Mika POV
Hahahaha... Sorry natatawa lang ako kay Anna kasi naman-.. haha ..
Ang sama kong kaibigan no?! Eh nagalit naman talaga ako sa ginawa ng lalake kay Anna pero nung magwawala na ako..sakto kumawala sa kiss si kuyang naka-earphones..kaya nakita ko reaksyon ni Anna..alam niyo kung ano?
**Blank**
As in ung blank na hindi mo alam kung ano ba ang idedescribe mo sa mukha niya
Galit, Gulat, Kilig, Lungkot, Pagtataka, Pagsisisi..Lahat yan nakita ko halos nagpapalit-palit sa mukha ni Anna kaya sino bang d matutuwa.. HAHAHAHA
Oo na ..oo na titigil na ako ... baka masama na tingin niyo sa akin eh...
Ay oo nga pala ..alam niyo after mangyari yun.. tinignan ko lang si Chris na para bang natulad sa akin.nagalit nung una pero bigla nalang natawa nung nakita din reaksyon ni Anna..
D siya nakalapit sa amin kasi d na namin siya katabi.. kakaayos lang ni ms. ung seating arrangements namin..pero kami parin ni Anna magkatabi kaya ok lang sa akin..
Etong si Anna kasi nahuli na sa pagpasok sa room..kaya nung habang wala pa siya bigla namang dumating si mr. earphones na transferee at nagkataong sa pwesto namin sa likod ..sa tabi ko nalang ung vacant.. kaya ayun naunahan siya...
Eh nagkataong din na nung pagpasok ni mr. earphones na masungit eh tsaka naman nagpakuha si ms. ng extrang seat dahil kulang na kami... kaya nung nangyaring scene kanina hindi alam ni ms. un..
At ewan ko din ba after nun si Anna nakakalito ung itsura tinanong ko kung ok lang siya pero d niya ako pinansin at dumiretso lang sa bagong lagay ni ms. na upuan sa left side ko..at nahawa ata kay mr. earphones na masungit ..dahil pagkaupo nagsungit siya sa akin at nagsuot din ng earphones!!
Nakakatakot to... d ko pa alam kung pano to magalit..kasi sa sobrang bait niya..maiisip mo nalang na hindi siya marunong magalit... naku tulungan niyo naman ako no?
Its world war III as in I mean WAR!!! Naku masama nararamdaman ko sa nangyayari.. tsaka sino nga ba tong mr. earphones na masungit ?
clapclap**
Ay si ms. magsasalita ata..
"Ok class..uhmm ms. rosales?"
"Uhhmm yes po?" sabi ko
"Pakisabihan naman ung dalawa mong katabi na tanggalin na nila ung mga earphones nila dahil nagsisimula na ang klase"
Hay naku kasi naman tong dalawa...
**Taptap**
Wahh lord ayoko na...dinedeathstare ako nung dalawa...
"uhhmm ano pinapatanggal na ni ms. ung earphones niyo?" nahihiya kong sabi.. oo nahihiya pa ako niya ..haha
*boogsh*
yan ung tunog ng sabay nilang pagtanggal ng earphones at padabog na sinuksok sa mga bag nila.. at nung nalagay nila un.. nagkatitigan ung dalawa...
dapat nga kikiligin ako kaso ang lalamig ng mga titig nila..nakakapang-yelo naman..nasa gitna pa man din nila ako.. huhu "(T_T)"
Feeling ko nga nag-yelo na ako sa kinakaupuan ko eh..
"Tss..whatever" sabay nilang sabi at lumingon sa magkabilang direction
"Ok Mr. uhhmm.. Cruz? ..please introduce yourself upfront" sabi ng adviser namin
"Kevin Cruz.. 14 .. from ..Hartford Academy .." sabi ni kuya earphones
After nun..ewan ko ba pero parang naeepilepsy ung mga kaklase kong babae except shempre sa amin ni Anna na pokerface lang haha..
"Like I care" rinig kong buling ni Anna... brrrrrr... parang lumamug ung hangin ...hala may mumu ba!? eeeeeee
D ko nalang pinansin...kunyari wala akong narinig.. natatakot ako sa mga pwedeng gawin ni Anna matanong nga si Rose mamaya...kababata naman niya to eh..
***Rinngggggg
rinig kong tunog ng bell
****Whooosshhhh
rinig kong tunog sa labas umuulan na pala...ay este bumabagyo na pala ..bakit kasi ang tagal kaming isuspend!? Gusto ba talaga ng school na hintayin ang baha bago kami pauwiin?? Hay naku!?
Mic test...mic test..ahemm
students..since we are experiencing some climate here.. we have to suspend the clasess..but a little while longer we still need the mayor's declaration...please wait a little longer sorry..
"Kakain ka ba?" tanong ko kay Anna
"Hindi..pero sasamahan na lang kita.." sabi ni Anna
"Ah osige alika na.." aya ko
brrrr....ang lamig na naman dahi siguro sa ulan...
ay mali pala nagpapatayan nanaman ng tingin tong dalawang to..sila siguro ung dahilan ng bagyo no? Haha..
Bumaba narin kami ni Anna after nun... at maya maya nagdeclare na rin ang mayor ng suspension of classses ..kaya nkauwi na kami agad..
At sa hindi inaasahan... baha na ang daan papunta sa bahay ko...dahil magkakilala rin naman mga magulang namin ni Anna ...nagpaalam na ang mommy ko sa mommy ni Anna na dito na ako muna tumuloy..
Masaya sana ako kaso..naalala ko nabwiset nga pala tong si Anna...sana naman d niya mailabas galit niya sa akin..huhu
Author's Note:
Naku po ..nakakatakot magalit yang si Anna..matatanggal ba ni Mika ang inis ni Anna..o may dadagdag pa ulit na problema? este tao sa loob ng bahay nila?

BINABASA MO ANG
How to save your heart
RomantizmThe Heart as always so defensless... and together with this heart we overcome struggles and obstacles... But what would happen to the heart if its left defensless? How can you save it? Meet Anna Cherry Bernardo isang normal na estudyate ..Meet Chri...