CHAPTER 2

736 27 5
                                    


Kinabukasan.

Nabulabog si Aurelia ng malalakas na katok mula sa kanyang pintuan.
Wala pa sana siyang balak pagbuksan ito dahil inaantok pa siya ngunit tila ata hindi titigil ang tao nasa labas hanggat hindi niya ito mapag buksan.
"Sandali lang!" iritang wika ni Aurelia habang tumatayo mula sa kama.

Nang mabuksan na niya ito bumungad sa kanya ang ang naka pameywang na pinsan niyang si Janika. Ang anak ng kapatid ng mama niya.
"Late Morning!" wika nito at walang pasintabi pumasok ito sa kwarto ni Aurelia.
"Ang aga aga istorbo ka!!" singhal niya rito at muling bumalik sa kama.
"Chill ka lang. anong ang aga aga haler! past 10 a.m na kaya anong pinag sasabi mong maaga pa." ani nito at naupo sa gilid ng kama niya.

"Ano ba kase kailangan mo at nang iistorbo ka ng natutulog pa?" Tanong niya rito at nag talukbong siya ng manipis na kumot sa buong katawan.

"Mag papasama sana ako mag shopping eh, naipaalam na kita kay tita at pumayag siya." Nakangiting wika ni Janika sa iritable nitong pinsan.

"Tinatamad ako lumabas.Ikaw nalang mag isa!." sagot niya rito.

"Ay, hindi enjoy pag mag isa lang, tara na kase kahapon sana kita aayain kaya lang noong pumunta ako dito wala ka na. Umalis ka raw sabi ni tita Lou, saan ka nag punta kahapon insan?" pang uurirat nito kay Aurelia.
"Gumala kasama si Bhesy at ng Boyfriend niya."
"Wait, BHESY mo kamo? Si tinet yun diba? eh diba crush mo yung Boyfriend niya mula pa noong 1st yr high school kayo?"
Napabalikwas naman ng bangon si Aurelia at tinakpan ang bibig ni Janika.
"Ssshh.. Marinig ka ni mama. Dati yun hindi na ngayon."

"Aaaah.. dati ba? kaya pala-"

"A-Anong kaya pala?" Takang tanong ni Aurelia.

"Kaya pala sabi ng mama mo kahapon saakin, noong makita mo daw yung lalake sa labas ay dali-dali ka raw nag palit ng damit. Yun pala sinundo ka ng crush mo at hindi ka nakatanggi." Pang aasar ni Janika sa pinsan niya.

"Ang bully mo Janika ha!"sagot naman ni Aurelia sabay irap nito sa kausap.

"Aminin mo na kase crush mo parin siya hanggang ngayon!" panunudyo pa nito sa kanya.

"Oo na. shut up ka na dyan!"

"Ang tindi mo teh, masokista ka ba talaga o sadyang tanga lang? hindi ka ba nasasaktan makita ang crush mo kasama ang BFF MO na sweet sweetan sila sa isat isa? at TAKE NOTE CHAPERON KA PA SA DATE NILA HA !ANG TINDI MO!" eksaheradong wika ni Janika.

"Yun nga eh, di ko naman alam na date nila yun.basta nalang niya ako niyaya. tapos ayun nangyari na ang mga nangyari saka bakit naman ako masasaktan aber? crush lang naman yun or sa tagalog Paghanga huwag kang ano dyan!." Depensa naman niya kay Janika.

"Ayun nga eh, saan ba nag sisimula ang love diba sa pag hanga?"

"Bunganga mo! marinig ka ni mama. So ano gusto mong palabasin?" sabay tampal sa bibig nito bilang pag
sawata nito sa kanyang pinsan.

"Eh kase nga feeling ko. hindi na pag hanga yang nararamdaman mo." biglang bulong nito. " Baka LOVE na iyan." Mariin wika nito sabay kindat sa kanya.
Nanlaki ang mata ni Aurelia sa tinuran sa kanya ng pinsan. May kung ano kumislot sa kanyang puso niya na hindi niya mawari kung para saan.

"A-Ano n-naman ang alam mo sa Love Love na iyan. ni hindi ka nga nag kakaroon ng stable relationship eh, puro LARO KA LANG!"

"Excuse me, bata pa po ako noh! wala pa sa utak ko ang mag seryoso sa pakikipag relasyon, at isa pa hindi ko pa natatagpuan ang katapat ko kaya ako ganito. Enjoy life ang ginagawa ko." Pangangatwiran nito.

The Secret Love SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon