CHAPTER 6

656 21 4
                                    

"Hi bhessy!" bungad na bati ni Aurelia ng makita niya si Antonette sa kanilang tambayan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hi bhessy!" bungad na bati ni Aurelia ng makita niya si Antonette sa kanilang tambayan. Nakaupo ito sa gilid ng pool at nakababad ang paa nito sa tubig.
Kumaway naman ito sa kanya at pinalalapit siya nito na maupo sa tabi nito.
Nag tanggal si Aurelia ng kanyang medyas at sapatos ay naupo siya sa tabi nito.
" Anong atin, mukhang seryosong bagay ang pag uusapan natin ha."sabi ni Aurelia ng makalapit ito sa kinaroroonan ni Antonette.
"Hindi naman super serious very very light lang!" sagot naman nito.
"Bakit mo nga ba ako pinapunta rito?"

"Gusto ko lang malaman kung anong balak mo pag ka graduate natin ng highschool." tugon naman ni Antonette.
"Malamang mag kokolehiyo." pabirong sagot naman Aurelia. Ngunit napansin niya hindi naman ito natawa sa sinabi niya."Ahmm.. ano ba gusto mo isagot ko bhessy?" biglang bawi ni Aurelia  sa nasabi kanina.
"WALA naman.. tama naman yun sagot mo, buti ka pa makakapag aral sa kolehiyo dahil matalino ka." wika ni Antonette na may himig na lungkot sa kanyang sinabi.
"

Ikaw ba bhessy ano ba balak mo pag tapos nito?" balik na tanong ni Aurelia sa kaibigan.
"Tutulong muna ako sa pag lalako ng tindang ulam ni mama. tapos mag hahanap ako ng part time job. pag nakaipon ako doon siguro ako mag aaral kahit 2yrs vacational course lang."
"Ayun naman pala eh, wag kana sad. atleast may plano ka sa buhay." pagbibigay nito ng pag asa kay Antonette.

"Huwow! ano tingin mo saakin walang pangarap sa buhay! it hurts you know!" natatawang sagot naman nito.

"Pinapatawa lang kita, masyado ka kase seryoso hindi ako sanay."
"Lalagnatin nga yata ako eh oh!" sabay sapo ni Antonette ng kanyang noo.
Natawa naman si Aurelia.

"Nga pala bhesy speaking of  college. Diba nabanggit ko na sayo na tumutulong si Tito Lando sa pag papa aral sakin at sa iba ko kapatid."

"Oo bhest siya yung kapatid ng mama mo diba, anong meron?" takang tanong ni Antonette.

"After graduation doon na ako titira sa bahay nila para tumulong sa pagpapalakad ng negosyo niya. Tapos siya din ang mag tustos ng allowance ko sa pag aaral sa kolehiyo at may  goodnews nga pala ako sayo bhessy, nakapasa ako sa P.N.U.!"

"Talaga,Wow! congrats pupush mo tlaga maging isang guro ha!"
"Thanks." tipid na sagot ni Aurelia.
"Paano na pala yan, hindi na pala tayo magkikita madalas niyan." Malungkot na wika ni Antonette.

"Pwede pa naman. kapag may gusto may paraan. eh kayo, papano na kayo ni Andrew pag tapos ng highschool?"curious na tanong lnaman ni Aurelia. Nakita niyang bumuntong hininga muna ito bago sumagot.
"Nakikipag hiwalay na nga ako kase baka hindi ko magampanan ang pagiging gf sa kanya. saka pareho namin hindi priority ang lovelife sa ngayon. siya focus sa pag kuha ng mga exams para makapasok sa mga paaralang walang bayad at makakuha narin scholarship at ako busy sa pag tulong kay mama."

The Secret Love SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon