Chapter 11

188 7 2
                                    


                                                08/6/17

Dear Diary;

Ahhmm.. papaano ko ba sisimulan ito? marami akong gustong ibahagi sayo pero hindi ko alam kung saan ko sisimulan.
Matagal tagal narin pala mula ng huli akong sumulat.
Ang dami kaseng nangyari eh, isa na roon ang trabaho ko marami na akong student na koreano. full na ang sched ko.. alright! pero pag may time pa ako minsan nakakausap ko si bhesy.. hay, ang babaeng yun walang inatupag kundi ang guluhin ang nanahimik kong buhay. dahil sa request niya heto ako ngayon nag papadakila umalalay sa boyfriend niya nawawala na ng landas.
ilang buwan narin pala ang lumipas ng nagsimula na akong kontakin ni Andrew para samahan saan man nito gusto  o  kaya damayan ito kapag nalulungkot.
in short dakilang alalay ni Andrew.. hayyy... bakit ba ako naiipit sa  dalawang yun?,
naiinis ako na ewan! kahit mag dahilan ako para di makasama o makapunta dinadaan naman ni Andrew sa pangongonsyensya.
Ako naman si awa mapagbibigyan ang gusto.
May halong saya at takot akong nararamdaman. Saya dahil kahit papaano nakikita ko na siyang ngumingiti, na sasaksihan ko na ang unti unti niyang pagbabago.
Bumabalik na ang Andrew nakilala ko. ngunit sa kabila ng nakikita kong pagbabago ni Andrew takot naman ang nararamdaman ko dahil unti unti narin nabubuhay ang pag ibig ko sa knya na akala ko inilibing ko na ng matagal na panahon..
HAYYY...
PAANO KO NGA BA PIPIGILAN ANG DAMDAMIN KO PARA SA KANYA.
Hay tama na nga toh..

-----------------------------------------------------

"Hi Aw, sorry late ako." bungad na bati ni Andrew kay Aurelia nakaupo  sa kabilang eskinita.

" bungad na bati ni Andrew kay Aurelia nakaupo  sa kabilang eskinita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Isang ngiti lang ang tinugon ni Aurelia. Kaagad itong tumayo at nagpagpag ng pantalon.
Nang ganap ng makalapit sa Andrew sa pwesto ni Aurelia Ikinagulat niya ang bigla pag pitik  nito sa kanyang sa noo.
"Hindi mo dapat pinag hihintay ang mga babae." anito sabay talikod at nauna ng lumakad.
"Sorry na."
"S-Saan mo ba kase gustong pumunta?" Hindi makatingin tugon nito.
"Sa Circle."
"sa Circle? at ano naman ang gagawin natin doon? manonood ng mga lovers doon tapos ano!, ma iingit ka na naman then mag eemo ka na naman at mag eemote! abah tigilan mo nga ako Drew, sawa na ako makinig sa kadaramahan mo!" mataray na sabi ni Aurelia.
"Ang dami mo agad  sinabi." natatawang sagot naman ni Andrew. "Halika na nga." Sabi nito sabay hatak ng kamay niya.
Nabigla man  sa ginawa nito  hindi na siya umagal at nag patianod nalang ito sa binata. Maya maya pa ay tumawag na ito ng taxi at nag pahatid sa Circle.
Wala pang 30 minutes ng marating nila ang Circle. Pagkababa nila ng taxi ay saka pa lamang ito nag salita.
"Maglakad lakad tayo ha! "
"Eh ano pa nga ba, alangan naman mag tatalon tayo dito. tugon niya rito. Natawa naman ito sa tinuran niya. "Ang barubal mo talagang sumagot. i love it." nakangiting sabi ni Andrew.
"Wow,Compliment ba yan o pang iinsulto?" Angil  naman niya rito.
"It's a compliment. kase kahit barubal ka sumagot o kaya sinusungitan mo ako, sinasamahan mo parin ako kapag gusto ko ng makakausap. i find it sweet." Natameme siya. hindi niya alam kung papano niya ito sasagutin. Hindi niya inaasahan iyon. Bigla tuloy sumirko ang puso niya. Nakaramdam siya ng pagkapahiya sa inasal niya kanina kaya mas pinili nalang niya na  hindi tumugon.
Natawa naman ito sa kanyang pananahimik. nahalata siguro nito na hindi siya sanay na makarinig ng ganon mula sa kanya kaya lalo siya nitong pinuri.
"Hey, Ok ka lang? hindi ka ata sanay na pinupuri kita.!"
"Hindi sanay agad!? diba pwedeng nabigla lang?". pataray na sagot niya.
"Bakit nakakabigla?"
"Eh, papaano kase kapag sinasamahan kita puro sarili mo lang iniisip mo.ni wala kang paki sa paligid mo kahit mukha kang ewan sa kaiiyak mo. kahit mag situlo ang uhog mo, ay! wah kang care!."
"Ganon?!"
"Ganern na Ganern!"
"Bakit wala akong natandaan.?"
"Hay naku brad, papano mo matatandaan eh lango ka lagi sa alak. abah, Ang dami ko rin inabot na kahihiyan sayo ha! akala ng mga tao nakakakita saatin ako ang nagpapaiyak sayong peste ka!" Hindi niya maiwasan magalit sa tuwing naalala ang mga ganon pangyayari iyon.
Hindi naman ito nag paapekto sa galit na pinakita niya bagkus humalakhak pa ito sa kanya na animoy aliw na aliw sa pag kakabusangot ng mukha niya.
"Tamoh toh, hindi kaya nakakatawa yun! imagine, may lumapit pa saakin matanda at sabihan ako na ineng, maawa ka naman sa nobyo mo patawarin mo na kase."
Tumawa naman ito.
"Ay nakakapikon kana ha!pagtapos ng iyak iyak, tawa tawa naman. lakas maka mental brad."patuloy niya sa pag daldal rito na lalo ikinalakas ang tawa nito. Natigilan siya sa naging reaction nito. para kase musika sa kanyang tenga ang malulutong na tawa nito. kahit inis na inis na siya eh parang bulang nawala agad ang lahat na inis niya kay Andrew.Hindi niya namamalayan na  pinag mamasdan niya nalang ito. May kakaibang saya  kase ang naidudulot sa kanyang puso ang makita niya muli  ito tumatawa.
"Hindi ko alam na may sense of humor ka pala."Anito na maiyak iyak na wika ni Andrew na ikinabalik naman niya sa katinuan.
"Alam mo baliw ka! Anong nakakatawa roon eh nag sasabi lang ako ng katotohanan?"
" The way you talked, kahit sarcastic ang dating nakakatawa kapag sinasabi mo na."
"Hala siya oh!."
"Thank you."
"Thank you naman saan?" Takang tanong niya rito.
"Thank you sa pagdamay mo saakin sa mga panahon na down na down ako."
"Hmp!,Wala naman akong choice noh, ako lang naman ang pwede mong tuluan ng uhog at makinig ng sirang plakang hinanakit mo sa buhay eh, kaya ok lang yun."
"loka loka ka! tara na nga." Aya na nito sa kanya at nauna na itong mag lakad.
"You're welcome." nakangising sagot niya habang sinusundan niya si Andrew sa pag lalakad. Malayo man ang distansya nila habang nag lalakad tanaw ni Aurelia ang mukha ng binata.
nababanaag niya ang kapayapaan sa mukha nito. Batid na niyang unti unti na nitong natatanggap ang pagkawala ng babaeng minahal nito ng lubos. Bumabalik na ang dating Andrew na nakilala niya at masaya siya para rito.
"Sanay tuloy tuloy na na yan."
Bulong niya sa sarili.

The Secret Love SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon