Chapter 3: Never Expect

26 1 0
                                    

Sana nga yun lang yun.. bulong ko sa sarili ko habang hawak niya ang kamay ko.

Ikaw naman kasi Anna eh! Lagi kapag pogi na-iinfatuation ka!... Pero bakit kaya sa lahat ng taong na-infatuate ako sakanya lang ako kabang kabado?... at first day palang to ah!?.. masyado ata ako namangha sa itsura niya kasi out of this world masyadoeh... hindi mukhang alien ah!? Mala anghel lang talaga..

"Anna dali malalate tayo!"

"Teka lang (hinihingal)"

"2nd Floor palang ng gradeschool pagod ka na?"

"Eh(hinihingal) ang daming(Hinihingal) hagdanan eh.. (As usual hinihingal ulit)"

Ayan nakaakyat na kami sa auditorium ng gradeschool.. kumakaway sa amin sa malayo si Mika at sinasabing dun daw kami sa likod niya...

Ay wait?! Ano sa likod niya eh...Kung nagtataka kayo kung bakit ako ganyan magisip.. yun ay dalawa dalawa lng ang upuan so naturally may iba nang katabi si Mika.. kaya ang naging katabi ko ay si.. si.. Christopher?!!

OMG.. First day palang to ah ...such development.... ay ano ba tong sinasabi ko? asa naman akong magdedevelop at magiging kami ?haha agad-agad?... Ay teka ano ba-.. Brain!! tama na ah! namimihasa ka na sa kakaisip ng ganyan...

Dugdug, Dugdug, Dugdug

Nako ikaw naman ngayon heart... porket tinabihan ka la-...WAAAH!! magkatabi kami.. whooo... inhale ..exhale...

Bakit ba ako kabado?

Naku kung alam niyo lang gustong gusto ko nang sagutin ang tanong na yan... feeling ko alam ko na yung sagot.. pero ayoko munang magjump to conclusions kasi baka naman nahihiya lang talaga ako.. oo nga..hayy naku yan ang sagot na lagi kong pinipilit sa sarili ko.. hayaan na nga...

Oh eto na ..nagsisimula na nang misa.. usually ang tahimik ko kapag misa.. shempre nandiyan si Lord eh.. kaso ang ingay ko ngayon sa utak ko kasi naiinis ako sa mga babae sa kabilang side namin.. kinikilig ba naman kasi pogi tong si Christopher at sa misa pa sila nagtitilian ..hindi naman tili.. ung halaang kilug lng na nagpapaluan sila at tingin ng tingin dito sa katabi  ko.

Parang ang sarap isigaw Shhhh nagmimisa pa po.... kaso d ko magawa kasi medyo malayo layo sila sa amin.. para marinig nila ako kailangan ko pang sumigaw ng onti.. d kaya ng bulong.. soo isipin niyo na lang kung gaano namin sila karinig kahit medyo malayo kami sa kanila... Tsk Tsk Tsk.. pogi eh shempre.. girls these days... ay wait kasama pala ako dun.. ang naiiba sa amin tahimik ako sa utak ko nagsasabi na  ang pogi niya.. hindi yung maingay na kayo.. sa misa pa may ganang kiligin.. 

Eto na ang pinakahihintay ng iiba sa amin.. ang Our Father kasi dito makakaholding hands mo yung katabi mo.. swerte swerte nalang sa magiging katabi mo...

Dugdug, Dugdug

Hay eto nanaman yung mga ibang boys na malapit kay Mika.. kinikilig nanaman...

Dugdug, Dugdug

Hay eto nanaman ako kinakabahan... shempre siya yung unang lalakeng nakaholding hands ko.. shempre kakabahan ako no?!..

"Our Father who ...(sabay hawak niya sa kamay ko)"

Deep inside:WAAAAHAHAHA!!!! Lord thank you kasi kahit isang beses man lang may nakilala akong pogi at nakaholding hands pa.. your the best lord! Muahh ! x*

Naku pakiramdam ko iba na ang ngiti ko ngayon.. Anna, Anna ..inhale ..exhale.. kailangang pigilan.. concentrate

"..but deliver us from e--vil".. Natapos na ang Our Father ..kaya shempre tapos na rin ang holding hands.. hanggat sa dumating ang peace be with you.. ayan shenpre papeacepeace sign ako sa kanya... siya naman "Anna..Peace" at may halo pang ngiti.. wahahaa

Ayan tapos na rin ang communion.. hanggat sa nagtapos na talaga yung misa.. edi balik na sa classroom... bigla kong naalala ang paguusap nila ni Mika.. tapos bigla akong nalungkot .. d ko alam kung bakit.. dahil siguro alam ko na halos lahat ng tao pwedeng magkagusto kay Mika at sa akin halos wala.. hirap pala kapag mga sikat mga kaibigan mo nakaka-OP  ang ganda nila.. ako lang ang naiiba..

Ayan umupo na ako sa gitna nilang dalawa.. pakiramdam ko isa akong malaking harang sa paguusap nila.. kaya yumuko na lang ako at nagkunwaring tulog..

"Uhhmm ano nga po pala pangalan niyo?"

"Mika Rosales ..pwede na ring Mika..ikaw?"

"Christopher Chua..Pwedeng Christopher or Chris nalang for short"

"ahh..."

Naku its starting na guys.. I'm sure magkadevelopan na tong dalawa guys... simula pa lang mukhang ang cheesy na ng mga susunod na mangyayari sa kanila eh..

"Anna pangalan neto dba?"

Dugdug, Dugdug

Ano ba heart  kinikilig ka nanaman? Kanina pa yan ah.. para namang d ka sanay na pinabanggit ang pangalan ko?...

"Yup.. parang ang close niyo na nga agad kanina ah.. uyyyy ano yan.. pano nga pala kayo nagkakilala?"

"Haha..  kasi kami kanina nung umaga.. nasa tapat siya ng section board tapos nandun ako sa kabilang gilid.. bigla ba namang sumigaw ng Bernardo ..Bernardo..AHA!..Haha natawa tlga ako...Pero ang cute niya nga nun eh"

Dugdug, Dugdug, Dugdug, Dugdug, Dugdug, Dugdug

OMG nonstop na to d ko na to kaya.. pakiramdam kong d ko na kayang magkunwari pang tulog.. nagpapanic na ata ako ng walang dahilan.. Woooo calm down Anna.... teka ano CUTE daw!!?? Ano?!!

How to save your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon