Chapter 9
Timothy's POV
Sawakas tapos na ang klase namin uwian na pero nasaa kaya sila Ashton at Meg? Kanina tinawagan ako ng kapatid ko sabi next class daw sila babalik eh hindi na nga sila bumalik. Baka nag tanan yung dalawa hahahaha joke lang, pero ano nga ba talaga?
Dahil hindi pa nakakabalik yung dalawa at hindi pa tapos yung class nila Nat kami muna ni Allyson yung magkasama.
"Timothy may balita ka na ba sa kapatid mo? Nag aala na ako kay Meg"
"Wala pa eh hindi tumatawag o nag txt sakin"
"Saan ba kasing lupalop ng mundo nag punta yung mga yun, hindi kaya?" isang takot na takot na mukha ang pinakita saken ni Allyson. Alam ko na naiisip nito bad let's keep this SPG.
"Nako wag ka mag isip ng ganyan Ally, malabo yun"
"Ally?"
"Ally nalang tawag ko sayo kagaya ng mga kaibigan mo ang haba kasi pag Allyson bagay rin naman yung Ally sayo" namula ata siya sa sinabi ko hindi na kasi nakapag salita oh well mga galawan ko talaga to make a girls heart flatter.
Nag lakad lakad kami ni Ally kung saan saan sa school nagulat nalang kami ng pag liko namin sa hall nakita naming mag kasama si Meg at Ashton at nag tatawanan, ano kaya ang nangyare?
"Meg!!!" tawag ni Ally
"Ay tipaklong" nagulat si meg sa pag kakatawag ni Ally
"Bro, Allyson?" tanong naman ng kapatid ko
"Saan ba kayo nag galling at mag kasama kayo?"
"Ganto kasi yun nakatulog si Meg dahil sa isang pang yayari na ayaw niya ilahad"
"Tapos ano role mo? Knight and shining armor? "
"Nakita ko siya at parang nahihirapan so naging taga comfort niya ako, end of story"
"Yun na yon?"
"Oo yun na yon, ayaw kasi sabihin nitong Meg nato yung buong story sa inyo between samin nalang daw"
"Hoy Meg baka naman may nililihim ka?"Allyson
"Ha?! Wala no"
Ang weird ng dalawang to. Alam ko dapat mag kaaway to at hindi nag kakasundo pero iba eh. Oo ako na nag sabi sa kapatid ko na may gusto siya kay Meg pero loko loko lang yun. So ano nagiging for real na ba? Is this the end of Ashton the heartbreaker
"So mag kasundo na kayo at hindi na mag aaway"
"Oo nga ang sweet niyo nga tingnan eh like a couple" pang aasar ni Ally
"Couple your face Ally, hindi no for your info galit parin ako sa kanya"
"Galit ka parin edi sana hindi nalang ako pumunta kanina walang ring pala say-say yung ginawa ko kanina"
"May say-say naman and I'll thank you for that, pero put that all aside galit parin ako sayo"
"Fine pag maiiyak ka ule mag hanap ka ng iba wag mo akong tawagin"
"Fine edi mag hahanap ng iba"
At nag walk out na nga parehas yung dalawa. Grabe siniryoso yung pang aasar ni Ally kahit kaylan talaga, nako wala na akong magagawa so i was wrong to think that they got close hahahaha.
"Timothy pinag away ko ata sila"
"Nako Ally wag kana mag alala hindi mo kasalan yun, parang isip bata rin naman yung dalawa eh"
"Sure ka?"
"Oo sure ako, uuwi kanaba?"
"Hindi pa, punta ako sa canteen nagugutom kasi ako"
"Sama ako"
"Okay"
Yes makakain uli ako matanong nga si Ally kung pwede niya ako libre.Ang sarap talagang kumain I love food at lalo pag libre “ψ(`∇´)ψ.
_____________________________________________________________________
Ang daya naman ni Ally hindi pumayag na ilibre ako. Well okay lang yun pero ang mas masaklap yung last na chocolate cake nabili niya yun yung gusto ko binigyan nga ako isang kutsara lang diba ang saklap. -_-
Tinawagan ko sila Nathan kung uuwi na ba sila pero hindi pa daw may pinagagawa kasi sa kanila sabi nila pwede na daw ako mauna pero ayoko nakakatamad sa bahay kaya hihintayin ko nalng sila tutal kasama ko naman ngayon si Ally.
"Timothy aalis na ako may gagawin pa kasi ako eh"
"Eh aalis ka na?"
"Oo may gagawin pa kasi ako sa bahay, sorry bukas nalng ule"
At yun na nga umalis na siya. Hay buhay kala ko naman may makakasama ako wala rin pala lahat na nang iiwan ang sakit joke lang.
"Hay buhay pagkain lang talaga hindi mawawala sa tabi mo" sabay kain ng mocha cake ko.
______________________________________________________________Eumi's POV
Nasa bahay na ako ngayon kasama yung mga kaibigan ko buti nalang hindi na tuloy yung pagiging maid namin ngayon dahil may gagawin pa sila kaya canceled. Okay na rin yun para makapag pahinga kami ngayon ang dami kasing pinagawa sa school dahil sa upcoming opening ball. Kaya puro gawain, pag bigyan na ang kaluluwa namin at maka survive sa mga next days.
"Exited na ako para sa school opening ball" tuwang tuwang sabi ni Meg
"Ako rin at ang swerte naman natin sila Oliver pa ang ka date natin" Ally
"Oo nga eh ano nakapili na ba kayo kung sino magiging ka date niyo?" Miharu
"Sino nga ba pwede, mag bunutan nalang tayo bukas kasama sila tutal pupunta tayo sa bahay nila" ako
" Well isa lang ang masasabi ko ayoko maka partner si Nathan baka mabadtrip lang ako" Meg
"Oo tama ka ayoko ko rin kung sino man makakuha sa kanya good luck sa ball" Ally
"Pero may feeling ako si Eumi makakakuha kay Nathan" Meg
"Nako wag na baka mag dusa lang ako"
"Kung madudusa at mag hihirap ka Eumi hahanda na namin yung kabaong mo" Sira tong si Megumi ah kabaong talaga?
"Ako na bahala sa flowers" taas kamay ni Allyson
"Seconded more the flowers the better" Miharu
"Eh kung ngayon palang kaya ipag hukay ko na kayo pwesto niyo sa simenteryo?"
"Joke lang naman di ka mabiro" Miharu
Nag tawanan nalang kami pero sino kaya ang magiging kapartner ko sa ball? Pero kung si Nathan man yung mapili ko Lord kahit sa araw lang nayun mabait si Nathan saken pls. pls.
BINABASA MO ANG
Meeting 4 Mafia Prince
Storie d'amoreLife ng apat na mag kakaibigan mababago dahil sa apat na mga prinsipe pano kaya ang magiging takbo ng buhay nila??? some parts are real life story ^^ ENJOY