wag mo ako ibulgar a. Hindi niya alam na crush ko siya"

"Sige babe"

Tinawag ko si Kathleen sa kwarto niya. Ewan ko kayIza kung anong trip niya at gusto niya pa makilala si Kathleen. E wala na ako magagawa, boss si Iza e.

~Knock~Knock~

"Kath, may gustong makilala ka"

Bumukas pinto ni Kath.

"Sino?"

"Tara nasa kwarto ko e"

Pumunta kami agad sa kwarto ko at nung nakita ni Kath si Iza sa laptop ko parang naging awkward ang sitwasyon. 

"Uhhmm... Iza meet Kath, Kath si Iza nga pala. Girlfriend ko sa Pinas"

"Hi... Iza?"

Napangiti nalang ako. Si Iza naman, tinitigan lang kami ni Kathleen habang naka ngiti siya.

"O Iza, akala ko ba..." bigla siyang sumabat.

"Uhmm... Hi Kath"

"Bakit ang awkward natin?"

"Oo nga Dan e. Aaahh sige... maiwan ko na kayo a. Punta na ako sa kwarto ko. Nice meeting you Iza. Dan..."

I just nodded at Kath at kinausap na si Iza ulit.

"Iza, parang hiyang-hiya kayo sa isa't isa a"

"Oo nga e... Sino mas maganda sa amin para sa'yo"

"Anong klaseng tanong ba yan? Syempre ikaw!"

"Hmmp! Pero in fairness a. Maganda siya!"

"Ano naman? Ikaw pa rin ang babe ko"

[sorry po sa sobrang late na update.

continue reading po! :)) please vote.. :]

Paper RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon