Ikaw

164 5 0
                                    

Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw
Ang iniisip-isip ko hindi ko mahinto pintig ng puso
Ikaw ang pinangarap-ngarap ko
Simula ng matanto na baling araw iibig ang puso

Mula sa kinatatayuan ko, tanaw ko ang lalaking pinakamamahal ko. May ngiti sa kanyang mga labi, kita sa nagniningning nyang mga mata ang tuwa. Kinakabahan sya, pareho lang kami, parehong bumibilis ang tibok ng puso namin.

Parang bumagal ang oras.

Parehong may mga luhang bumagsak mula sa aming mga mata.

I really do love him.

Ikaw ang pag-ibig na hinitay
Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw.

Nakakatuwang isipin na mula pagkabata magkasama na kami. Oo, bestfriends kami. Kilalang-kilala na namin ang isa't isa.

Base sa muhka nya ngayon, magkahalong tuwa at kaba ang nararamdaman nya.

Mainipin pa naman sya.

Bakit ba kasi sobrang haba ng isle?! Aabutin talaga ng pasko bago makarating sa altar eh.

Pero sa nila it's worth the wait.

Nothing worth having comes easy, kaya dapat maghintay sya!

Humihinto sa bawat oras ng tagpo
Ang pag-ikot ng mundo ngumingiti ng kusa aking puso
Pagka't nasagot na ang tanong nag-aalala noon kung may magmamahal sa'akin ng tunay.

Naalala ko tuloy noon, lagi syang nagpapatulong sa mga porma't pananamit nya, ako pa yung bumibili ng mga damit nya.

Nerd kasi sya noon.

Pero ngayon, masasabi kong sya yung pinakagwapong nilalang na nakita ko.

Mabait sya, gentleman, matalino. Nasa kanya na lahat ang mga katangiang hinahanap ko sa lalake. Kaya masasabi kong napaka-swerte ko dahil dumating sya sa buhay ko.

Ikaw ang pag-ibig na hinitay
Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw.

Sa pagkakaibigan namin, natutunan ko syang mahalin. Nerd man sya o naging gwapo na, wala akong pake. I just love every bit of him. All of his flaws and imperfection combined, for me he's perfect.

Marami kaming pinagsamahan, lungkot at ligaya.

Para kaming partners in crime, kulang yung isa kapag wala yung isa.

At hindi pa'ako umibig ng gan'to
At nasa isip makasama ka habang buhay.

Oo, matagal ko ng gusto yung makasama sya habang buhay. Makasal, magkaroon ng pamilya kasama sya at sabay naming aabutin lahat ng mga pangarap namin mula pagkabata.

Pero sa palagay ko Malabo ng mangyari yun.

Magkasama kaming, nangarap, oo.

Pero hindi namin yun maabot ng magkasama dahil isa akong tanga.

Minahal ko sya, pero hindi ko sinabi. Tinago ko lang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya dahil ayokong masira yung pagkakaibigan namin.

Love versus friendship?

I chose friendship, so here I am.

Natakot ako sa idea na, maghihiwalay kami kahit sa simula pa lang wala namang kami.

Gusto kong tawanan yung sarili ko dahil ang hindi pag-amin sa kanya ang pinaka-tangang ginawa ko.

Ikaw ang pag-ibig na hinitay
Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw.

Nalaman kong mahal din nya ako pero hindi ako naniwala, nakatatak sa isip ko na "BESTFRIEND KA LANG" but my heart says the other way around.

Nang malaman ko yun, na mahal nya ako, natakot akong sumugal. Baka kasi sa huli pareho lang kaming masaktan.

Nung mga panahon na yun, nasa-isip ko...

Sino bang niloloko ko? Wala ako sa fairytale, napaka imposibleng walang masasaktan kapag naging kami. Love's not always happy things, love comes with pain, always.

Pinangunahan ako ng takot.

At sobrang pinagsisisihan ko yun.

Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw.

Ngayon, sa pinaka importanteng araw ng buhay nya, nasa gilid lang ako.

Pinangarap kong ako yung babaeng hinihintay nya.

Pinangarap kong ako yung babaeng nakasuot ng magandan puting gown.

Pinangarap kong ako yung dahilan ng bawat ngiti nya

Pero hanggang pangarap na lang yun.

Sino ba naman ako sa araw ng kasal nya?

Ako lang naman yung bestfriend nya.

Nakasama nya mula pagkabata pero hindi sa pagtanda.

Ang masokista ko di ba?

Nagawa ko pang umatend sa kasal ng lalakeng pinakamamahal ko.

Paano ba ako makakatanggi?

Pinagbigyan ko lang ang hiling nya na kumanta sa kasal nya, sa kasal ng lalakeng mahal ko.

Napakalaki kong tanga.

Mula sa kinatatayuan ko, kitang kita ko ang lalakeng mahal ko. Masaya kasama ng babaeng mahal nya.

I should have been the bride, ako sana yun.

I want to reverse the time and change everything. Is it too much to ask?

He turned his gaze at me then my tears falls. Kita sa mukha nyang nagaalala sya sa akin, I tried my best to smile at him and he did too.

God, this is what I loss. I loss a great man.

Muli may luhang kumawala mula sa aking mga mata

Ang ganda kasi ng kanta.

Saktong sakto sa nararamdaman ko para sa kanya.

Kaya lang, hindi sya ang pag-ibig na binigay ng may kapal para sa akin.

Pero kahit ganon, bumali-baliktad man ang mundo, may espesyal pa rin syang lugar sa puso ko.

At mananatili yun habang buhay.

Pag-ibig ko'y ikaw...

Minsan kailangan mong maging matapang at sumugal para makuha mo yung kaligayahan mo. In my case, I got scared, I'm not brave enough.

Wala namang nakakasiguro na magiging masaya kami pag inamin ko sa kanya na mahal ko sya.

Hindi rin ako sigurado kung ganyan din ang mga ngiti nya pag magkasama kami.

Hindi din ako siguradong kung kami hanggang sa huli.

Kahit hindi man ako yung maging dahilan ng mga tawa't ngiti nya, kuntento na akong nakikita sya mula sa malayo.

It's a brave thing to risk everything in love, everyone thinks so. But, I must say it's the sacrifice that you are willing to make for the one you love is the bravest thing.

~End~

Kathang IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon