part 2 of Chapter 10

160 16 6
                                    


Naumid ang dila Aurelia sa sinabi nito. May punto nga naman ito. Nasa kanya na nga naman ang katangian ng pinapangarap ng mga babae ngunit nagawa parin siyang iwan ng kaibigan. Wala siyang maisip na maisagot o idahilan dahil kapwa kaibigan niya ang dalawa at wala siyang pwedeng panigan.
Tumingin si Aurelia sa gawi nito na tila nag hihintay parin ito ng paliwanag. Mataman din itong nakakatitig sa kanya ng hindi siya makarinig na anuman sagot mula sa kanya kumuha ito ng alak at nilagok ito mula sa sa bote.Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila ng muli ito nagsalita
"Bakit!? ano bang mali ko!?
Bakit niya ako iniwan? bakit niya ako binalewala." anito habang unti unting bumabagsak ang mga luha nito. damang dama niya ang pighati ni Andrew. Ang mahinang pag iyak nito ay nauwi sa hagulgol.

Hindi naman alam ni Aurelia kung papano aaluin si Andrew

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi naman alam ni Aurelia kung papano aaluin si Andrew.
Naawa siya rito.Lugong lugo ito habang nag iiyak.
Nais niya sana aluin ang lalake upang kahit papaano maibsan ang sakit na nararamdaman nito. Gusto niya sana haplusin ang buhok nito ngunit nag aalinlangan siya.
Damang dama niya ang hinananakit ni Andrew sa kaibigan niyang si Antonette.
Akmang yayakapin niya sana ito ng bigla itong umupo ng deretcho ng upo at nag punas ng luha.
"Sana naging payong nalang ako."
"B-Bakit naman?" alinlangan na tanong niya rito.
"Kase ang payong pag naiwan Binabalikan, pinagsisihan eh ako? wala!"
Hindi tuloy malaman ni Aurelia kung matatawa o ma cocornihan sa sinabi nito sa kanya.
Tinitigan niya ito at nag iisip ng sasabihin sa binata.
"Andrew ano ba gusto mo dinamita o katol?"
"H-ha?" anito sabay lingon sa gawi ni aurelia.
"Mamili ka sa dalawa. Dinamita, para pasabugi na natin ang feelings mo ng mawala na."
"O katol para di ka LAMUKIN KA AASANG BABALIK PA SIYA SAYO!" sabi ni Aurelia na animoy ng aasar lang. di naman nabigo si Aurelia dahil sa kabila ng pag iyak ng binata ay napangiti niya ito.
" Grabe ka Aw, ang supportive mong kaibigan."
"eh ikaw ang corni mo eh! tara umuwi na nga lang tayo." aya ni Aurelia.

Hindi naman ito tumanggi o kumontra pa. inalalayan nya ito tumayo ngunit tumanggi ito mag patulong sa kanya.
"K-Kaya ko pa mag lakad Aw,"
nakangiting wika nito sa kanya.
Maya maya pay nakarating na sila Andrew at Aurelia sa mismo tapat ng bahay ni Aurelia.
"Papano sigurado ka ba hindi na kita kailangan ihatid  sainyo?" Nag aalalang tanong ni Aurelia kay Andrew.
"H-Hindi na, k-kaya k-koo pa naman."
"Sige, ingat ka Drew."
"Salamat." Tumalikod na ito sa kanya at
Pasuray suray na ito lumakad papalayo sa kinaroroonan niya.
Hindi naman ka agad pumasok ng bahay si Aurelia at pinag masdan muna si Andrew maka layo.
Nang hindi na niya makita ito ay saka lamang nag pasya pumasok ng bahay.
N

akapasok siya sa loob ng bahay nila na hindi gumawa ng ingay.
nakapatay na ang lahat ng ilaw kaya alam na niyang tulog na ang mga tao sa kanilang bahay.
Marahan siyang pumanhik sa itaas at dali daling pumasok sa kaniyang kwarto.
Saka lang siya nakahiga ng maluwag ng naisara na niya ang pinto.
Matapos makapag linis sa sarili ay kaagad sumampa si Aurelia sa kanyang kama at nag talukbing ng kumot. Ilang beses na siya nag pabaling baling sa kanyang kama ngunit hindi parin siya makatulog.
Naiisip parin niya ang mga naganap kanina. Hindi niya maialis sa isipin ang bagong imahe ni Andrew.
Ipinilig niya ang kanyang ulo saka pinilit na makatulog.
"Hay naku Aurelia matulog kana lang nga!".

The Secret Love SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon