Chapter 9

369 17 10
                                    

Ilang minuto na ang lumipas mula ng isend niya ang mga mensahe niyang iyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang minuto na ang lumipas mula ng isend niya ang mga mensahe niyang iyon. Naka tanghod parin si Andrew sa harap ng Laptop na gamit niya. Umaasang mababasa ng dating katipan ang iniwan mensahe  niya sa social media account nito Ngunit lumipas na ang kalahating oras ay hindi parin nito binabasa ang kanyang mga mensahe.
Pabalikwas sya tumayo at napa sabunot sa buhok.
"Hanggang kailan mo ako titiisin!" bulong ni Andrew sa sarili.
Pakiramdam niya ay mababaliw na siya kakaisip kay Antonette.
Ilang buwan na siya nitong hindi kinakausap o di man lang ito tumawag sa kanya kahit minsan.
Ninanais parin niya ng kapalinawagan sa dalaga at umaasa parin siyang magkaka ayos parin silang dalawa. Pero sa nangyayari  ay
Unti Unti na siyang pinang hihinaan ng loob. Ayaw man niyang isipin ngunit pakiramdam niya ay wala na talaga siyang halaga sa babaeng pinakamamahal niya.
"Ganon ganon nalang ba?, ganon nalang ba kadali akong kalimutan?" Tanong niya sa kanyang sarili na punong puno ng  hinanakit. Hindi kase niya lubos maisip na ganon lang kadali sa kanyang dating kasintahan na basta basta nalang nito itapon ang matagal nilang pinagsamahan. Pagsasamahan na pinangarap niya na mauuwi rin bilang mag asawa pag dating ng  araw, nakikita niya ang sarili kasama nito at masayang nagsasama kasama ang magiging  anak nila. Lahat ay planado na para sa kanila. Hindi niya lubos maisip na mauuwi lang sa wala ang lahat. Alam niya malaki ang pagkukulang niya sa dalaga nitong nag daan mga buwan. Naging masyado siyang abala  sa maliit na negosyo pinatatakbo niya habang nag aaral. Nawalan na siya ng panahon  kay Antonette at halos hindi na sila nagkikitang dalawa. Kapag tinatawagan naman niya ito ay wala naman itong bukambibig kundi naiintindihan siya nito at huwag na siyang idagdag pa sa mga iniisip niya.  Nasabi nya noon sa sarili na napaka palad niya tao dahil may isang babae tulad Antonette na kayang unawain ang sitwasyon niya. Na nauunawan nito na para sa future nila ang kanyang ginagawa niya, Kaya naman ganon nalang ang pagsusumikap niya makatapos at makaipon agad para makabawi siya sa mga pagkukulang  niya para sa dalaga. Pero  isang araw nag pasya na lamang ito makipag hiwalay sakanya.Sadya ang tao ay kapaguran din. napagod narin siguro ito at nag pasyang Makipag hiwalay na.Masakit sa kanya ang biglaan nitong pag papasya na maghiwalay na sila pero pinag bigyan niya ito sa pag kakaalang  kailangan nya ng ng panahon na makapag isip ngunit nagkamali siya ng akala,kung hindi sana siya pumayag noon  hindi sana ganito ang kinahinatnan, kung sana nagkaroon pa siya ng tapang na ipaglaban ang nararamdaman niya hindi  sana siya sinusukuan nito.Maraming tanong ang bumabagabag kay Andrew na kailangan ng mga kasagutan.
  "Binigyan  niya sana ako ng pangalawang pagkakataon para makabawi sa kanya. kung kailan handa na ako,Ngunit ngayon ay wala na. Nawala ng lahat." bulong ng isip ni Andrew.

" bulong ng isip ni Andrew

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Secret Love SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon