Ouch...
Nasasaktan si Heart...
Hay naku ayan nanaman nasasaktan ako tuwing naaalala ko yung pangyayaring yun.. wag kayong mag-alala ikikwento ko sainyo iyon mamaya. Hay naku kayo kung may powers kayo ano gusto niyo? Ako gusto ko ng power na pwedeng magligtas ng puso ko.. hehe medyo corny no .. pero ganon talaga ang may pinagdadaanan hahahaha...
Alam niyo ba minsan kapag nakikita ko yung ibang taong may love-life napapaisip ako "Bakit kaya wala pa akong lovelife? May problema kaya sa itsura ko at pakikitungo ko sa tao?" Iyan ang mga tanong lagi kong tinatanong sa sarili ko.. sagot ng mga kaibigan ko "Wala namang problema sayo eh.. wag kang magalala darating din ang prince charming mo isang araw"
Prince Charming?
Kailan kaya iyon darating?
Baka na traffic lang pero on the way na.. (Sana)
Hi! Ako nga po pala si Anna Cherry Bernardo. Ganda ng pangalan ko no? Parang prutas ang first two names..kualang na lang gawing Banana ang anna para maging Banana Cherry Bernardo hahaha..... Pwede po ako sa pangalan na Anna/ Cherry/Ann pero hindi po pwede ang An-an ah? Baka mahurt ang feelings ko. Mmm... tungkol sa akin? Payat at average girl lang po ako.. 14 turning 15 this year.. 3rd year at 5 lng po ang height ko.
Ako yung tipong tao na gusto mag-gala with friends pero nauubos ang pera kakabili ng bili ng pagkain... Grade conscious din ako kaya minsan pinagkakamalang matalino hahaha... pero yun ang sabi ng iba pero feeling ko nakakachamba lng ako minsan.
Hobbies?...Mmmmm.. siguro kumain, magluto,... mmmm kumain? hahaha...hilig ko rin po ang pagbabasa ng mga libro.
Iyakin din ako minsan.Minsan mahiyain din sa klase pero friendly and honest sa ibang tao, may circle of friends, close friends at best best friends. Conservative din hehehe..
So yeah.. normal lang ang buhay ko...
Kahit marami akong kaibigan mahilig parin ako magtago ng crush..Gaya ng ibang tao patago ako lagi ng secreto ko tungkol sa crush ko kasi ayokong kumalat at mawalan ako ng chance na maging ka-close siya... pero asa naman akong magiging close kami? haha well malay natin diba.. think positive lang lagi....
Eh sino nga ba crush ko?
Wala pa eh. Hahahaha... First day pa kasi ng school namin so chill lang kayo iinform ko kayo kung meron.
Eto na papasok na ako ng school (humingang malalim bago pumasok)
Tumingin ako sa loob wala pang tao kaya biglang nawala kaba ko so masaya ako pumasok sa loob at naglakad papuntang sa section board sa court para makita ko yung section ko..
Ayan nasa tapat ako ng section board.. 3rd year..3rd year... ayun Bernardo, Bernardo.. aha! Ay napasigaw ako..Hehehe. "Hahaha masaya ka ata ah?" Ay diyos ko! Nagsalita ung section board.. ang mali may kumausap pala sa akin haha.. nakisabay ako sa tawa ng katabi ko pero nakatingin parin ako sa section board... bigla ulit akong kinausap this time tinignan ko na siya at sobrang OMG ang tangkad niya, maputi, at ang pogi!!.. Lord maraming salamat talaga sa biyayang ito.. wahahaha..
Bigla niya akong tinanong.. "3rd year ka rin ba?"..at kinuha ko na ang chance na ito para tignan ng husto yung mukha niya shockssss.. ang pogi talaga biyaya ng langit..sinagot ko siya ng Oo..
OMG FIRST CONVERSATION... HAHAHA
Tinanong niya ako ulit at pinipigilan kong ngumiti ng sobra.. baka kung ano yung isipin niya sa akin eh.. remember first impressions are important hehe...
"Ano pangalan mo?"
"Anna... Anna Cherry Bernardo"
"Ah.. ako naman si Christopher Chua 3rd year din ako at Anna Bernardo pangalan mo dba? mukhang magkaklase tayo.. nice to meet you"
(waahhhhh nakakasilaw yung ngiti niya hindi ko to kakayanin)
"Talaga?.. hahaha.. (waahwahhwahh Lord saludo ako sayo! I love you Lord) nice to meet you din, ngayon lang kita nakita dito new student ka no?"
(OMG tinanong ko siya wahahaha)
"Haha Oo"
"Saang school ka nanggaling?"
(wahaha ang tapang ko ngayon)
"Sa ************"
"Ah wow naman sikat yung school na yun ah"
(sikat sa mga kwento tungkol sa mga lalakeng mga mukhang anghel hehehe...)
"Wala pa namang tao ...halika upo muna tayo dun mukhang nangangawit kana diyan eh"
"Ah sige"
(OMG ang gentleman at ang bait niya..)
Habang papunta kami sa upuan tinititigan ko siya sa likod niya...grabe talaga hirap na hirap akong itago ngiti ko sa sobrang saya ko ngayon ..kaya habang di siya nakatingin ngiti ako ng ngiti sa likod niya na parang walang bukas.. naku pakiramdam ko namumula na mukha ko parang umiinit na rin.. naku pigilan, pigilan baka mapaghalataan.
"Anna"
OMG tinawag niya ako sa pangalan ko!
"Bakit nakatunganga ka diyan? ayaw mo bang tumabi sa akin? mangangawit ka diyan sige..."
Ughhhh nakatunganga na pala ako grabe nakakahiya..naku may tumulo bang laway...pheww mukhang wala naman..
"Sorry... Ok lang bang tumabi ako sayo?
"Ano ka ba? Bakit naman hindi? Naligo ako kaya wag ka magalala.. Hindi rin ako mangangagat kaya safe ka lang"
Wahahaha ang cute niya talaga mababaliw na ata ako sa sobrang saya ko ngayon. Ayun tumabi ako sa tabi niya at ang bango niya nga talaga as in sobrang bango ..parang gusto kong tumabi sa kanya buooooonggggg araw..
1..2..3 minutes na ang lumipas wala paring kibuan alam kong hindi pa kami close kaya mahirap magstart ng conversation pero ugghhh nakakatense... kausapin ko kaya pero ano naman kaya sasabihin ko? Haayy nakakatense naman teehhh...
"Uhhmmm ano...alam mo... ano"
Biglang may sumigaw ng "Annaaaaaa!!!"
"Ay mukhang tawag ka na ng kaibigan mo una na ako ah bye.."
"Ah osige bye.."
Hay naku panira ng moment ayun na ako oh ayun na malapit na sa finish line pero sayang talaga...nung lumapit sa akin kaibigan ko at sinabing " Anna classmates ulit tayo... wahahaha.. ayy bakit parang di ka masaya?"
"Masaya naman..."
"Eh bakit ang lungkot mo? Hindi ka pa kumakain no?"
(Sa totoo lang isa yun sa dahilan kung bakit ako malungkot.. hahaha)
"O eto buti may dala akong pagkain hati nalang tayo di pa ako kumakain eh.. para matangal lungkot mo... eto yung favorite mong bacon sayo na lang"
Hay naku kahinaan kayo sige na nga d na ako magagalit haha...maiiyak na ata ako.. ang swerte ko talaga ngayon oh.. Lord thank you ulet!.. "Mmmm sarap ang crunchy"
"Masaya nga tong araw na to kaso sana naman magtapos parin ng masaya"..bulong ko sa sarili ko habang kumakain ako kasama ang bestfriend ko.

BINABASA MO ANG
How to save your heart
RomantikThe Heart as always so defensless... and together with this heart we overcome struggles and obstacles... But what would happen to the heart if its left defensless? How can you save it? Meet Anna Cherry Bernardo isang normal na estudyate ..Meet Chri...